23/07/2026
𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎: Mag-ingat sa mga nagpapanggap na kinatawan ng OBPLO at DTI
Pinag-iingat ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga negosyante at mamamayan mula sa mga indibiduwal na tumatawag, nagte-text, o nagpapakilalang kinatawan ng Office of the Business Permits and Licensing Officer (OBPLO), o iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ang mga naturang inidibiduwal ay nananakot at nagsasabing mayroon umanong paglabag ang negosyo at kinakailangang mabayaran agad ang multa at iba pang bayaring kaakibat nito.
Paalala:
• Ang OBPLO ay hindi humihingi o tumatanggap ng anumang bayad sa pamamagitan ng tawag, text message, social media, o personal na account.
• Ang lahat ng opisyal na abiso at iba pang kaukulang komunikasyon ay ipinadadala lamang sa pamamagitan ng opisyal na sulat, na maaaring personal na ihatid ng mga awtorisadong kawani ng OBPLO, alinsunod sa umiiral na proseso at mga kaukulang dokumento.
Kung makatanggap kayo ng kahina-hinalang tawag, mensahe, o anumang kahilingan para sa agarang pagbabayad:
❎ Huwag maniwala
❎ Huwag magbigay ng anumang impormasyon o agad na magbayad.
✅ Makipag-ugnayan kaagad sa OBPLO upang beripikahin ang naturang impormasyon.
Maging mapanuri at mapagmatyag upang hindi maging biktima ng mga mapagsamantala.
Ang opisyal na numero ng OBPLO ay (046) 888-9910. Matatagpuan ito sa Ground Floor, New Imus City Government Center, Imus Blvd., Brgy. Malagasang 1-G. Ipinatutupad ngayon ang four-day compressed workweek, kaya’t bukas ito Lunes hanggang Huwebes, 7:00 A.M. hanggang 6:00 P.M.