19/08/2023
THINGS TO KNOW WHEN BUYING A HOUSE
✔ Budget - Magkano ba kaya mong monthly? Kung magkano lang kaya mo doon ka mag-umpisa tumingin.
✔ Location - Consider mo pa rin budget mo. Kung mura lang siguradong malayo sa Manila yan. 5 million na po pataas presyo ng Townhouse sa Manila.
✔ Required Monthly Salary - Check mo na kaagad kung magkano sweldo mo kase doon lang magbabase kung magkano monthly pwede mo kunin! (pwede combined salary if married)
✔ Marital Status - laging tandaan ang legalities kapag kasal ka sa papel kahit na hiwalay kayo sa mata ng batas conjugal property pa din ang lahat ng pagmamay-ari ninyo.
Common Questions:❔❔❔
1. Saan po ba may mura?
✔ Sa Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna or Pampanga
2. May "Rent To Own" po ba kayo?
✔ Wala naman talagang "rent to own". Maglalabas ka rin ng pera sa Equity or Downpayment at yung remaining pwede na maloan sa Pag-ibig at magmo-monthly ka nalang sa Pag-ibig kaya parang "rent to own" ang labas.
3. May Lipat Agad po ba kayo?
✔ Kung kaya mo magbayad ng cash maaring makalipat ka agad. (if may available na Ready for Occupancy). Kung installment hihintayin muna matapos Downpayment pagbayad na tsaka pa lang mapa-process sa Pag-ibig na usually 3-4mos. (pwede mo bayaran ng cash ang Downpayment/Equity para maprocess agad sa Pag-ibig)
4. Kelan pwede makalipat?
✔ Kung na release na ng Pag-ibig/Bank ang housing loan mo.
5. Ano ang Pre-selling?
✔ Ibig sabihin nito itatayo palang ang bahay mo usually 18-24 months construction sa mga affordable or low cost housing. Ang maganda nito mura pa ang price ng bahay kase wala pang development. Maari mo din bayaran pa ng installment ang Downpayment or Equity.
6. Ano ang Equity?
✔ Ito ay same lang ng Downpayment at required mong bayaran bago iprocess ang loan sa Pag-ibig/Bank.