30/03/2026
🏠 NASA KANILA NA BA ANG LUPA MO DAHIL MATAGAL NA SILANG NAKATIRA?
Bilang inyong Geodetic Engineer, ito ang mabilis na sagot: HINDI PO. 🛑
Narito ang 3 "Fast Facts" para sa mga landowners:
📍 ANG TITULO AY SUPREMO
Kung ang lupa mo ay may Torrens Title, hindi ito makukuha ng kahit sino sa pamamagitan lang ng pagtira doon—kahit 20 o 50 taon pa silang nakatira. Registered land is protected by law!
📍 POSSESSION ≠ OWNERSHIP
Ang pag-okupa ay hindi pagmamay-ari. Hangga't nasa pangalan mo ang titulo at nagbabayad ka ng amilyar (Real Property Tax), ikaw ang legal na may-ari.
📍 HUWAG MATULOG SA KARAPATAN
Kahit hindi nila makukuha ang titulo, mas mahirap at mas matagal silang paalisin kung hahayaan mo lang sila nang napakatagal na panahon. Action is key!
✅ 3 STEPS PARA PROTEKTAHAN ANG LOTE:
Magpa-Relocation Survey: Siguraduhin ang boundaries para walang "overlapping" o "encroachment."
Bakuran ang Lote: Isang simpleng bakod ay malakas na mensahe ng ownership.
Keep Records: Itago ang titulo at laging updated sa Tax Declaration.
May tanong tungkol sa boundaries ng lupa niyo? Mag-message lang sa akin! 📐🏗️