22/01/2026
Malaking ginhawa para sa mga motorista!
Opisyal nang konektado ang CALAX flyover section sa CAVITEX sa bahagi ng Kawit, Cavite, malapit sa dating Zeus Gas Station.
Malapit na ring matapos ang Cavite–Laguna Expressway (CALAX) na mag-uugnay mula Kawit, Cavite hanggang Biñan, Laguna. Kapag ganap na itong nabuksan, inaasahang bababa sa 30–40 minuto ang biyahe ng mga motorista mula Kawit patungong Biñan.
Isa itong mahalagang infrastructure project na magpapabilis sa daloy ng trapiko at magpapalakas sa koneksyon ng Cavite at Laguna, lalo na para sa araw-araw na biyahe ng mga manggagawa at negosyante.