08/03/2023
Ikaw ba yung..
Monday pa lang,
wish mo, mag Friday na?
Kapapasok pa lang sa office,
abangers na kaagad tayo sa lunch break.
May job opening na ni-recommend,
ayaw natin puntahan kasi mainit sa labas.
May isang oras pa bago matapos ang trabaho,
pero naglalaro na lang tayo sa ating mga cellphones.
KaChink, bakit naman ganito?
Anong dahilan ng ating katamaran?
“Eh nakakapagod yung trabaho Chinkee”
“Kainis yung boss ko eh”
“Mas masarap kasi humilata sa bahay”
Wala naman masama magpahinga
pero kapag oras ng trabaho,
wala dapat tayong rason para tamarin.
Dahil aside sa binabayaran tayo,
nilagay tayo doon dahil
KAILANGAN nila tayo.
Kung hindi natin ibibigay yun
at pilit nating aabusuhin,
sabi nga, madami diyang naghahangad.
Ano pa yung rason kaya hindi dapat
tayo tamarin?
KAILANGAN NATIN NG PERA
Diretsahan na tayo friends.
Nagtatrabaho tayo at kailangang
magsipag dahil kailangan natin ng pera.
Wala naman atang tao na
magtatrabaho dahil wala lang.
“Wala ako magawa eh”
“Kakainip kasi sa bahay”
We work because we need money.
We work because we have obligations to pay.
Kahit pa pang tubig, kuryente,
o ambag lang sa kinakain natin sa araw araw.
Sa lahat ng iyon, pera ang kailangan.
Kung tatamarin tayo
at hindi natin gagalingan,
paano tayo niyan? Nga nga!
Eh hindi naman pwedeng…
UMASA TAYO HABANG BUHAY
Yung kinakain natin, pamasahe,
gatas, diaper ng anak, gamot, at iba pang
pansariling gastusin ay hindi naman
natin pwedeng iasa sa iba.
Yung mga magulang natin, nagtatrabaho sila para sa atin,
pero eventually, there must be a STOP on this.
Dapat kaya na natin gumawa ng paraan
para suportahan ang ating mga sarili
to free them from any burden.
Wag tayong pabigat ika nga.
Sayang naman ang ating
pinag-aralan, lakas, at talino,
Kung sasayangin lang natin
dahil sa ating katamaran.
Galaw galaw friends!
MAGSUMIKAP AT MAGPASALAMAT
Kapag nasa harap na ang opportunity,
grab na natin ‘yan!
Kapag hindi pa tapos ang trabaho,
huwag muna pumetiks.
Habang may kailangan pang gawin,
let’s focus on that.
Huwag tayong tutulog-tulog.
Because remember, kahit na
mahirap at maraming pagod
ang ating pinagdadaanan,
blessing ito na maituturing.
Dahil hindi naman lahat
ay nagkakaroon ng ganitong pagkakataon.
“Kung gusto nating may marating, iwasan nating tamarin.
Sikapin nating gamitin ang oras, oportunidad, lakas,
abilidad at talento na ipinagkaloob sa atin.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
1. May mga oras bang tinatamad ka magtrabaho?
2. Bakit naman? Anong dahilan?
3. How will you push yourself more kahit mahirap?
===================
Learn and Earn today.
Visit: https://chinktv.com/products/all-access