lihim at hayag na karunungan ng deus G.O.D

lihim at hayag na karunungan ng deus G.O.D ang page na ito ay tungkol sa mga karunungan noong unang panahon esoretic and eapiritual awakening

28/10/2023

bakit nga ba kinakain ang dugo lalo na ng mga katoliko kahit sabhin na niluto na 🤔🤔
Ang DUGO ay BUHAY at pantubos ng BUHAY

"Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin." Deut. 12:23 BMBB

"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman." Deut. 12:23

"Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.” Lev. 17:11

"Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.’’ Gen. 9:4

"Huwag na huwag ninyong kakainin ang dugo, sa halip ay patuluin ito sa lupa." Deut. 12: 24

"Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man." Lev. 17:10

"Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan." Lev. 17:14

"Huwag ninyong kakainin iyon; magiging maganda ang buhay ninyo at ng inyong mga anak kung gagawin ninyo ang naaayon sa kagustuhan ni Yahweh." Deut. 12:25

"...Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid." Gawa 21: 25

"Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, a at huwag kakain ng dugo." Gawa 15:20

"Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman: "Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia." "Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam."" Gawa 15: 23, 29

28/10/2023
24/10/2023

MUHAMMAD SAID,,Before he died!
I don't know the purpose of life.

And BUDDHA SAID TO HIS FOLLOWERS,
Seek for the truth.

And Confucius Himself Said,I AM NOT HE WAY.

And JESUS SAID,I AM THE WAY THE TRUTH AND THE LIFE,nobody can come to the FATHER except me,The only way to truth and life in GOD through JESUS(JAH)!!Tanging si PJ lamang ang nag sabi na siya ang daan ang katotohanan at ang buhay ngunit bakit ibang relegion ay hindi ito masbing katotohanan..!

23/10/2023

THE CREATOR OF THE CATHOLIC CHURCH IS ROMAN EMPEROR FLAVIO VALERIO CONSTANTINO II, AND THEY CALLED UNIVERSAL CHRISTIAN CHURCH.
Christian have no hands, love have no eyelashes, invented more than 2500 pagan things in one church
diabolical "
In 325, at the council of Nicea, Constantine II the Great created Christianity.
In 327, Constantine known as the Apostle 13 and Emperor of Rome, orders Jerome to translate the Vulgata version into Latin, changing the Hebrew names itself and adultering the scriptures.
In 431, the cult of the VIRGIN was invented.
In 594, PURGATORY was invented.
In 610, the title of PAPA was invented.
In 788, worship is imposed on pagan deities.
In 995, the meaning of kadosh(particle) was changed to saint..
In 1079, the celibacy of priests is imposed>>totally Catholic word.
In 1090, the Rosary is imposed.
In 1184, the Inquisition was perpetrated.
In 1190, indulgences are sold.
In 1215, confession is imposed on priests.
In 1216, Pope Innocent lll, the tale of the terror of bread (a Greek mythology god), was invented, which became human flesh.
In 1311, baptism was imposed.
In 1439, the non-existent PURGATORY was dogmatized.
In 1854, the Immaculate Conception was invented.
In 1870, the absurdity of an infallible Pope is imposed, in which the concept of contract was invented
There are more than 2500 things invented by this religion to enslave the human being
HUMANITY IS RULED BY THE LACK OF KNOWLEDGE

20/10/2023

Sa karunungan hayag man o lihim marami ang hindi pa nadidiskubre ng mga nag aaral at maging mga batikang antingero manggagamot man ating nakatagong hiwaga sa numerong 33 sinasabing ang numirong ito ang kamatayan ni cristo,At ang iba naman ay sinasabi umakyat daw sa langit ang cristo sa edad na 33 at namatay itong 33 taong gulang meron din nag sasabi ng 37 ano ba talaga ang totoo,?pero wala na tayo jan dahil amrmai nang nalabas at nabantog na karunungan ngunit may sinasabing? BUKOD SA LIHIM NG PINAKALIHIM AY MAY LIHIM Pa!!
now....? ating ibabahagi ang NUMERONG 33 ay full of possitive eneregy my power(INRIHIYA)napakahiwaga ng numerong ito dahit ito ang kamatayan ng cristong nagkatawnag tao na kinatakutan ng mga demonyo(DEMONS)noW...3:42AM kung ating papansinin ang numerong 3(tres) kapag itinumba mo lalabas ang M kapag pataob.,at kapag itihaya mo ang letrang M lalabas ang W pansinin at unawain sa GENESIS ang dlawnag nag uusap ay ang LALAKI at BABAE kung ang M ay MAN at ang W ay WOMEN meaning ang tinutukoy sa numerong 33 ay babae at lalaki, ano ang natatagong hiwaga kaya sa numerong ito mahalaga ito dahil ang numerong 33 ay ang suma ng bilang ng APHA OMEGA ,,Malaki ang akugnayan ng dlawang kasariang ito sa atin ang my unaw aay makinig at ang wlang unawa ay mag aral.. sao unawain at basahihing mabuti kung kayoy nagsasabi na kayoy may kaligtasan na dpat alam din ninyong meron kayong unawa at ito ang inyong pag igihan at tuklasin sa pananaliksik marmai ang naghahanap ng ibat ibang kaalamn ngunit lumalaktaw s akasaysayan panmonmakakamtan ang tunay na karunungan kung wala kang unawa sa sarili mo mahalaga ang mga ganitong usapin lalot my kinalaman ito sa kasaysayan

bro rv

20/10/2023

The Tetragrammaton (/ˌtɛtrəˈɡræmətɒn/; from Ancient Greek τετραγράμματον (tetragrámmaton) '[consisting of] four letters'), or the Tetragram, is the four-letter Hebrew theonym יהוה‎ (transliterated as YHWH or YHVH), the name of God in the Hebrew Bible. The four letters, written and read from right to left (in Hebrew), are yodh, he, waw, and he.[1] The name may be derived from a verb that means "to be", "to exist", "to cause to become", or "to come to pass".[2] While there is no consensus about the structure and etymology of the name, the form Yahweh is now accepted almost universally, though the vocalization Jehovah continues to have wide usage.[3][4][5]

