31/05/2020
Paano magkaroon ng sariling bahay? 🏠🔑
1. Kailangan natin muna malaman kung ano at magkano ang source of income para malaman nyo agad kung kayo ay pwedeng ma-approve sa isang financing institution. Kung ang income ay minimum wage na 15,000 monthly, maaari kayong makapag-loan worth 500,000 na bahay o halagang 5,000 monthly amortization. Kung 20,000 ang income ang pwedeng monthly amortization ay 6,000. Kung kumikita ng 30,000, maaari na 9,000 ang monthly amortization mo. Basta po 30% ng Total Income nyo ang pwede nyong maging monthly amortization. Usually ang term ay maximum na 25-30 years. Kung gustong mas maiksi like 5-10 years, tataas din ang monthly amortization pero kung hindi pasok yung income hindi rin ma-aapprove yung housing loan. Basta ang i-aapprove nila ay kung saan nag-match yung income nyo for the amortization.
Kung employed ka need mo lang ipakita ang payslip, certificate of employment. Kung nagbi-business, yung Income Tax Return o ITR. Kung OFWs or seaman, yung job contract at certificate of employment.
Kung wala sa ano mang nabanggit, para sa mga kababayan natin nagsa-sideline or online job na walang binabayarang tax, maaari kayo makapag-avail Cash payment o Deferred Cash.
Example: 1M / 24 months = 41,666.67
2. Kailangan natin malaman kung anong financing institution ang gagamitin para makapag-housing loan. Para sa murang pabahay na may mababang monthly ito ay posible para sa mga PAG-IBIG members dahil ang maximum years to pay ay 30 years. Kung hindi Pag-IBIG member pwede kayo magpa-member sa pagibig, magbayad lang ng lumpsum payment 24 months contribution. O kaya pwedeng makapag-loan thru bank o in-house financing. Hindi lahat ng developer ay may bank financing at in house financing. Kapag ang presyo na bahay ay 900,000 pababa strictly required na maka-avail ay mga Pag-IBIG member. Kapag ang presyo ng bahay ay lagpas 1 Million pataas thru bank financing ang mas advisable.
3. Kailangan nating malaman kung ano ang marital status at citizenship. Kapag foreigner wala pong karapatan sila na makabili o mag-ari ng bahay at lupa, unless may asawa silang Pilipino. Para sa mga complicated status at foreigner ang suggested namin na financing ay thru in-house financing, dahil mahigpit ang bank at PAG-IBIG sa mga ganitong status.
4. Ano nga ba ang RENT-TO-OWN? Ito po ay payment scheme, ibig sabihin ay maari ng matirahan ang bahay kahit hindi kayo nagbayad ng FULL CASH. Iba ang RENT-TO-OWN sa For RENT ONLY, ang RENT-TO-OWN ay FOR SALE. Hindi po ibig sabihin ay malilipatan agad. Ang RENT-TO-OWN ay maaring LIPAT AGAD o PRESELLING.
5. Ano ang LIPAT AGAD? Basta mabayaran ang required na cash-out/equity/downpayment pwede nyo na lipatan ang bahay after 2-6 months.
6. Ano ang PRESELLING? Ang preselling ay pagbebenta ng bahay na may licensed to sell na kahit hindi pa tapos or under construction pa ung subdivision. Usually ang turn-over ng preselling ay 1-3 years, pwede malipatan ang bahay. Ang mga projects selling na low cost housing ay usually nasa PRESELLING STAGE.
May iba ka pa bang katanungan, PM is the key 🔑. Tulungan ka namin na magkaroon ng sariling bahay. 🏠
09154207962