19/12/2025
Nagpahayag ng pagtutol si dating PACC Chairman Greco Belgica sa umiiral na sistema ng pagbubuwis sa real property, na aniya’y patuloy na nagpapataw ng obligasyon sa mga mamamayan kahit ganap na nilang nabili at pinagtitibay ang pagmamay-ari sa lupa.
Iginiit ni Belgica na hindi dapat mapunta sa pamahalaan ang pribadong lupa kapag hindi nabayaran ang buwis, dahil hindi naman umano ito pag-aari ng estado.
"Bakit ang lupa, binili mo na, babayaran mo pa sa gobyerno taon taon. At pag di mo binayaran, kukunin sayo ito ng gobyerno at ibibigay sa iba? Bakit sila may karapatan gawin iyon e hindi naman kanila ang lupa? Paano magiging kanila ang lupa, e wala pang gobyerno, may lupa na? Ang lupa ay nilikha ng Diyos para sa tao. Hindi ito sa gobyerno. Abolish Property Tax." ani Belgica sa isang post online.