31/07/2020
SA LAHAT NG BUYERS PLEASE READ CAREFULLY
MAY BAHAY KANA❗️MAY NEGOSYO KAPA❗️
🏘️🏘️🏘️🏘️🏡🏡🏡🏡🏡🏡🏚️🏚️🏚️🏚️🏚️
Dear Homebuyers,
"Walang masamang mangarap ng malaki, maganda at malapit sa workplace na tahanan, basta, malaki, maganda at malapit din sa realidad ang budget." ☺️
Believe me, pangarap ko din yan especially ngayon na grabe ang traffic, pero kung hindi keri ng budget, matuto tayong mag-compromise at mag-adjust, makinig sa advice ng inyong sales agent or broker. Kasi kakahintay mo ng murang-mura na ready for occupancy at installment pa, baka forever ka na lang nagre-rent or nakikitira.
Ang realidad kasi, mahal na po talaga ang value ng properties within Metro Manila esp within business districts like Ortigas, BGC, and Makati kahit i-Google nyo pa po. At pamahal pa sya ng pamahal everytime na may developments within the community at within the city. Mas mahal din po ang properties kapag ito ay ready for occupancy na at normally, you will be required to pay spot downpayment, higher if you want to move in asap.
Pag marami kaming tanong, hindi ibig sabihin nun ay makulit kami or inaalam namin ang confidential info nyo. Nagtatanong kami para malaman namin what property to offer based on your preferences AND budget para hindi masayang ang time and efforts nyo kaka-tripping because we value your time 👍
Nagpe-pre-qualify lang din kami para malaman nyo kung papasa kayo sa bank loan nang hindi masayang downpayment nyo kasi alam din namin kung gaano kahirap kumita ng pera. At para malaman nyo din kung anong necessary actions to take for you to get approved. Please wag po kayong makulitan sa amin dahil para sa inyo din po yun, our dearest homebuyers. ☺️
Kung spot cash buyer naman po kayo, wala nang masyadong tanong tanong. Deal? 👍
Hindi naman po namin kayo ipipilit sa hindi nyo talaga gusto, you can always say no if you don't like it. Just say it. Ayos lang yun. Kesa paasahin kami sa wala. We prefer to hear a 'no' than no response at all. But of course, we'd love to hear a 'yes'👍 Basta, we're here para magbigay sa inyo ng ideas and tips. Hindi man sa gusto nyong location, kung saan mahal na ang value ng property pero dun sa location na possible na makamit ninyo ang inyong dream home.🏡🏬
Pag kinukulit namin kayong mag-reserve agad para ma-avail nyo ang discounts or any promos, hindi yun selfish act na para lang makabenta, kasi pabor pa nga sa amin na walang discounts kasi mas malaki basis ng commission. Pero gusto kc namin na you get the "best deal" kasi nagpa-price increase po ang properties every after few months at nag-e expire din ang promo, hinayang na hinayang kami na hindi nyo na-avail tapos laking regrets sa part nyo. Ayun lamang po.
Maraming salamat sa pang-unawa, our dearest homebuyers 👨👩👧👦 Nawa'y makamit natin ang ating dream home, kung hindi man, ang importante, meron tayong tahanan kung saan masaya tayong namumuhay kasama ang ating mga mahal sa buhay. 🏡🏬👨👩👧👦
Reposted
******ER
******erByMICASA