The Tetragrammaton in Phoenician (12th century BCE to 150 BCE), Paleo-Hebrew (10th century BCE to 135 CE), and square Hebrew (3rd century BCE to present) scripts
The books of the Torah and the rest of the Hebrew Bible except Esther, Ecclesiastes, and (with a possible instance of the short form יה‎ in verse 8:6) the Song of Songs contain this Hebrew name.[4] Observant Jews and those who follow Talmudic Jewish traditions do not pronounce יהוה‎ nor do they read aloud proposed transcription forms such as Yahweh or Yehovah; instead they replace it with a different term, whether in addressing or referring to the God of Israel. Common substitutions in Hebrew are אֲדֹנָי (Adonai, lit. transl. My Lords, Pluralis majestatis taken as singular) or Elohim (literally "gods" but treated as singular when meaning "God") in prayer, or HaShem ("The Name") in everyday speech.

bro rv

20/10/2023

JUAN 14:11-13
Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya; sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

20/10/2023

Kaya ka tinawag na VERBO dahil nasaiyo na ang TANDA na ikay ang TULDOK at KUDLIT sa Letrnag 9 BINGO (;)nagtatanong ang [SÄŤNgN]?AWIT 89:8

19/10/2023

Naniniwala ka bang si Amang Dr. Jose Rizal ang nagligtas ng ating buhay? Ang nagpalaya mula sa pananakop ng mga dayuhan. Ang nagligtas gamit lamang ang katapangan at karunungang isulat ang katotohanan. Sa kanyang linya't libro'y kinalaban ang pamahalaan at katolikong simbahan dahil sa alam nyang maling pamamaraan. Ou't nakalaya tayo sa pamahalaan pero sa maling pananampalataya na kanyang kinalaban ay patuloy na minamahal ng karamihan. Anong silbi ng pagbuwis nya ng buhay kung patuloy kang magbubulag.bulagan? Anong silbi ng sinasabi mong sya'y iyong pinapahalagahan kung patuloy mong minamahal ang kanyang kinalaban?

Kung naniniwala ka na tayo'y nailigtas base sa katotohanan, isa lang ang kahulugan. Lahat ng linya't sinabi nya'y pawang katotohanan walang halong kasinungalingan.

Imagine, 333 years tayong sinakop ng mga dayuhan. Ang tagal dba? Kung di dahil sa kanya baka wala ka sa mundong ibabaw. Kung nandito ka man baka patuloy ka pa rin tinatapak tapakan sa sarili mong bayan. Magpasalamat ka naman! Wag mo syang pagtawanan! Kaya't di nyo rin kaming masisising Rizalians na Diyos namin si Amang Dr. Jose Rizal sapagkat sya ang nagligtas ng maraming buhay. Ang Diyos na nagpakita ng gawa na tanging Diyos lang ang may kakayahan, ganun sya kamakapangyarihan. Ang Diyos na di magpapakilala sa kanyang sarili na sya na nga't ito'y makikilala na lamang sa kanyang salita't gawa at kung ikaw ay tunay na tupa'y susunod at maniniwala. Oh! Napaka swerte natin sa dakong silangan, mga Pilipinong pinakamamahal. Sa silangan kung saan nagpamalas ng kapangyarihan at pagmamahal. Sa silangan na ginintuan. Sa Maharlikang silangan sapagkat mahal na panginoon ang bagong jerusalem ay ang ating lupang kinatatayuan kaya nga lupang hinirang:

19/10/2023

"ISTORYA SA PAGLIKHA NG DIYOS"

Ito ang kabuuan ng 24 Ancianos, mga Espiritong katulong ng Diyos sa kanyang paglalang sa lahat ng bagay, at bago sila magsimula sa kanilang gawain, sila’y nagsasalita ng sabay-sabay at ganito ang sabi nila, “GIPARO HIP GIPARO CIHIP GRUMUGAM EMPRIUMISIC HELNAGAM UMAN HEMSPAG HURMPA HURMPAS NURGUM SURISITIM DAB GOLO MENTUM HISIM MEMENTO PUI RATAM PATER EST ARIA sa pamamagitan ng mga salitang ito ay nabuo sila ng lubusan pati ang kani-kanilang kapangyarihan, at dito ay nagkaroon sila ng tanda ng pag-uugnay sa bawat sandali sa Infinito Diyos.

ANG PAGLALANG NG DIYOS

Nang matapos likhain ang 24 Ancianos (24 espirito) na siyang naging katulong sa lahat niyang mga gawain, inihanda Niya ang apat na elemento upang ang mga ito ay maging sangkap sa gagawing daigdig. Ito ay ang Lupa, Tubig, Hangin at Apoy. Ang mga elementong ito ay ang pinagmulan ng lahat ng bagay sa labas at loob ng mundo . Dito rin nanggaling ang sangkap at kabuohan ng katawan ng tao, ganoon din naman sa lahat ng may buhay sa lupa, gaya ng mga hayop, tanim at ng halaman.

