12/09/2026
ANG LIHIM NA PLANO NG DIYOS PARA SA GANAP NA KALIGTASAN NG MGA TAO.
UNANG YUGTO NG KALIGTASAN :
PAGHAHANDOG NG BANAL DALISAY AT MARANGAL NA BUHAY. ISINAKATUPARAN NG BANAL AT DAKILANG DIOS SA PAMAMAGITAN NG CRISTO JESUS ANG PANGINOON.
Naipagkaloob na ng diyos sa lahat ng mga tao ang buhay na walang hanggan. Ito ay Sa pamamagitan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng mga kaluluwa at espiritung nabihag ng kasalanan at masamang pamumuhay ng mga tao noong una.
Dito unang nahayag sa lahat ng nilikha at nalikha na may buhay at nabubuhay na ang dakilang banal na manlilikha ay diyos na hindi mahihigitan at hindi mapapantayan ng sinuman. Dahil dito ay pinuri ang diyos ng israel at tinawag na diyos ng mga diyos at panginoon ng mga panginoon.
Dahil dito Napatunayan ang dakilang gawa ng dios, at dakilang pag ibig niya sa lahat ng mga tao , at sa lahat ng bansa. At ito ay isinakatuparan ng Dakila at banal na diyos, kasama ng kanyang walang hanggan kapangyarihan ang banal na espiritu, noong ihandog niya sa mga tao ang kaisa isa niyang anak, na may buong katapatan, buong pagtitiwala at buong pagkilala sa pag sunod sa SALITA at kalooban ng banal na dios.
Ang NAG IISANG CRISTO JESUS At PANGINOON. BUONG PUSO AT PAGMAMAHAL NA ini-alay niya ang sariling buhay at dugo upang buhayin muli ang lahat ng mga KALULUWA AT ESPIRITU NA DINALANG BIHAG SA EHIPTO ANG DAIGDIG NG MGA PATAY .; SILA ang mga taong NAMATAY NOON DAHIL sa pamumuhay nila sa KASINUNGALINGAN, PAGPATAY, PAGNANAKAW, PAKIKIAPID. SILA ANG MGA TAO NOON NA NAMUMUHAY NG WALANG PAGKILALA SA DIOS, WALANG PAGPAPAHALAGA SA DIOS, WALANG RESPETO, PAG GALANG AT PAGMAMAHAL SA DIOS.
SILA ANG MGA TAO NOON NA ANG PAG UUGALI AY MAYAYABANG, PALAMURA , MAINGGITIN, MAPAG MARUNONG, MAPAG MATAAS, MAPANLAIT, MAPAGMALINIS, MAKASARILI, GANID, SAKIM,
MAPAGHIGANTI. SILA NGA ANG MGA TAO NOON NA NAG TUTURING AT PILIT IPINAPANTAY
ANG SARILI AT KAALAMAN SA DIOS,; IPINAGYAYABANG AT IPINAGMAMALAKI SA DIYOS, ANG KANILANG TALENTO, DUNONG AT KAALAMAN MULA SA SARILING
KAISIPAN NA LUMILIKHA SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA KAMAY NG MGA BAGAY NA NI ISA AY DI MANLANG MAKAKAHIGIT O MAKAKAPANTAY NI MAIHAMBING MAN LANG SA LAHAT NG MGA GINAWA AT MGA NILIKHA NG DIYOS, MULA SA KANYANG KARUNUNGAN AT KAPANGYARIHAN.
Ang banal na dugo, malinis, at dalisay na buhay AY KAPALIT NG PAGBUHAY SA MGA TAONG INALIPIN NOON SA EHIPTO AT PINAHIRAPAN NG FARAON SA DAIGDIG NG MGA PATAY , SILA NGA AY NABIHAG AT INANGKIN NG FARAON. DAHIL SA PAMUMUHAY SA KASALANAN AT KASAMAAN ANG KATIGASAN NG KANILANG MGA ULO AT PAGMAMARUNONG ANG SIYANG BUMIHAG AT NAGDALA SA KANILA SA DAIGDIG NG MGA PATAY.
