25/01/2025
CAVITE BUS RAPID TRANSIT, TARGET SIMULAN NGAYONG BUWAN NG SETYEMBRE
Target simulan ng Megawide Construction Corp. ang partial operations ng Cavite Bus Rapid Transit (BRT) ngayong darating na buwan ng Setyembre, na isa sa dagdag transportasyon para sa mga biyahero.
Ito ang target ng Megawide Construction Corp. na mapagtagumpayan, kung saan inaasahan na malaki ang maitutulong upang maibsan ang tumataas na pagdami ng pasahero higit lalo tuwing holiday season.
May sukat itong 42 kilometro sa mga lungsod at munisipalidad ng Cavite, kabilang ang Imus, General Trias, Tanza, Kawit at Trece Martires, na magbibigay daan patungo at pabalik ng Maynila, kung saan ito ay magiging konektado sa Paraรฑaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Source: Inquirer