10/07/2026
Bakit nga ba magandang mag invest sa South? 🤔
BAKIT MAS PINIPILI NG MGA MILLENNIALS AT GEN Z ANG PAG-IINVEST SA MGA PROPERTY SA SOUTH?
Tinalakay sa NextAsia Land Q2 2026 Investors' Day ang mga dahilan kung bakit dumarami ang Millennials at Gen Z na pumipili ng property sa Southern Luzon.
Ayon kay Joey Roi Bondoc, Director at Head of Research ng Colliers Philippines, nakatutulong ang patuloy na pag-unlad ng mga imprastraktura tulad ng CALAX, SLEX, at TR4 sa pagpapalakas ng accessibility at pag-unlad ng mga lugar sa CALABARZON.
Bukod dito, mas naaakit ang maraming batang homebuyers sa mga house-and-lot communities dahil sa mas malawak na espasyo, mas abot-kayang pagpipilian sa ilang lugar, at patuloy na pag-unlad ng mga lungsod sa South.
Ang Investors' Day ay nagsilbing pagkakataon upang talakayin ang mga trend at oportunidad sa real estate market sa Southern Luzon.
Source: Manila Bulletin