St. Mathew's Subdivision - Phase IV

St. Mathew's Subdivision - Phase IV This page is intended for important announcements and updates for Residents of Phase IV - St. Mathew’s Subdivision.

Magandang araw po sa lahat!Sa kadahilanang may ilang basura po na hindi nakukuha, babaguhin na po natin ang cut-off ng p...
18/05/2026

Magandang araw po sa lahat!

Sa kadahilanang may ilang basura po na hindi nakukuha, babaguhin na po natin ang cut-off ng paglalabas ng basura.

Simula po ngayon, maaari na po ninyong ilabas ang inyong basura tuwing Huwebes ng gabi, anytime po basta gabi ng Huwebes, upang hindi na po maabutan ng init habang nilalagyan ng green garbage bag ng ating mga BOD na umiikot.

Pakiusap din po na ilagay ang basura sa lugar na madaling makita at makuha. Paalala rin po na bawal gumamit ng ordinaryong green plastic bag dahil may specific na green garbage bag po tayong ginagamit para dito.

Inuulit po:
Huwebes ng gabi na po ang bagong cut-off ng paglalabas ng basura.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon!

📢 PAALALA SA LAHAT 📢Magandang hapon po sa lahat.🚗 Sa mga wala pa pong sticker, magpalagay o maglagay na po sana kayo dah...
12/05/2026

📢 PAALALA SA LAHAT 📢

Magandang hapon po sa lahat.
🚗 Sa mga wala pa pong sticker, magpalagay o maglagay na po sana kayo dahil maghihigpit na po sa gate. Hindi na po papapasukin ang mga sasakyang walang sticker.
🚘 Sa mga may sticker na pero hindi pa nakakabit, pakikabit o pakidikit na rin po ito sa inyong sasakyan upang hindi na po kayo maabala sa pagpasok.
🔒 Marami na rin po kasing nangyayaring nakawan kaya naghihigpit na po ngayon ang ating mga guard para sa seguridad ng lahat.
🙏 Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

30/04/2026
27/04/2026

Magandang araw po sa lahat.

Ipinapaalam po namin na huwag muna pong tungtungan o daanan ang ating basketball court sa Phase IV dahil ito ay kasalukuyang pinipinturahan. Naaantala po ang trabaho dahil kinakailangan pa itong linisin at pinturahan muli kapag may nakakatapak.

Ang layunin po nito ay mapinturahan nang maayos ang buong flooring ng court upang mas tumibay, maging ligtas, at maging handa sa paggamit ng lahat.

Kami po ay magalang na nakikiusap sa inyong kooperasyon na iwasan muna ang pagpasok sa court habang ito ay inaayos.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

23/04/2026
20/04/2026
18/04/2026

Magandang umaga po sa lahat ng senior citizens, PWD, solo parents, TUPAD beneficiaries, at mga college at senior high school students na hindi pa po nakakatanggap ng kanilang invitation.

Inaanyayahan po kayong pumunta mamayang alas-1 ng hapon sa HOA office, kung saan sila po nina Konsehala Babeth at Elena Reyes ang mamimigay ng mga invitation.

Maraming salamat po.

Address

St. Mathew's Subdivision
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Mathew's Subdivision - Phase IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category