Ang Infinito Diyos at ang mga espiritong kanyang kaantabay ay abalang-abala sa paghahanda sa bawat bagay na kanilang lilikhain, bawat sandali ng pangangailangan sila ay nagtitipon-tipon at nag-uusap upang mapagkaisahan ang mga bagay na dapat magaganap. Kahalintulad ng gagawin nilang kahoy may nagsabi na ang malaking kahoy ay hindi dapat malaki ang bunga dahil pag mahulugan ang mga tao o ang hayop ay hindi mamamatay at ganoon nga ang nangyayari, ang maliit na kahoy ay siyang malalaking bunga.

Ang bawat kaantabay ng Diyos ay gumagawa sang-ayon sa kani-kanilang tungkulin kaya lahat ng bagay na kanilang naiisipang gawin ai kanilang ihahanda ang mga sangkap nito upang sa oras na kanilang umpisahan ang paglalang ay preparado na.

Unang araw ng Paglalang

Ang apat na elemento ay wala pang hugis, wala pang porma at hitsura ang apat na ito ay pinagbuklod-buklod ng Infinito Diyos sabay ang salitang “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” kaya nagkaroon ito ng hugis. Sa aklat ng Genesis 1:1-2 ay ganito ang nakasulat, NANG SIMULANG LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT ANG LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO. DILIM ANG BUMABALOT SA KALALIMAN AT UMIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”. Maliwanag na mula nang likhain ang mundo ito’y mayroon ng lupa, hangin at tubig bagamat wala pa itong anyo.

Ang Infinito Diyos ay nagsalita muli ng ganito, “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TREASET BUITARAP”, at nabuo ang apat na elemento at nagiging isang mundo, at muling nagsalita ang Diyos ng ganito, “MANAOT LUMBRATE ACTIVE DEUS MEAVITE DEUS SANCTA MEUS”, at nagbukod ang Lupa at Tubig, at may sinabi pa, “MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM”, ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaiba-ibang bansa.

Sa Genesis 1:3-5 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGKAROON NG LIWANAG, AT NAGKAROON NGA, NASIYAHAN ANG DIYOS NANG ITO’Y MAMASDAN. PINAGBUKOD NIYA ANG LIWANAG AT ANG DILIM. ANG LIWANAG AY TINAWAG NYANG ARAW AT ANG DILIM NAMAN AY TINAWAG NA GABI – IYON ANG UNANG ARAW”. Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang pagkasabi ng Diyos, “EVITE LUXEL BAARUPATAP MUMSAPER DIELUCAM DAUCAM HUMIEYER PEMHUMAC AIDISTORBA BARTASI JELUMEL MENAC CAATOR POOC LAAT BARPITUM EGO RUSARITUS MUNDUM YIBESLIHA HAC MILUREMUS EGRUMINTOR BIMSITOR HANDOOR DEUS”. Nang ito’y masabi ay naghiwalay ang liwanag at ang dilim at nangyari ang pinakaunang araw sa buong kasaysayan.

Ang unang araw sa kanilang paglalang ay nagbigay ligaya sa Infinito Diyos ganoon din sa Kanyang mga kaantabay, maligaya silang nagbabatian at dahil doon ay may sinabi ang Diyos na ganito, “HUMBRE SE LUMBRE BIRHAMOY DIDUCAM BALRISI HUMAHUM MIGTIAL SACSILUOM DEUS SIGHOM”, at ang 24 Ancianos ay sumagot ng ganitong salita, “DEUS EGOSUM MON NUMBRE SILAC CARTOAM DEUS EGOSUM MOSTAHUS HIGRUSILUM CIAMIMCUM EDRUTE ACDUDUMIM MOMINTOR”. Pagkatapos noon ay nagsimula na naman silang maglalang ng pangalawang araw na ubod ng ligaya ang kanilang mga mukha.

Pangalawang araw ng kanilang paglalang

Sa araw na ito ay ginawa ng Diyos ang kalawakan upang mamagitan sa tubig na nasa itaas at sa may bandang ibaba, kaya ang sabi sa Genesis 1:6-8 ay ganito, “SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON NG KALAWAKANG MAGHAHATI SA TUBIG UPANG ITO’Y MAGKAHIWALAY AT NANGYARI ITO. GINAWA NG DIYOS ANG KALAWAKAN NA PUMAGITAN SA TUBIG NA NASA ITAAS AT NASA IBABA. LANGIT ANG TAWAG NYA SA KALAWAKAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA. IYON ANG IKA-2 ARAW”.

Sa tagong kasaysayan naman ay ganito ang sinabi ng Diyos nang ginawa ang kalawakan, “BERNATE DEUS MOSHIC HACCOMEUM SUPERNA EGOSUM”. At nang tawagin niya ang kalawakan na LANGIT ay ganito ang salitang binigkas Nya, “BUNAMORATE AB SILOC HISCORTE CAELUM”. At dagdag nito upang maging ganap ang pinaka-unang pangalawang araw sa buong kasaysayan ng paglalang, nagsalita muli ang Panginoon. “NUMBRATE CAELORUMET TERRAM DISIDIDUM MUNDUM LACIMUNA HIGROSEM PACTOBOTEL ECRAESIM EGO DEUS MUNDURARIPUS DEUS”. Nang ito’y masambit sumagot ang 24 Ancianos ng ganitong salita, “REJIGESE BISOLANE BIENTE QUATOR SEÑORES EGOVIS SANCTE LUMIHIDAM PARPARAM SARALAM BUNCAO PIIG SINTURISMO EGOSUM DEUS”. Pagkatapos noon ay naganap ang ikalawang araw ng paglikha.