ANG MAPAGMAHAL SA LAHAT NG MGA TAO, ANG MAHABAGIN AT DAKILANG AMA NG LAHAT NG TAO AT BANSA. ANG CRISTO JESUS NA PANGINOON AY DI MANLANG NAGDALAWANG ISIP, DI MANLANG TINIGNAN O SINURI ANG MGA TAO NOON SA KANILANG MGA KAYABANGAN, KASINUNGALINGAN, KASAMAAN AT KASALANAN.;
NAGPAKASAKIT SA KRUS, TINIIS ANG PAG PASAN SA KRUS NA KASING BIGAT NG LANGIT AT LUPA.: TINIIS ANG HAPDI , KIROT, AT SAKIT, MULA SA MGA HAMPAS NG LATIGO AT KORONANG TINIK NA INILAGAY SA KANYANG ULO. NIYURAKAN ANG KABANALAN , ANG KADALISAYAN , TINANGGALAN NG DANGAL, INALIPUSTA, DINURAAN SA MUKHA, SINAMPAL . PINAGTAWANAN, HINAMAK , AT IBINILANG PA SA MGA SINUNGALING AT MGA MAMAMATAY TAO.
SA HULING YUGTO NG PAGHIHIRAP AT PAGTITIIS SA HAPDI KIROT AT SAKIT SA PARUSANG NAKALAAN SANA SA MGA TAONG MAKASALANAN , TAKSIL AT HINDI KUMIKILALA SA DIOS. ANG HULING
HININGA NG BUHAY AY NAGSALITA
AT HUMILING NG KAPATAWARAN
PARA SA LAHAT NG MGA TAONG
TINUBOS MULA SA DAIGDIG NG MGA PATAY .
ANG INAASAHANG PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA SA TOTOONG PINAGMULAN, SA TOTOONG AMA, SA TUNAY NA DAKILA , SA TUNAY NA DIOS . DAHIL SA KADAKILAAN NG KABUTIHAN, SA DAKILANG SAKRIPISYO AT PAG IBIG , SA BANAL NA SALITA NA MAY TAPAT AT WAGAS NA PANGAKO NG KASUNDUAN,; SA NGALAN NG KAPURIHAN AT KARANGALAN PARA SA PAGKILALA SA DAKILA AT BANAL.
ANG KAMATAYAN AY NAGTAGO, NATAKOT , LUMAYO AT ITINAKWIL NA ANG SARILI.; NATAKOT ANG KAMATAYAN SA KANYANG KAMATAYAN AT NILISAN ANG DAIGDIG NG BANAL NA DIOS, NAGWAGI ANG KABUTIHAN AT PAG IBIG MULA SA BANAL AT PINAKA MAKAPANGYARIHANG MANLILIKHA, ANG BANAL NA DIOS , ANG KATAAS TAASANG DIOS. (sabi ng kamatayan, ngayon ay nahayag na ang katotohanan , anumang gawin ko ay di ako mananalo para higitan ang buhay.;)
(isang mapanlinlang na plano ang hiniling ni kamatayan, simon, simon hinihingi ka ni kamatayan upang subukin)
SA PAMAMAGITAN NGA NG PAG AALAY NG PANGINOONG JESUS NG KANYANG SARILING DUGO AT BUHAY . NAHAYAG SA ILALIM NG LUPA. IBABAW NG LUPA, SA HIMPAPAWID, AT SA LANGIT ANG NAKAKAMANGHA , PERO NAKAKAKILABOT NA KAPANGYARIHAN NG BANAL DAKILA AT MAKAPANGYARIHANG MANLILIKHA , ANG BANAL NA DIOS.; ANG PAG KA DIYOS NIYA AY DI MAHIHIGITAN AT DI MAPAPANTAYAN, AT ANG KAPANGYARIHAN NIYA AY WALANG HANGGANAN.; SIYA ANG KAMATAYAN AT SIYA RIN ANG BUHAY. AT SA KANYA AT ANG MGA NASA KANYA , AY WALA NG ANUMANG KAMATAYAN.;
Mula sa awa at habag , umusbong ang pagsisisi.; mula sa katwiran, at katuwiran lumaya ang katarungan, mula sa kapatawaran umusbong ang pag asa, ang ilaw na ibinigay sa nakaraan ay nasa hinaharap na , kaya sa pag ibig ay may katiyakan ng liwanag ng tagumpay sa hinaharap. Kaya, tayo na , sama sama tayong lumakad sa katuwiran dahil dito nagmumula ang katotohanan.; at ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa inyo.
