13/03/2026
Real Estate Terms na Madalas Hindi Alam ng Buyers (At Nagiging Sanhi ng Problema)
1. Annotation sa Title
β’ Mga notes na nakalagay sa likod ng titulo.
β’ Pwedeng may kaso, utang, o claim ang ibang tao sa lupa.
β’ Kapag hindi ito na-check, maaaring may kasabay kang βproblemaβ na nabili.
2. Lis Pendens
β’ Ibig sabihin may ongoing na kaso tungkol sa property.
β’ Kahit mabili mo ang lupa, posibleng maapektuhan ka kapag natalo ang seller sa kaso.
3. Adverse Claim
β’ May ibang tao na nagke-claim na may karapatan sila sa property.
β’ Warning ito na may dispute sa lupa.
4. Technical Description
β’ Detalyadong sukat at boundary ng lupa.
β’ Kapag hindi ito tumugma sa actual na lupa, pwedeng magkaproblema sa transfer ng title.
5. Survey Plan
β’ Official na sukat at mapa ng lupa.
β’ Kung walang maayos na survey, posible na mali ang sukat na ibinebenta.
6. Extrajudicial Settlement
β’ Proseso kapag namatay na ang may-ari ng lupa at hahatiin sa mga heirs.
β’ Kung hindi ito ginawa, hindi pa legally pwedeng ibenta ang property.
7. Transfer Certificate of Title (TCT)
β’ Ito ang titulo na nakapangalan na sa current owner.
β’ Importante siguraduhin na ang seller ang nakapangalan dito.
8. Capital Gains Tax (CGT)
β’ Tax na binabayaran kapag nagbebenta ng property.
β’ Karaniwang responsibility ng seller, pero minsan napagkakasunduan na buyer ang magbabayad.
9. Documentary Stamp Tax (DST)
β’ Tax sa legal documents sa property transfer.
β’ Isa ito sa major expenses sa title transfer.
10. Transfer Tax
β’ Tax na binabayaran sa local government bago mailipat ang titulo sa bagong owner.
estate, ang hindi mo alam ang kadalasang nagiging dahilan ng malaking problema.
Lesson:
Hindi sapat na maganda ang lupa o mura ang presyo.
Mas mahalaga na malinis at legal ang dokumento.