All you need to know about Winland Tower Residences 4

All you need to know about Winland Tower Residences 4 This page contains only factual and legitimate concerns that the unit owners, tenants and residents of Winland Tower Residences 4 share in common.

Dear Skywealth,Ibang klase naman ang Contract to Sell provisions ninyo! Napaka-unfair at pabor lamang sa inyo.BABALA:For...
18/06/2024

Dear Skywealth,

Ibang klase naman ang Contract to Sell provisions ninyo! Napaka-unfair at pabor lamang sa inyo.

BABALA:

For those of you na nagbabalak pa lang bumili ng unit sa Winland Tower Residences, maging sa Morato man o sa Valencia, BEWARE! Huwag na huwag kayong magmomove-in na wala kayong pirmadong kontrata. But more importantly, intindihin ninyo nang mabuti ang pinapapirma nila sa inyo dahil kayo ang kawawa kapag hindi kayo nag-ingat.

Malinaw sa ginagamit ng Skywealth ngayon na template ng Contract to Sell nila ang mga sumusunod:

1. You wil be required to pay the 20% downpayment within less than 24 months. -- Ano ang ibig sabihin nito? Talagang they are making sure na in case magbago ang isip ninyo later on sa pagtuloy ng pagbili ng unit ay hindi kayo maka-qualify sa Maceda Law since it applies to Buyers who have paid at least 2 years' worth of installment payments.

2. In case you are entitled to the Maceda Law, you will not be given the 20% refund anymore because this will be applied as "rent" instead from the time nakapag-move in kayo until the time na tapos na ninyong bayaran ang 20% DP.

3. In case by some miracle eh ma-entitle pa rin kayo sa refund c/o Maceda Law, ang 8.5% commission ng agent will be charged to you, and they will still deduct the cost for unit repair and refurbishment to the refund due.

4. If matagalan ang pag-approve sa home loan ninyo para sa 80% balance payment, Skywealth will charge you 4% per month hangga't hindi pa narerelease ang loan proceeds sa kanila.

Para sa inyong karagdagang kaalaman, HINDI LAHAT NG UNITS NG WINLAND AY MAY TITULO NA SILANG HAWAK kasalukuyan. Ano ang ibig sabihin nito? Magkakaroon sigurado ng delay sa pagrelease ng loan proceeds, whether from Pag-ibig or from a bank. At dahil madedelay, malamang maging invalid na ang Letter of Guarantee na ibibigay ng Pag-ibig or bank sa inyo. Dahil dito, marerequire kayong magbayad at mag-apply muli if and when the title is finally ready and available. -- For reference, may mga unit na since 2020 eh ngayong buwan lang na ito (June 2024) nila nakuha finally ang title. Imagine kung gaano katagal! Tapos biglang tatakutin ka nila na since may titulo na silang hawak ay meron ka na lamang 15 days para maibigay ang 80% balance. Goodluck naman kung maprocess agad ng bank at lalo na ng Pag-ibig ang reapplication ninyo for home loan! In the mean time, aandar na agad ang metro at machacharge na kayo ng 4% per month na interest.

For those of you naman na naka-move in na, I hope may pinanghahawakan na kayong original notarized and signed Contract to Sell and that hindi yung version ng CTS na ito ang napirmahan ninyo. Make sure din na itago at ifile ninyo lahat ng resibo ng mga payments ninyo for the 20% DP installment at pati mga monthly association dues at utilities. Mahirap na! Alam naman natin kung gaano ka-tuso at manggagancho ang Management/Developer. So protect yourselves at all cost!

UPDATE (as of Nov 13, Monday):4 days nang walang magamit na elevators ang mga residente ng Winland Tower Residences 4 sa...
13/11/2023

UPDATE (as of Nov 13, Monday):

4 days nang walang magamit na elevators ang mga residente ng Winland Tower Residences 4 sa Tomas Morato, QC! Wala pa ring totoong technician na gumagawa. Sa halip ay nilagyan lang nila ng blower para patuyuin.

Sana nga ay talagang maipaayos at maipacheck sa licensed technician ang mga elevator para siguraduhing safe at hindi na-damage ng tubig ang mga wiring. -- Nakakatakot lang dahil knowing the Management, hindi malayong mangyari na tipirin nila at hindi ipaayos nang tama ang mga ito.

Wala pa man ang recent na pangyayaring ito ay nakailang incidente na sa elevators kung saan may mga na-trap sa loob, habang ang iba naman ay nakaranas na biglang pgbagsak ng sinasakyang elevator nang ilang palapag. Eh paano pa kaya ngayon na na-damage ng tubig ang mga ito?!?

Ingat kayo, dear Winland residents!

Dear Sky Wealth,O ayan, resulta ng kapabayaan ninyo, mga residente na naman ang napeperwisyo! Palibhasa hindi kayo nagco...
10/11/2023

Dear Sky Wealth,

O ayan, resulta ng kapabayaan ninyo, mga residente na naman ang napeperwisyo!