Pangatlong araw

Sa araw na ito ay pinagsama-sama ng Diyos ang tubig sa isang dako upang lumitaw ang lupa, tumubo ang sari-saring halaman, mga kahoy na siyang sanhi ng kagandahang hindi pwedeng pantayan. Ang mga bulaklak na kung pagmasdan ay parang nagpapaligsahan sa ganda. Ang punong kahoy na halos nagtataasan upang matatanaw ang kapaligiran nagsisayahang lumanghap ng simoy ng hanging sariwa at ang mga kabundukang punong-puno ng sari-saring halaman ay parang nag-aawitan sa tuwa dahil nadarama ang kaligayahang walang halo kundi puro kagalakan.

Sa Genesis 1:9-13 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGSAMA SA ISANG DAKO ANG TUBIG SA SILONG NG LANGIT UPANG LILITAW ANG LUPA, AT ITO’Y NANGYARI. ANG LUPA AY TINAWAG NIYANG DAIGDIG AT KARAGATAN NAMAN ANG NAGSAMA-SAMANG TUBIG. NASIYAHAN SIYA NANG ITO’Y MAMASDAN. PAGKATAPOS, SINABI NG DIYOS, MAGKAROON SA LUPA NG LAHAT NG URI NG HALAMANG NAMUMUNGA AT NAGBUBUTIL. AT NANGYARI ITO. TUMUBO NGA SA LUPA ANG MGA HALAMAN. NASIYAHAN SIYA SA KANYANG GINAWA NANG ITO’Y MAMASDAN. DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA – IYON ANG IKA-3 ARAW.

Nang pinagsama ang Tubig upang lumitaw ang Lupa at ganito ang sinabi ng Diyos sang-ayon sa tagong kaalaman. “DIRACTOR HOBI COMES TUNADOR EMPARITILLOS SIRCABUS HUMRETOS”. Nang ginawa ang mga damo at halaman ay ganito ang sabi ng Diyos. “UCCOLUM HUMBARQUIDE ADOACTE FIGNIMUS ET BARTUARUS”, at nagsalita muli upang tumubo ang mga kahoy at lupa, “LYACHAM LAYALGEM LAYAFARAN LIALFARAH LEBARA LEBAROSIN LAYARAROLUS”, pagkatapos sa mga salitang ito lumitaw at tumubo ang lahat ng uri ng punongkahoy sa balat ng lupa.

Ang pangatlong araw sa kanilang paglalang ay nagbigay dagdag ligaya sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, ubod sa ligaya ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “DEUS MEUS CASTABOLANE EGOSTILLOS BUADOS MACRISE HIGUTE VILVO HUMAR ESORASIOM TUBBY”. Nang madinig ito ng 24 Ancianos sila’y sumagot ng sabay-sabay sa pamamagitan ng mga salitang ito. “DEUS APTRIS TITRUS EGO SUM MEUM TOCRIBUS TAALIRUS ROROLUS DEUS BAARTIBUS SICUTABUS ESTIMUS HONTIBARUM MUMBORUM EGO SACLO LUMBRE MUSTAEMTILUS.” Pagkatapos sa mga salitang ito ay naganap ang pangatlong araw.

Pang-apat na Araw ng Paglalang:

Sa araw na ito ay nilikha ng Diyos ang Araw, Buwan, at mga Bituin. Ang Araw ay nakalaan upang magbigay liwanag sa panahon ng araw at ang Buwan ay para magbigay liwanag sa gabi. Ang mga Bituin naman ay upang magbigay kagandahan sa buong kalawakan lalong-lalo na sa panahon ng gabi. Ang mga ito ay siyang tatanglaw sa buong mundo.

Sa Genesis 1:14 hanggang 18 ganito ang sabi: “SINABI NG DIYOS. MAGKA-ROON NG MGA TANGLAW SA LANGIT PARA MABUKOD ANG ARAW SAS GABI. ITO ANG MAGIGING BATAYAN SA BILANG NG MGA ARAW, TAON AT KAPISTAHAN. MULA SA LANGIT, ANG MGA ITO’Y MAGSASABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG AT GAYON NGA ANG NANGYARI. NILIKHA NG DIYOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW: ANG ARAW, UPANG TUMANGLAW SA MAGHAPON, AT ANG BUWAN, UPANG MAGBIGAY LIWANAG KUNG GABI. NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN, INILAGAY NIYA SA LANGIT ANG MGA TANGLAW NA ITO UPANG MAGSABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG. TUMANGLAW KUNG ARAW O GABI, AT MAGBUKOD SA LIWANAG AT DILIM. PINAGMASDAN NG DIYOS ANG KANYANG GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN.” Ganyan ang sabi sa hayag na karunungan.

Nang Likhain ang Araw:

Bagamat sa hayag na kaalaman ay may malaking kakulangan sa tunay na pangyayari, ang tago naman ay ganito ang pagpaliwanag. Nang likhain ng Diyos ang Araw na ito ang salitang Kanyang binigkas: “HICAAC ESPIRITUM MEUM ET CUM SARMUNDI VESET NOS EMPERIM”. Nang ito’y masabi biglan nagkaroon ng bulang apoy na siyang nilikha ang araw ng Infinito Diyos at ito’y inilagay niya sa gitna na kalawakan upang magbigay ng tanglaw sa daigdig. “SARMUNDI ENERITUM MURLUM MACMITOR HIGUR.” Ang araw ay nagkaroon ng dalawang mata na siyang nagbigay buhay sa init nito: “SINASOP MISOP HUMPILAC LARAMEUS EGLOREMOS”. Nagkaroon ng dalawang tainga upang madinig kung ano man ang pag-uutos ng Diyos sa kanya. “BUCERRA LAGASTOSE HINLOT MIMPAL EGOPAL LACMIT SUNIMBUR DEUS TORSILATUS”, nagkaroon ng bibig upang may kakayahang makipag-usap sa mga nilikha ng Diyos gaya ng Buwan, mga Bituin, at higit sas lahat ay makapagbigay siya ng mensahe sa Diyos sa kahit anong bagay ng ginagawa ng tao at iba pang mga nilalang ng Diyos sa mundo, kaya isa ito sa dahilan kung bakit ang tao hindi puwedeng magsinungaling sa Kanya.

