31/07/2020
Fyi po mga business. Partners
JUST IN: Lipa City will be under LOCKDOWN.
"Base sa proklamasyon kanina ng atin pong Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling ibinabalik ang buong lalawigan ng Batangas under GCQ ay tayo po ngayon, ay base na rin sa clamor ng ating pong mga kababayan, mga netizens, ay muli po nating ibinabalik under lockdown ang lungsod ng Lipa. Kapag po tayo eh naka-lockdown, ay ni-re-require na po muna nating muli ang ating mga kababayan, kabarangay, na kumuha ng quarantine pass sa inyong mga barangay para payagan po kayong makalabas at makapag-trabaho."
UPDATE: Mayor Eric Africa verified via EO 70 that the GCQ guidelines will be implemented from 12:01 AM of August 1, 2020 until August 15, 2020 unless sooner terminated or otherwise extended in response to the COVID19 situation.
ABOUT THE CHECKPOINTS
"Ibinabalik po natin ang mga checkpoints para masigurado natin na na-c-control po natin ang movement ng mga tao. Isinasarado din po muna natin pansamantala ang mga kalsada leading to Lipa. Mga secondary roads katulad po ng San Jose-Pangao Road, Calamias-Ibaan Road, Lumbang-Alaminos Road, at ilan pang secondary roads papasok sa ating bayan."
ABOUT NON-LIPEÑOS WORKING IN LIPA
"Doon sa mga non-Lipeño na nag-t-trabaho dito sa Lipa ay kayo po ay aming i-re-require na mag-present ng negative swab o rapid test result."
ABOUT THE LIQUOR BAN
"Lalo nating papa-igtingin ang liquor ban. Base sa ating ipinasang Executive Order last Monday, dadagdagan po natin yan. Sarado na rin po muna ang mga bars at bawal po sila mag-serve ng alcoholic drinks."
ABOUT THE CURFEW
NOTE: This is a direct quote from the Mayor. We're currently confirming if he meant to say that the curfew is from 7PM to 5AM.
"Last Monday din po ay nagpasa tayo ng curfew from 5 AM to 10 PM. Ngayon po, GCQ na tayo, muli nating hihigpitan. From 5 AM to 7 PM na po ang ating curfew."
UPDATE: Mayor Eric Africa verified the curfew to be from 7 PM to 5 AM with the release of EO 70.
A MESSAGE FROM THE MAYOR
"Sa atin pong mga kababayan, muli po ako nakikiusap sa ating lahat, na tayo po ay mag-ingat. Hindi na po sa ating sarili. Pati na po sa ating pamilya. Dahil hindi po namin kayang bantayan ang lahat ng tao. Tayo ay mag-tulungan para masigurado po natin na maibaba natin ang active cases dito sa Lungsod ng Lipa."
"Muli po marami pong salamat at mabuhay po tayong lahat."
SOURCE: Mayor Eric B. Africa's ULAT SA BAYAN (https://www.facebook.com/EricAfricaPage/videos/593481038002291/)