04/06/2026
DHSUD at Pag-IBIG Fund, Nagsagawa ng Project Inspection at Turnover ng Housing Units sa Lipa, Batangas
Nagsagawa ng project inspection, ribbon-cutting ceremony at turnover ng housing units sa mga homebuyers ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pag-IBIG Fund sa NuVista Homes Lipa sa Lipa City, Batangas nitong Hunyo 3, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling, Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, at P.A. Properties Chairman Romarico T. Alvarez ang pagbisita sa housing development, kung saan ininspeksyon nila ang mga housing units, kabilang ang Solida house model na pasok sa 3% subsidized interest rate sa ilalim ng Expanded 4PH Program.
Kasabay nito, ininspeksyon din ng mga opisyal ang Idesia Project, isang residential development na nag-aalok ng mga housing units mula โฑ3.5 milyon hanggang โฑ7 milyon. Maaari na rin itong mapondohan sa ilalim ng Pag-IBIG Housing Loan, kasunod ng pagtaas ng maximum loanable amount mula sa dating โฑ6 milyon na ngayon ay abot na sa โฑ10 milyon kada miyembro. Sa kabila nito, nananatiling mababa ang interest rates ng Pag-IBIG Fund, na nagbibigay sa mga miyembro ng mas abot-kayang financing para sa kanilang pangarap na tahanan.