10/05/2023
BAKIT MAGANDA MAG AVAIL NG BAHAY NA NAKA PRE-SELLING??🤔
✅ 1. MAS MURA AT MAKAKATIPID KA. Dahil nga hindi pa naitatayo ang bahay, usually eh mas mura itong binibigay ng developer lalo na dahil sa installment option na pwede mong pagpilian. Di hamak na mas mahal ang mga RFO (ready for occupany) units at kadalasan eh kakaunti na lang ang option mo.
✅2. MARAMING OPTION AT PWEDENG MAMILI NG UNITS. Kapag bago palang ang project at pre-selling stage, bukod sa mura mo itong makukuha eh pwede ka rin makapamili kung anong unit ang gusto mo. For example, karamihan sa nakilala ko sa mga site trips ay gusto ang END UNIT lalo na sa townhouses o di kaya naman ay un malapit lang sa gate or amenities ang lokasyon ng bahay nila. Dahil pre-selling sila kumuha, mas marami silang napagpilian at hindi nahirapan sa gustong lokasyon ng dream house nila.
✅3. GOOD INVESTMENT AT PWEDENG MALAKI ANG TUBO. Lumaki akong palaging naririnig sa magulang ko na mas okay raw mag invest sa bahay at lupa. Tama! Kasi habang hinuhulugan mo ang bahay at lupa kahit di mo pa nakikitang tapos eh tumataas na ang market value nito. Kung sa Pre-selling price mo nakuha ang property at eto ay worth 1 million, baka by the time na natapos ito at lumipat ka ay mas tumaas na ang presyo. Who knows, kapag naisipan mong ibenta eh baka nasa 1.5 million na ang halaga nito at tumubo ka na agad!
CTTO