16/08/2020
Bagaman mayroon mga pinagdaranaan sa ngayon, ipinabatid ni Governor Jonvic Remulla na maraming plano ang Cavite para sa kinabukasan ng lalawigan.
Isa sa kaniyang mga inilahad sa kaniyang Facebook post nitong Agosto 10 ay ang Sangley International Airport, nakapagbigay ng 10,000 trabaho sa konstruksyon sa lalawigan.
Ayon sa kaniya, “We are now in the final stages of negotiations for the Sangley International Airport. P550 Billion investment. At least 10,000 jobs in construction.”
Dagdag pa niya, ang pinaka-unang paliparan sa Cavite ay magbibigay ng 50,000 trabaho sa mga Caviteno kapag ito ay nagbukas na.
“More than 50,000 jobs when it is operational and up to a million more jobs from tourism, transportation, and services.” ani Remulla.
Sa huli sinabi niyan na, “kahit gaano pa kahirap ang buhay ngayon ay may bukas pa na dapat nating harapin na magkasama at nagkakaisa. Tiwala lang na may liwanag sa dulo ng daan patungo sa magandang kinabukasan.”
Source: Governor Jonvic Remulla