Palibhasa hindi kayo nagcoconduct ng regular maintenance. Kakaunti na nga lang ang working elevator, naapektuhan pa lahat ngayon!

Di pa rin kayo nagbabago. Wala pa ring kwenta ang management! :(

Dear SkyWealth,Finally after almost 3 years of delay, RFO na pala ang Winland Tower Residences Valencia. Ang daming naee...
27/07/2022

Dear SkyWealth,

Finally after almost 3 years of delay, RFO na pala ang Winland Tower Residences Valencia.

Ang daming naeexcite na makalipat na jan kasi hopeful sila na mas maging maganda ang pagtira nila. BUT NO!!! Umandar na naman ang pagkagahaman ninyo!

Grabe naman ang singil ninyo sa electricity, water and association dues! Akala namin malala na ang rates ninyo dito sa Morato, may tatalo pa pala!

WTR Morato
Elec: 12/kwh
Water: 68/cu m
Assoc dues: 50/sq m

WTR Valencia
Elec: 25/kwh
Water: 68/cu m
Assoc dues: 100/sq m

Kaya sa mga nagbabalak pa lang bumili sa Valencia, wag kayong magpabola sa sales team ng Winland. You will deeply regret it! BEWARE!!!

*UPDATE: As of March 2024, 104/cu.m na pala ang water rate sa Valencia! Hanep!!! 🤨

19/03/2022

Hanap mo ba ay SECURITY at SAFETY? Yung tipong kahit iwan mong mag-isa ang mahal mo sa buhay sa unit ay panatag ang loob mo? Yung kahit umalis kayo at walang maiwan sa bahay ay okay lang?

Pwes, wag na wag kayong kukuha ng unit dito sa Winland!

Alam niyo bang ilang beses nang nagkaroon ng nakawan dito? Na mismong empleyado pa ng Winland ang pumasok at nagnakaw sa unit?

May mga pagkakataon na rin na kung sino-sino nalang ang nakakapasok sa loob ng building, minsan kahit pa dis oras ng gabi, at kahit walang pahintulot o paanyaya ng mga taga rito.

Ngayon kung hindi magnanakaw o trespasser ang aalalahanin mo eh sunog naman. Oo, sunog! Dahil ilang beses na rin na nagkasunog dito. Awa ng Diyos, naagapan naman kahit hindi gumana ang mga fire alarm at water sprinkler.

Mabuti sana kung nadala na ang Developer sa nangyaring sunog sa head office nila at maging sa mga sunog na nangyari dito. Kaso hindi! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inaayos at pinapagana ang water sprinklers. Hindi rin kumpleto ang mga fire extinguisher.

So ano? Gusto mo pa rin bang bumili ng unit dito? Siguro maganda nga ang offer nila at magaan sa bulsa. Pero sa kalaunan, itataya mo ba talaga ang buhay mo at ng pamilya mo?

Wag ka sanang magaya samin na naloko at napaniwala nila. Hindi pa huli ang lahat para sayo.

KAYA KAYONG MGA NAGBABALAK PA LANG NA BUMILI NG UNIT SA WINLAND, MAG-ISIP-ISIP MUNA NANG MABUTI!TANDAAN: NASA HULI PARAT...
11/02/2022

KAYA KAYONG MGA NAGBABALAK PA LANG NA BUMILI NG UNIT SA WINLAND, MAG-ISIP-ISIP MUNA NANG MABUTI!

TANDAAN: NASA HULI PARATI ANG PAGSISISI.

Dear "The Management",Ano na naman itong bago ninyong pakulo? Naglabas pa kayo ng Memo na pinagbabayad na kaming mga Uni...
24/01/2022

Dear "The Management",

Ano na naman itong bago ninyong pakulo? Naglabas pa kayo ng Memo na pinagbabayad na kaming mga Unit Buyers ng amilyar eh obligasyon ninyong magbayad ng Real Property Tax. Tapos parang utang ng loob pa namin na kunyari eh kayo na muna ang magbabayad/mag-aabono!

Please lang! Alam na namin ang tama at naaayon sa batas. May patunay kami dahil mismong QC City Assessor's Office ang nagsabi na habang hindi pa fully paid at nailipat sa pangalan ng Buyers ang unit o parking slot eh ang Developer pa rin ang dapat magshoulder ng property tax.

Akala pa naman namin ay nagbago na kayo at nadala sa pwedeng maging karma sa mga style ninyong bulok, yun pala ay nag-lie low lang kayo at ngayon eh hataw na naman!

Kaya sa mga nag-iisip pa lang na bumili ng unit dito sa Winland Tower Residences 4 (or kahit sa Winland Tower Residences 5 sa Valencia), let this be a big, red warning sa inyo. Wag sana kayong magaya samin na naloko ng gahaman na developer ng nakakayamot na property na ito!

Address

Kamuning

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All you need to know about Winland Tower Residences 4 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share