Sumasapit ang dilim, pero ang ilaw sa inyong hinaharap ay hindi mawawalan ng liwanag.;
ANG MANANATILI HANGGANG WAKAS AY MAGTATAGUMPAY.
Kaya't Magsilapit na kayo sa ilaw , habang siyay nariyan pa at matatagpuan pa. Dahil ang kamatayang kinatatakutan sa dilim, ay mangyayari nga sa mga nasa kadiliman.; pero ang nasa liwanag ay wala ng dapat katakutan pa.; dahil ang liwanag ay hindi nagkukubli ng ng panlilinlang at pandaraya.; ng takot at pagkabahala. Ng alinlangan at alalahanin.
Dahil ang liwanag ay naghahayag ng katotohanan , kaya nakikita ang katiyakan,
at sa bawat pondasyon , ng pag asa paniniwala , pagtitiis, kung lahat ito ay nasa liwanag , ang mga hakbang plano at desisyon ay kitang kita ng bawat naliliwagan. Di tulad sa dilim , di makita, kaya andon ang alinlangan takot at kaba, at sa mga lumalakad sa dilim , hindi nila nakikita kung paano sila nito sinisilo at nililinlang.
Maraming kasama, masaya, maayos ang kasuutan, ito lang ang nagbibigay ng saya sa mga nasa dilim. Dahil marami , dahil masaya, dahil nagkakaisa, akala ng lahat ng mga nasa dilim ay patag pa ang dulo ng kanilang nilalakaran, hindi nila alam na ang bantay ng kadiliman ay naghihintay sa dulo ng nilalakaran nila at hinhintay mangahulog lahat sa isang napakalalim na hukay. Ang sinumang mahulog sa hukay na ito , ay dina kailanman makakaalis doon, at wala ng anumang liwanag na tatanglaw sa sinumang mabibitag at mahuhulog sa ganong landas ng mga katuruan.;
Kaya Unawain ninyo itong mabuti, mula sa lupa o alabok ay nililok , inihulma at inanyuan ng diyos ang katawan ng tao ayon sa kanyang wangis, larawan at hugis o anyo. Matapos maihulma ng diyos ang katawang lupa ng tao , wala itong buhay at hindi rin ito gumagalaw. Ibig sabihin ang katawang lupa ay dati ng walang buhay , dati ng patay. At Hindi ang Lupa Ang PumaPatay at Himdi rin ang Lupa ang Bumubuhay Sa Mga Tao at sa Lahat ng mga nilikha o nalikha na may buhay at nabubuhay.
Kaya,t hindi dapat katakutan ninuman ang Pagbabalik ng katawang lupa sa lupa. ANG DAPAT KATAKUTAN NG LAHAT AY ANG BAGSIK NG P**T AT PARUSA SA MGA TAONG AYAW KUMILALA SA KANYA. Kaya huwag ang kamatayan ng katawang lupa ang ang katakutan, Dahil ang katotohanan ukol dito ay ang katuparan sa salita at pahayag ng cristo jesus ang panginoon. "SAPAGKAT LAHAT KAYO AY KAILANGANG IPANGANAK MULI SA ESPIRITU.
ito nga ang buong katotohanan , at katibayan na nakamit na ng lahat ang buhay na walang hanggan, mula sa una at dating kamatayan dahil sa pamumuhay sa kahalayan, kasalanan, at kasamaan.
