30/04/2026
Sobra sobrang Thank You po Lord sa pag-gabay sa amin sa account na to🙏🤍 Hindi Nyo po kami pinabayaan hangng sa matapos. Salamat po sa wisdom na kaloob Nyo and strenght and sa mga taong tinalaga Nyo po na makasama at makatulong namin sa account na to.
📍JUST IN📍
Panibagong Araw Panibagong MC Released and Encashed worth 2.430M !👌
Congratulations po Mam Seller 👏👏👏and salamat sa tiwala💖
Sa totoo lng po hindi laging madali at smooth ang proseso, hindi laging ganon kadali makipag-usap or makipag negotiate sa iba't ibang tao, syempre may iba't ibang ugali at pananaw na kailangan natin irespeto. May kanya kanyang sitwasyon at pinagdadaanan tayo.
Minsan nga may oras na maiinis ka na, mapipika kasi naman.... parang teka lng ha, medyo sobra na po ata pabayaan ko na kaya? Bitawan ko na kaya? 🤔 hehe pero syempre sabi ko lng naman yun na "emo" lng tao lng po eh pagbigyan na minsan lng naman.😄✌️
Sa tagal namin sa ganitong industry, dito sa account na to, nasubok na naman ang kakayahan namin ahahaa.
Di ko na iisa isahin pero talagang challenging to, whew! But at the same time, ang daming learnings.
And good thing is natapos din ng maayos.Yun ang pinakamahalaga.Stress Free na and everybody HAPPY na😄
Maraming salamat sa buong team na nagtulong tulong. Sorry po sa mga taong naabala,ang dami nyo at may nasali pa sa kabilang ibayo ng mundo pasensya na po Mam A pati ikaw daming effort din✌️ Mam G Bawi kami next account natin sobrang smooth na😄
Again, Thank you sa buong team, thank you Mam and Sir Buyers, Thank you Mam Seller.
Congratulations po ulit📌
Purpose and Calling🙏 🤍
Hindi namin kayo pababayaan gaano man kahirap magkaminsan.Gaano man tayo subukin, basta't sa abot ng aming makakaya kasama nyo kami hangng dulo. Para to sa PANGARAP nila BUYERS, para sa layunin at pangangailangan ni Seller at syempre blessing din para sa buong team.
Tiwala at cooperation ng bawat isa big help po yan tama at maayos na proseso.