06/09/2025
ILANTAD po natin ang katotohanan! Ang tunay na dahilan kung bakit MAHAL ang power rates ng ALECO, ang power supply nito ay mula COAL Fired Power Plant.
Una, dahil imported ito, ang ginagamit na pricing mechanism ay nakabatay sa world market. Ngayon may gera sa middle east, lalo ito nagmamahal.
Ikalawa, pinababayad ang mga konsumidor ng system loss kahit hindi naman nila ito nagamit.
Ikatlo, sekreto at manipulado ang presyo ng kuryente at tinitiyak ng mga energy regulatory body ang malaking tubo ng mga oligarkiya sa industriya ng enerhiya.
Ikaapat, nagpataw ang gobyerno ng 12% VAT sa bayarin sa kuryente, kahit halos lumpo na ang konsumidor sa patuloy na power rates increase.
Ikalima, hindi pa nagsasagawa ng rates reset ang Energy Regulatory Commission, kaya't ang presyo pinatutupad nito ay mas mahal.