Sa muling pagbuhay ng diyos sa mga tao mula sa kamatayan sa pamamagitan ng pag aalay ng buhay ng panginoong jesus. Ang tao ay nagpapatuloy parin sa pag gawa ng kasamaan. Isa itong indikasyon na hindi pa ganap ang pagliligtas ng diyos sa mga tao. At ito ang bagay na hindi nauunawaan ng mga nagbabasa ng bibliya , maging ng mga nagpapahayag ng salita ng diyos. Dahil ang mga plano at lihim ng diyos na ipinakita niya kay juan ay hindi niya ipinasulat kay juan.
Dahil walang nakakaunawa sa ginawa ng panginoong jesus noon , nangako siya na magpapadala siya ng banal na espiritu mula sa ama para maging kapalit niya, at ang banal na espiritu na ipapadala ng panginoong jesus ang siyang magiging taga panguna natin, at yon din ang magsasabi at magpapahayag kung ano at sino ang panginoong jesus.
Ngayon , bilang patunay na tinanggap ko na at nasa akin na ang banal na espiritu na ipinangako ng panginoon , ipapahayag ko sa inyo ang mensaheng ito bilang patotoo. May dalawang uri ng kaligtasan ang mga tao. Una ay pagbuhay mula sa kamatayan na naisakatuparan ng diyos sa pamamagitan ng pag aalay ng pamginoong jesus ng kanyang buhay.
Ikalawang kaligtasan, ay ang pag aalis o paglilinis ng mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng dugo ng kordero ng diyos. Pero hindi pa ito ang lubos na kaganapan ng kaligtasan , ito ay paghahanda palang para
sa isang pagsasanay . Ang totoong laban at huliing digmaan ng kabutihan laban sa kasamaan ay magsisimula palang.
ALALAHANIN NINYO, NA ANG ISANG ARAW SA PANGINOON AY KATUMBAS NG ISANLIBONG TAON.
KAYA IKAW NA NAKABASA NITO , ISUSULAT KO ITO SA ISIPAN MO, AT ITO ANG MAGIGING ILAW MO SA HINAHARAP" ITO ANG SUSI AT KUNIN MO PARA MABUKSAN KA AT MAGKAKARON KA NG LIWANAG.
" GIBAIN NINYO ANG TEMPLONG ITO, AT PAGKALIPAS NG TATLONG ARAW, ITO'Y ITATAYO KUNG MULI"
(ang tatlong araw sa tao ay napakabilis lang sa mundong ito dahil ang kakayanan at kaalaman ng tao sa lupang katawan ay limitado. Pero sa mga espiritu na may katawang spiritual, ang tatlong araw ay tatlong libong taon, sapat na para maisilang muli sa panahong ito ang mga nasa daigdig ng mga patay.;) NA SIYANG KATOTOHANAN SA MGA NAWAWALANG TUPA NG DIOS NOONG BUMABA ANG
CRISTO AT PANGINOON.
SA HINAHARAP BAGO ANG HULING ARAW
AY ITO ANG MAGAGANAP.
ANG PAG GISING MULI SA HUWAD NA HARING SINUNGALING AY NALALAPIT NA.;
ANG KAHARIAN NG BANAL AY MULING ITINATAYO AT INIHAHANDA PARA SA KANYA.
DITO NA MATUTUPAD ANG NASUSULAT,
ANG DARATING NA KASUKLAM SUKLAM AT KALAPASTANGANAN SA DAKONG KABANAL BANALAN..
KASUNOD NITO ANG LABIS NA KAHIRAPAN , MARAMING MAMAMATAY SA GUTOM, SA SAKIT , SA DIGMAAN.