Ang Pang-anim na Araw ng Paglalang
Sa araw na ito ay nilalang ng Diyos ang Tao at mga Hayop. Dito ginawa ang unang tao na tinatawag niyang Adan at Eva at ang ito ay binigyang kapangyarihan upang mamahala sa lahat ng hayop, isda at ibon ditto sa lupa. Sa Genesis 1-:24 hanggang 30 ay ganito ang nakasulat: “SINABI NG DIYOS: MAGKAROON NG LAHAT NG URI NG HAYOP SA LUPA – MAAMO, MAILAP, MALALAKI AT GAYON NGA ANG NANGYARI NILIKHA NGA NIYA ANG LAHAT NG ITO, SIYA’Y LUBOS NA NASIYAHAN NANG MAMASDAN ANG MGA ITO.
Pagkatapos likhain ang mga ito, sinabi ng dios ngayon: “LALANGIN NATIN ANG TAO, ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN, SIYA ANG MAMAHALA SA MGA ISDA, MGA IBON AT LAHAT NG HAYOP, MAGING MAAMO O MAILAP, MALAKI O MALIIT.”
Nilalang nga ng Diyos ang mga tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya: “MAGPAKARAMI KAYO AT PUNUIN NG INYONG MGA SUPLING ANG BUONG DAIGDIG AT PAMAHA-LAAN ITO. BINIBIGYAN KO KAYO NG KAPANGYARIHAN SA MGA ISDA, SA MGA IBON, AT SA LAHAT NG URI NG BUTIL AT MGA BUNGANG KAHOY NA INYONG MAKAKAIN, ANG LAHAT NG HALAMANG LUNTIAN AY IBIBIGAY KO NAMAN SA MAILAP NA HAYOP, MALAKI MAN O MALIIT AT SA LAHAT NG MGA IBON.” At ito nga ang nangyari.
Ang pang-anim na Araw ay siyang panghuli sa paglalang ng Diyos. Dito nagkaroon ng makulay at buhay ang sandaigdigan gawa ng nagkaroon na ito ng nilalang na siyang mamahala at magtatakbo sa lahat ng may buhay.
Sa tagong karunungan ay ganito ang salaysay na ang Diyos ay lumalang sa lahat ng uri ng mga hayop, ang Diyos ay nagsalita ng ganito: “MURPICTICTUM ET NUNUM EMERENCIANA ET NUNUM MITAM”, nang ito’y masambit kumalat sa mga kabundukan at sa kapatagan ang lahat ng uri ng hayop, ito’y maging maamo o mailap o maliit o malaki, at muling nagsalita ang Diyos upang mabasbasan ang mga ito: “NUMBRIBUS TICUS DEUS HAMPIR NIMRUBATO CULAMPAIM MICTURIMUS INIMITUS MUNDUM SINUGRATOR HIGMACANUM”.
Nang likhain ang unang tao sa mundo ay pinangalanan itong ADAM (Adan). Ang pangalang ADAM ay hinugot mula sa apat na buntala na tanglaw ng mundong sangtinakpan, ang salitang pinagmulan ay ito: A – ASTROS D – DISIS A – ANATUL M – MISEMBRE.
Ang Genesis 2:7 ay ganito ang nakasulat: “NILIKHA NG DIYOS ANG TAO MULA SA ALABOK, HININGAHAN SA ILONG AT NAGKAROON NG BUHAY.”
Subalit sa tagong karunungan ay ganito naman ang kasaysayan. Inihanda ng Diyos ang mga sangkap na ipinagkaloob sa tao na ang mga ito ay SUBTILIDAD, IMPASIBILIDAD, AGILIDAD at CLARIDAD. Ang mga apat na ito ay hinugot mula sa apat na elemento sa mundo na walang ia kundi ang APOY, HANGIN at LUPA at TUBIG. Pagkatapos ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “SUBTILIDAD PAMULI OQUIP PENSEMULI OSIM PERLIM ODIM PEMPAUM, IMPASIBILIDAD PINCUAM CUGEP PELINCUAM HIFERE PAUPERUM ICUIS, AGILIDAD PINTUIM PICERE PINTUM ARIEP PINCUIM ACUTIM, CLARIDAD PINDIMALLIM PERCUIM LIATUM PAMULI LICARIUM.”
Nang matapos magsalita ang Infinito Diyos ay kumuha ng isang dakot na alikabok at nagsalita muli: “TE EJETUR CLEMENTISSIME PATER PER DEUS ESPIRITUM TUUM DOMINUM NOSTRUM SUPLICES ROGAMUS AC PETIMU UTI ACCEPTA HABEAS ET BENEDICAS DOMINE INTOTO CORDE MEO QUEMADMODUM DAMAHI LUMECH GADAL PANCIA VEFOAS MEOROD LAMIDOCH BALDACHANERETHON MITATRON, HAEC DONA HAEC MUNERA HAEC SANCTA SARAFICIA ILLIBATA ALASASES LATORES ARAM ARADAM ADRADAM FRUOISIERE ABE ABEUC ABEIC ABEICA CARMAR AC OC DEUS.” Ang alikabok ay maging tao, subalit ito’y wala pang buhay kaya nagsalita muli ang Diyos at ito’y hiningahan sa ilog sa ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI JOHAOC ABHA HICAAC AERISIT HOCTACSIT ALIMIRACTIM HOCMITAC AMINATAC HIPTAC”, at upang pasukan ang katawan nito ng apat na elemento, ito ang sinabi ng Diyos: “PAMPANABAL PRUITIATEM GETECAN TES PUICCIMPRIAEM CRUISISIUM.”

