03/04/2026
Bahagyang magsisimula ang operasyon ng Cavite Bus Rapid Transit (BRT) System ngayong Mayo, na magbibigay ng point-to-point (P2P) na biyahe para sa mga commuter mula Imus hanggang Makati.
Ayon sa developer na Megawide Construction Corp. at Maplecrest Group Inc., ilulunsad ang P2P route mula Imus papuntang One Ayala upang maserbisyuhan ang libu-libong biyahero araw-araw, karamihan ay mga Caviteรฑo na nagtatrabaho sa Makati.
Tinatayang aabot sa 5,000 pasahero kada araw ang makikinabang sa nasabing serbisyo, ayon kay Megawide chief business development officer Jaime Feliciano.
Samantala, target namang buksan ang full BRT system bago matapos ang taon. Kabilang sa proyekto ang pagtatayo ng dedicated bus lanes na daraan sa mga bayan ng Kawit, Imus, General Trias, Tanza, at Trece Martires.
Una sanang iuugnay ang P2P sa Paraรฑaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ngunit binago ito upang direktang tumugon sa mataas na demand ng biyahe sa pagitan ng Cavite at Makati. Plano pa ring magbukas ng ruta patungong PITX kapag ganap nang operational ang BRT.
Naantala ang proyekto dahil sa mga usaping regulasyon, kabilang ang franchise approval mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ang kauna-unahang busway project sa bansa na may pribadong operator, kung saan pinapayagan ang Megawide na makipagkontrata sa mga bus operator.
Courtesy: CAVITE CONNECT