09/04/2026
Sa bawat sakripisyo ng kahapon, may kalayaang tinatamasa ngayon. Ang tapang at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani ang nagsilbing ilaw sa landas tungo sa kalayaan na ating pinapakinabangan sa kasalukuyan.
Sa araw na ito, hindi lamang natin sila ginugunita—pinapaalala rin natin sa ating mga sarili ang kahalagahan ng pagiging matatag, makabayan, at handang ipaglaban ang tama. Saludo sa mga bayani, noon at ngayon!