Ang katawang material ay dapat magkaroon ng espirito kaya nagsalita ang Diyos ng ganito upang pasukan ng espirito ang katawan ni Adan: “ACUTIN PERICTATOS REXSISIUM CINCIMATIM PIMPUMABAL PICIONABAL PAMPANABAL, at upang gumalaw ang katawan ni Adan: “ALLITUIM HISIUMIEM ALLITAM RACIONISUM PICERE SARAPACIONEM PIMPUMABAL, at para makapagsalita si Adan, anito ang sabi ng diyos: “PELINCUAM PRILICAM PURITIRITIS PAMPANABAL, at upang maging normal na tao si Adan, at huwag Makita ang kanyang espiritu, “PURFIFINICURI PANPANABAL EUNIC CIUME ESISIRA PAMPANABAL SUBIRISATI NIMTAR CRUITIATOR GUM.”
Nang matapos mabasbasan si Adan, ito’y naging tunay na tao, subalit may nakita ang Diyos na dapat magkaroon si Adan ng kasama, kaya sa Aklat ng Genesis 1:18, 21, 22, 23, 24, 25 ganito ang sabi: “MATAPOS GAWIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NI YAHWEH, HINDI MAINAM NA MAG-ISA ANG TAO, BIBIGYAN KO SIYA NG MAKAKASAMA AT MAKATULONG KAYA’T PINATAWAG NI YAHWEH ANG TAO. SAMANTALANG NAHIHIMBING, KINUHA NIYA ANG ISANG TADYANG NITO AT PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG TADYANG NA IYO’Y GINAWA NIYANG ISANG BABAE, AT INILIPAT SA LALAKI. SINABI SA LALAKI, “SA WAKAS, NARITO ANG ISANG TULAD KO, LAMAN NG AKING LAMAN, BUTO NG AKING BUTO, BABAE ANG SIYANG ITATAWAG SA KANYA SAPAGKAT SA LALAKI NAGMULA SIYA. ITO ANG DAHILAN KAYA INIWAN NG LALAKI ANG KANYANG AMA AT INA UPANG SUMAMA SA KANYANG ASAWA, SAPAGKAT SILA’Y NAGIGING IISA. KAPWA SILA HUBAD, GAYUN MA’Y HINDI SILA NAHIHIYA.”
Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang kwento. Noong si Adan ay naging tao na, nakikita niya ang ibang nilalang na gawa ng Diyos ay mayroong mga kaparis, sinabi niya sa sarili na mabuti pa ang mga hayop ay mayroon silang kapareha. Naramdaman ni Adan ang lubos na pangungulila kaya nagsalita siya ng ganito: “DEUS EGOM MUNTAR EGO SUSTI MITIMI PAC LUBAR DATUM MEUM” at nadinig ito ng Diyos at sumagot ng ganito: “REPITUMI MAUCAT DAETIVES MENHAT MAUCNAT,” at natapos itong masabi nakatulog si Adan at habang mahimbing itong tulog na magsalita uli ang Diyos ng ganito: “MEMUS MAUS MITOS DIMUS RATULIA DOMINUS DEUS” nang ito’y masambit hinugot ng Diyos ang isang tadyang sa bandang kaliwa ni Adan at nagsalita ng ganito: “MAUSTIVUS DICRIS TAUS” at hinilom ang laman na pinagkunan ng tadyang.
Itinabi ang tadyang sa natutulog na Adan at nagsalita muli ang Diyos ng ganito: “PUROKUS MURAMUS DITESUM HUM MEAM DAUTINAL LACRIBUS HUSIBIBUS EGOSUM at naging babae ang tadyang, hiningahan ng Diyos sa ilong ng ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI RONAOC DUMAC ABHATAC ANATAC SIBULERUS DEUS MEAS HAAC TAAC NAAC” at nagkaroon ng hininga ang babae at upang maging tunay na tao ang babae ay ganito ang sabi ng Diyos: “LUMARAC MUAM MICTIM JUNAUS TAAMIMIT RICSAULAR SILUSTUMI JUMARI.”
At biglang nagising si Adan at maligaya siya nang makita niyang mayroon na siyang kasama. Tinawag niya Eva ang babae, ang pangalang EVA ay hango sa tatlong ilog na pinakamalaki sa mundo, E – EUFRATES, V – VILHA, A – AEDOM. Kaya, nang ginawa ng Diyos, ganito ang sinabi Niya: “ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN” at dahil hindi Siya nag-iisa, kasama Niya ang 24 Ancianos. Ganyan ang sabi ng tagong kasaysayan.
Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon sa loob ng anim na araw at Siya’y nagpahinga sa pang pitong araw.

Sa mga nakaraang mga labas ay naikwento kong paano ang paglalang ng Diyos ng Mundo, at sa lahat na may buhay pati na sa mga kahoy at mga halaman, maliban dyan ganoon din ang paglikha ng araw, buwan, mga bituin at iba pa sa pamamagitan ng tago (Isoteric) at hayag (Ecclesiastical) na karunungan ng Diyos.

Sa Biblia naitala ang mga taong inuutusan ng Diyos dito sa lupa. Mula kay Adan, Noe, Abraham, Jacob, Moses, Haring David at marami pang iba hanggang sa panahon ng Panginoong Jesucristo pati na si Juan ang sumulat sa pinakahuling aklat ng biblia walang iba kundi ang Pahayag, ang mga ito ay nagtataglay ng dalawang uri ng karunungan ng Diyos, ang Hayag at Tago.

