19/05/2026
Opisyal nang bukas at maaari nang daanan ng mga motorista ang Navarro-Alapan Bridge na nag-uugnay sa Brgy. Navarro, General Trias City at Brgy. Alapan II-B, Imus City.
Sa pagbubukas ng bagong tulay, inaasahang mas bibilis at magiging mas maginhawa ang biyahe ng mga residente at mga dumaraang motorista, lalo na ang mga araw-araw bumibiyahe papasok sa trabaho, paaralan, at iba pang lakarin.
Malaki rin ang maitutulong nito sa pagluwag ng daloy ng trapiko at pagbawas ng oras ng biyahe dahil nagbibigay ito ng mas direktang ruta patungong Imus Boulevard, Advincula Avenue, at Arnaldo Highway.
Ang nasabing proyekto ay isa pang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng road connectivity at patuloy na pag-unlad ng imprastraktura sa Cavite para sa kapakinabangan ng bawat Caviteño.
Photo source: Mayor Jon-Jon Ferrer/FB