19/06/2026
‘RETIREMENT PARADISE’
Hinirang ang Pilipinas bilang no. 1 retirement destination sa buong mundo ngayong 2026, ayon sa Retirement Abroad Index ng Expatriate Group.
Nauna na ring itinanghal ang bansa bilang Best Retirement Destination in Asia noong 2025.
Naging pangunahing dahilan nito ang mataas na marka ng bansa sa kalidad ng healthcare, visa accessibility, health insurance requirements, cost of living, at expat community integration, kasama ang programang Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) ng Philippine Retirement Authority.
Ayon sa Department of Tourism (DOT) at PRA, pinatutunayan ng pagkilalang ito ang lumalakas na reputasyon ng Pilipinas bilang isang komportable, abot-kaya, at world-class na destinasyon para sa mga retirado mula sa iba’t ibang bansa.