11/08/2026
Bakit may property na mura sa presyo
pero mahal pala pagdating sa total investment?
May mga property na unang tingin pa lang,
parang ang ganda ng deal.
Mababa ang asking price.
Maganda ang lot size.
Okay ang location.
At madaling isipin na,
"Mukhang sulit 'to."
Pero sa real estate,
may malaking difference ang presyo
ng property at total cost ng investment.
Halimbawa,
may property na ₱2 million ang selling price.
Mukhang ₱2 million lang ang kailangan.
Pero doon pa lang nagsisimula ang computation.
May possible taxes at transaction costs.
May documentation expenses.
Kung lupa o lumang bahay,
may possibility ng repairs o improvements.
Kung investment property,
may furnishing cost bago ito
maging ready for tenants.
May maintenance din habang hawak ang property.
At kung financed ang purchase,
kasama rin sa overall cost ang interest ng loan.
Dito madalas nagkakaroon
ng surprise ang first-time buyers.
Tinitingnan ang ₱2 million purchase price,
pero hindi nakikita ang ₱2.4 million,
₱2.6 million, o higit pa na total capital
na maaaring kailanganin depende sa property at transaction.
Kaya bago sabihin na mura ang isang property,
mas magandang gumawa muna ng all-in computation.
Start with the purchase price.
Then idagdag ang acquisition costs.
Estimate the repair or renovation budget.
Isama ang financing cost kung may loan.
Kung rental property,
maglaan din para sa vacancy
at operating expenses.
Then compare the total amount against
the expected income or future value.
Doon mas makikita kung magandang deal talaga.
Kasi possible na mababa ang presyo,
pero mataas ang kailangan mong ilabas pagkatapos ng purchase.
At possible rin na mas mahal nang
kaunti ang isang property,
pero mas kaunti ang kailangan
para maging usable at income-producing.
This is where investor thinking becomes important.
The cheapest property isn't
automatically the best investment.
Mas mahalagang malaman kung magkano talaga
ang total capital required bago masukat
kung sulit ang opportunity.
Sa property investing,
price is only one number.
The complete picture is what matters.
Kung may ₱2 million na property na
kailangan pa ng ₱500,000
para maging ready, bibilhin mo pa rin ba?