Sa panahon pa ni Adan mayroon itong kakayahan na kakausapin ang mga kahoy at halaman pati ang mga hayop ng kanyang nasasakupan. Ipinagkaloob ng Diyos sa kanya na magtataglay ng ganitong klasi na karunungan.

Sa panahon ni Moses ganoon din, ating matutunghayan sa Biblia ang limang aklat na sinulat ni Moses bilang hayag niyang karunungan, ang mga ito ay ang aklat ng Genesis, Exodo, Levetico, Mga Bilang at Deuteronomio.

Maliban dito ay mayroon pang limang aklat na hindi naitala sa biblia ito ang pang anim, pang pito, pang walo, pang siyam at pang sampu. Mapalad ang makatuklas nito dahil dito ibinulgar ni Moses ang pinaka-ubod sa mga tago niyang karunungan, gayan ng pagbiak niya sa dagat, ang tungkod ay ginawa niyang ahas at marami pang mga kababalaghaang ginawa niya dito.

Si Haring David sa kanyang paghahari ay nagdanas ng maraming labanan na kong saan ay lagi itong nagwagi libo-libo ang kalabang namamatay sa digmaan subalit sa kanyang mga tauhan ay wala ni isa ni masugatan man lang. Sa mga nakaalam sa tagong karunungan naniwalang mayroong itinuro si Haring David sa kanyang mga tauhan na mga pangdepensa sa labanan na kong tawagin ito sa kasalukuyang panahon ay anting anting (amulet). Mayroon si Haring David salita na panghahalina sa mga babae ito, kong tawagin ay gayuma at ito’y naitala sa biblia na niya ay mayroong isang legal na asawa at mayroon 99 na mga illegal na asawa. Ganoon din si Haring Solomon na siyang pumalit sa kanya, 300 na legal asawa at 700 illegal na mga asawa sang-ayon pa sa biblia.

Ang ating Panginoong Jesucristo ay naitala sa biblia tungkod sa mga himala at kababalaghaan niyang nagawa, gaya ng tubig ginawang alak, bulag nakakita, bingi nakadinig at higit sa lahat ay ang bumuhay ng patay, ang mga ito ay pagpapatunay lang na si Panginoon Jesus ay nagtataglay ng tago ng karunungan ng Diyos.

Ang tagong karunungan ay nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit o pagbigkas ng mga salitang LATIN, gaya ng ating Panginoon Jesucristo ay naitala sa biblia ang mga salitang LATIN na kanyang binigkas ng Siya’y bumuhay ng patay. Sa Marcos 5:41 ganito ang sabi: “HINAWAKAN NIYA ITO SA KAMAY AT SINABI. “TALITA KUMI” NA ANG IBIG SABIHI’Y “ENING” SINABI KO SA IYO MAGBANGON KA!” Sa ganoong salita lamang ay bumangon at nabuhay ang 12 anyos na batang babaeng bago lang namatay at namangha ang mga taong nakasaksi.
Ang Lihim at Hayag na Karunungan ni Jesucristo