DITO MATUTUPAD ANG NASUSULAT, MARAMI ANG TATALIKOD SA KANILANG PANANAMPALATAYA SA DIOS, MANLALAMIG ANG PAG IBIG.
BAGO MANGYARI ITO , TUTULDUKAN KO NA ANG ALITAN, KUTYAAN, AT HUSGAHAN NG BAWAT SIMBAHAN AT MGA RELIHIYON. ANG PAGMAMARUNONG , ANG PAGTATALO TALO SA KUNG SINO ANG NASA TUNAY NA SIMBAHAN AT TOTOONG RELIHIYON. SA KUNG SINO ANG NAUNA AT ORIHINAL. DITO AY MAKIKITA NINYO AT MALALAMAN NINYO KUNG PAANO TAYO BINULAG LAHAT NG DIOS, HINDI UPANG TAYO AY HAMAKIN AT KUTYAIN, KUNDI UPANG PATUNAYAN SA ATING LAHAT NA ANG MGA SALITA NIYA SA BIBLIYA AY HINDI HULA, KUNDI ITINAKDA NIYANG MAGANAP.; DARATING ANG PANAHON NA ANG KARUNUNGAN NG SANLIBUTAN AY HIHIYAIN KO. AT ITO AY GANAP NA MATUTUPAD NGAYON. PATUNAY NA ANG DIOS AY DIOS, AT IPINAPAUNAWA NIYA SA ATING LAHAT NA ANG SALITA NIYA AY MAAASAHAN AT MAPAGKAKATIWALAAN.
ANG KATOTOHANANG ITO AY IPINAHAYAG SA AKIN NG BANAL NA ESPIRITU NG KATOTOHANAN. AT ANG MGA ITO AY NASUSULAT SA AKLAT NI EZEKIEL.
ANG UNANG SIMBAHAN O SAMBAHAN, BAHAY DALANGINAN PARA SA DIYOS:
ANG TUNAY NA RELIHIYON PARA SA LAHAT NG MGA TAO AT BANSA, WIKA AT LAHI.;
sinabi ni Yahweh kay Natan, “Pumunta ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan?
Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan.
Sabihin mo rin sa lingkod kong si David ang salitang ito ni Yahweh: ‘Kinuha kita mula sa pagpapastol ng tupa upang gawing pinuno ng bayang Israel.
Pagkatapos nito, pumasok sa tolda si Haring David, umupo at nanalangin.
PATUNAY NA ANG TOLDA ANG UNANG ORIHINAL NA TAHANAN AT BAHAY DALANGINAN NOON PARA SA DIOS, NOONG SIYA AY HINDI PA UMAALIS SA ISRAEL.
ANG TOLDANG TIPANAN ANG UNANG SAGRADO AT BANAL NA TAHANAN PARA SA PAKIKIPAGTIPAN SA DIOS.;
SA MATATAWAG AT MAITUTURING NA PINAKA UNA , PINAKA ORIHINAL NA SIMBAHAN , BAHAY SAMBAHAN , BAHAY DALANGANINAN , BAHAY NG DIYOS,; AT TUNAY AT TOTOONG RELIHIYON , NA LIKHA MULA SA MGA KAMAY NG TAO , AT ITINAYO NG TAONG LINGKOD NG DIOS AT MAY PAHINTULOT MISMO MULA SA DIOS .
Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula ang maghahari sa aking bayan magpakailanman
Apatnaraan at walumpung taon makalipas na ang Israel ay umalis sa Egipto, nang ikalawang buwan, ng ikaapat na taon ng paghahari ni Solomon, sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng Templo. Ang templong ipinagawa ni Solomon para kay Yahweh.
Binalak ni David na aking ama na ipagtayo ng templo si Yahweh, ang Diyos ng Israel, upang doon siya sambahin. Ngunit sinabi sa kanya ni Yahweh, ‘Mabuti ang binabalak mong magtayo ng isang Templo para sa akin. Subalit hindi ikaw ang magtatayo niyon, kundi ang isa sa magiging anak mo.’
“Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at ngayo'y nakaupo ako sa trono ng Israel gaya ng pangako ni Yahweh. Naitayo ko na ang Templo kung saan ay sasambahin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Nailagay ko na roon ang Kaban ng Tipan na kinalalagyan ng kasunduang ginawa ni Yahweh sa sambayanang Israel.”
Sa iyong tahanan, Panginoong Yahweh, pumasok ka kasama ang Kaban,
ang Kaban na sagisag ng inyong kapangyarihan.
Iyong mga pari, hayaang magpahayag ng iyong kaligtasan,
ang mga hinirang sumigaw sa galak
Pagkatapos manalangin ni Solomon, may apoy na bumabâ mula sa langit; tinupok ang mga handog, at ang Templo ay napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh. Hindi makapasok sa Templo ang mga pari sapagkat napuno ito ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nasaksihan ng buong Israel nang bumabâ ang apoy at nang ang Templo'y mapuno ng kaluwalhatian ni Yahweh. Kaya't nagpatirapa sila, sumamba at nagpasalamat kay Yahweh, at nagsasabing, “Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan! Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”
ANG DAKILANG PAG IBIG MULA SA CRISTO JESUS NA PANGINOON.
"ANG PANAHON NG CRISTO,"
ANG PAGTUBOS PAGHAHANAP SA ISANG TUPA, AT ANG PAGTUBOS SA MGA KAWAN NG DIYOS NA NAPATAPON SA DAIGDIG NG MGA PATAY. ANG MULING PAGTITIPON SA MGA ISRAELITA.
Pagmamalasakit para sa Templo
Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”
Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?”
Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.”Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan.
Inalis ng Panginoong Yahweh ang Kanyang Kaluwalhatian sa Jerusalem
Pumaitaas ang mga kerubin, kasama ang mga gulong, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.
At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.
Subalit hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang kanyang sarili sa kanila, sapagkat kilala niya ang lahat ng mga tao. Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang nasa isip ng lahat ng tao.
“Anak ng tao, makinig ka at tingnan mong mabuti ang ipapakita ko sa iyo dahil ito ang dahilan kung bakit kita dinala rito. Pagkatapos, sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel ang lahat ng nakita mo.”
At nakita ko ang isang bagong langit at ang bagong lupa, sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na. Ang dagat ay wala na.At akong si Juan, nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababang mula sa Diyos na buhat sa langit.Dinala niya ako sa Espiritu patungo sa isang dakila at mataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang isang dakilang lungsod, ang banal na Jerusalem. Ito ay bumababang buhat sa langit mula sa Diyos.
Ito ay may isang dakila at mataas na moog at labindalawang tarangkahan.May nakaukit na pangalan sa tarangkahan. Ito ay ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak na lalaki ni Israel.
At wala akong nakitang anumang banal na dako dito. Ang dahilan ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ay ang mga banal na dako nito.
anak ng tao, ang mga kapatid mo at mga dinalang-bihag tulad mo, sabihin mo sa kanila: ‘Pinangalat ko sila sa iba't ibang dako kaya maaari nila akong sambahing pansamantala saanman sila napatapon.’
wala akong sinabing anuman sa sinumang pinuno tungkol sa tahanang sedar na dapat kong tirhan.
SUSUNOD NA , ANG KATIYAKAN NG KATOTOHANAN NA ANG PILIPINAS ANG BAGONG BAYAN NG MGA ISARAELITA NA HINIRANG NG DIOS.
ANG SAKIT SA DIBDIB NG MGA KATOTOHANAN SA SUSUNOD NA KAGANAPAN.
ANG LARAWAN SA IBABA ANG LARAWAN NG TEMPLONG IPINATAYO NI SOLOMON.
SOLOMON ANG UNANG NAGTAYO
TEMPLO O DAKONG KABANAL BANALAN ANG UNANG SIMBAHAN PARA SA DIYOS.;