04/05/2026
Mapapabilis na ang daloy ng trapiko sa South Luzon matapos pormal na buksan ngayong araw, May 4, ang 7.88-km Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Subsection 3.
Dahil sa extension na ito hanggang Governor’s Drive Interchange sa General Trias, Cavite, ang dating isang oras na biyahe mula Biñan, Laguna ay magiging 26 minuto na lamang.
Bilang paunang handog, libreng madadaanan ang CALAX Subsection 3 sa loob ng isang buwan. Tanging ang umiiral na toll fees para sa Subsections 4 hanggang 8 (mula Mamplasan hanggang Aguinaldo Interchange) ang babayaran ng mga motorista.
Layon ng kabuuang 44.6-kilometer CALAX project na pagdikitin ang CAVITEX sa Kawit at SLEX sa Mamplasan upang magsilbing regional backbone para sa kalakalan at mobility sa Cavite at Laguna. | via News5