08/08/2026
LRT Las Pinas Station!
PAPARATING NA SA LAS PIรAS STATION! ๐
BASAHIN: Nagkasundo ang Department of Transportation (DOTr) at Villar Group of Companies sa mga kondisyon para sa donation ng dalawang mortgaged properties na kailangan sa construction ng Las Piรฑas Station ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Sa meeting nitong Biyernes, sinang-ayunan ng Villar Group ang tatlong non-negotiable conditions ng DOTr: unconditional permit to enter, waiver of subrogation laban sa gobyerno, at cancellation ng mortgage sa mga property na ido-donate. Ayon sa Villar Group, inaasahang mapoproseso ang cancellation ng mortgage sa loob ng susunod na anim na buwan.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, malaking bagay ang kasunduan para sa mga commuters. โItong pagkakasundo natin, talagang commuters ang pangunahing makikinabang, at โyun naman talaga dapat ang priority natin,โ ani Lopez.
Samantala, sinabi ni LRMC President at CEO Enrico Benipayo na malaking hurdle na ang nalampasan matapos ang agreement. Inaasahang mapipirmahan ngayong buwan ang mga kinakailangang kasunduan para sa land donation, kabilang ang deed of donation at right-of-way acquisition agreement, na maaaring magbigay-daan sa pagsisimula ng construction sa susunod na taon.
Noong Hulyo 30, nagbabala ang DOTr na maaaring malaktawan ang Las Piรฑas at dumiretso ang construction sa Zapote at Niog stations sa Bacoor kung hindi tatanggapin ng Villar Group ang government terms. Sa bagong kasunduan, may pag-asa nang matuloy ang Las Piรฑas station, isang development na direktang makikinabang ang libo-libong commuters.