Ang Panginoong Jesucristo ay nagta-taglay ng dalawang uri ng karunungan, ito ay ang hayag (Ecclesiastical) at ang tago (Esoteric) na siyang ginamit Niya sa kanyang mga himala at kababalaghaan noong nandidito pa siya sa Mundo.
Maraming aklat na nagpapatunay sa buhay ng ating Panginoon Jesucristo, mga pangyayaring hindi nakasulat sa biblia. Kung tutuosin mas mahaba ang hindi nakasulat, ito ay labing-walong taon samantalang ang nakasulat ay mula noong Siya’y isinilang hanggang labing-tatlong taon gulang at naputol ito, bumalik ng Siya’y nagkaidad na tatlongpu at pagdating sa tatlongpu’t tatlong taon gulang siya’y ipinako na ng krus.
Ang tanong, itong labing-walong taon na nawawala sa biblia, ano ang ginagawa na ating Panginoon Jesucristo sa mga panahong ito? Bago natin tatalakayin yan, balikan muna natin ang pangyayari sa buhay na pinagmulan ng ating Panginoon.
Sa tagong karunungan ay naitala na ang mga magulang ng ating Panginoon Jesucristo ay nagmumula ng isang maliit na samahan ng mga Judio. Gaya rin sa mga panahon ngayon na ang mga Cristiano ay nagkabuklod-buklod subalit iisa ang pinaniwalaang Diyos. Ang maliit na samahang yoon ay pinamagatang ESSENNE at ang namumuno nito ay si Joseph ang tumatayang Ama ni Jesus. Sang-ayon ng kasaysayan ay hindi sila umabot ng isang libo sa dami. Sila’y nag-aaral ng mga tago na karunungan natutunan nila mula pa sa kanilang mga kanununuan subalit sila’y naniniwala rin ng mga doktrinang ipina-sunod ng mga pinuno ng mga Judio gaya ng mga batas na nagmumula sa mga Pariseo at mga saserdote.
Maliban sa mga doktrinang sinusunod nila mula sa mga Judio mayroon din silang doktrinang pansarili sang-ayon sa kanilang paniniwala bilang mg nasasakupan ng samahang ESSENNE. Si Maria na ina ni Jesucristo ay noong apat na taong gulang pa lamang ay ipinasok na sa isang pagsasanay at may kasama itong labing isang mga batang babae ay nagdaan ng mahirap na pagsubok, itinuturo sa kanila ang tamang asal, mga pag-uugali, lalong lalo na sa pagdadasal sa takdang oras. Ang pakay sa pagsasanay na ito ay paghahanda sa sinabi ng Diyos sa kanilang ninunong si haring David tungkol sa Misiyas na isisilang sa kanilang angkan.
Sa aklat ng lumang Tipan, 2 Samuel 7:13 ganito ang nakasulat: “SIYA ANG MAGTATAYO NG TEMPLO PARA SA AKIN, AT SA KANYANG ANGKAN MAGMUMULA ANG MAGHAHARI SA AKING BAYAN MAGPAKAILANMAN”, ang mga salitang sinabi ng Diyos doon kay haring bago ito mamatay, ang tinutukoy ng Diyos na magtatayo ng kanyang Templo ay si haring Solomon na siyang pumalit ng paghahari ni David at magmumula sa kanyang lahi ang maghahari magpakailanman na natutupad ito sa pamamagitan ni Jesucristo.
Sa wala pa ang ating Panginoon Jesus. Si Joseph noong panahon na yoon ay siyang namumuno ng isang maliit na samahang pinamagatang ESSENNE. Ang samahang ito ay isang kawan na nagmumula sa mga Judiyong di kilala sa lipunan o mga Judiyong nasa mababang antas ng susidad.
Dito bilang pinuno si Joseph, nagtuturo siya ng mga tagong karunungan ng Diyos (Esoteric) bilang gabay ng kanyang mga nasasakupan. Ang karunungang ito ay kanyang nasunod mula pa sa kanilang mga kanununuan buhat pa kay Abraham. Sa panahon ngayon ang mga taong nag-aaral ng mga tagong karunungan ay hindi kinikilala sa madla, ganoon din si Joseph noon mga panahon na iyon. Wala siyang salitang pinakinggan sa lipunan maliban sa kanyang mga nasasakupan lamang na siyang masugid na tagasunod sa mga doktrinang kanilang pinag-aralan.
Sa kanilang samahang ito si Joseph ang kinilalang propeta, sa paniniwala nila si Joseph ay Templo ng Diyos sa panahong yoon. Isang gabi si Joseph ay kinasihan ng Espirito at sinabihan siya na magpili ng 12 batang babae na may apat na taong gulang, at sinunod ito si Joseph, ginawa niya ang pagpili at isa na nito ay si Maria na siyang naging ina ni Jesus.
Ang 12 batang babae ay nagkaroon ng mga pagsasanay, (Training) itinuturo sa kanila ang wastong pag-uugali sa pagkilos, pananalita, pananamit, pagkain, pagdarasal at sa lahat ng bagay na ikakalugod ng Diyos, lalong lalo na sa tagong karunungan na siyang sentro ng mga pagsasanay na ito. Habang ang mga batang ito ay tinuturuan ng mga maraming bagay tungkol sa tagong karunungan, sila’y dinadaan sa maraming pagsubok sa pamamagitan ng eksaminasyon para malaman kung sino sa kanila ang pinakamagaling at matalino. Sa ilang taong pagsasanay na ito, lumalabas na si Maria ang laging nangunguna sa bawat pagsusuri at paligsahan na nagaganap.
Nang ang mga 12 batang babae ay nagkaedad na ng 12 taong gulang din, sa pamagitan ng panaginip si Arkanghel Gabriel ay nagpakita kay Joseph at nagsabi na si Maria ang nakapasa sa lahat ng pagsubok at pagsasanay, at dahil dito si Maria ang nakatakdang magsilang ng isang batang lalaki na siyang naging Mesias ng buong mundo si Kristo Jesus.
Sa edad ng 12 anyos si Maria ay nagpapatuloy ng pagsasanay subalit nag-iisa na lamang siya, hindi na kasali yong 11 batang kasama niya sa unang pagsasanay na nagaganap. Sa mga panahong ito iba na ang itinuturong pag-aaral dahil matataas na antas ng espirituwal na kaalaman ang kanyang pinag-aralan gaya ng pagpapasok ng espirito sa katawan ng material na tao (insertion) at papaano nakakausap ang mga ito. Ang lumang tipan sa aklat ni Ezekiel 2:2 bilang pagpapatunay na ang tao ay pwedeng papasukan ng Espirito ng Diyos ang katawan nito, ganito ang sbi: “KASABAY NOON, NILUKUBAN AKO NG KANYANG ESPIRITU AT ITINAYO AKO UPANG PAKINGGAN ANG KANYANG SASABIHIN.” At sa Pahayag 1:10 ganito rin ang sabi: “NOO’Y ARAW NG PANGINOON, KINASIHAN AKO NG ESPIRITU, AT NARINIG KO MULA SA AKING LIKURAN ANG ISANG MALAKAS NA TINIG NA PARANG TUNOG NG TROMPETA.” Ganyang ang nakasaad sa hayag na karunungan, ang Biblia.
Ang samahan ESSENNE ay mayroong lugar kung saan idinadaos ang kanilang pagdarasal, ang lugar na ito ay para sa kanila isang banal, ito’y malapit lang sa kanilang mga kabahayang gawa ng lupa at ipinaghalong abo upang maging matibay, ang lugar na ito ay tinawag nilang balbanera, ditto sila makipag-usap sa Panginoon sa panahon ng pangangailangan. Isang panahon si Maria mayroong kinatatakutan at siya’y nagtago sa lugar na ito, at habang siya’y nagtatago nagbanggit siya ng salitang ganito: “IGNE NATURA RENOVATOR INTEGRA OC ADONAI LIBERARI NOSTRI TRINITATIS DEI BALBANERA CUBRE SACUBE DEUS VIVAS” at pagkatapos mabanggit ang mga salitang yoon ay biglang nawala ang naramdaman niyang takot..

********

Address

Makati
Makati
1200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when lihim at hayag na karunungan ng deus G.O.D posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to lihim at hayag na karunungan ng deus G.O.D:

Share

Category