22/06/2026
Client: Hindi kami nakabayad ng HOA Dues kaya ndi pinayagan ng HOA ang deliveries namin na pumasok sa subd.
Pag usapan natin friendship 💙💚
📌Desisyon ng Supreme Court:
Kahit may utang na association dues ang isang homeowner, hindi siya puwedeng pagbawalan na gumamit ng mga common areas ng subdivision, lalo na ang mga kalsada.
Ano ang nangyari?
May mag-asawang homeowner sa La Costa Brava Subdivision na hindi nagbayad ng association dues mula 2016 hanggang 2021
Dahil dito, pinarusahan sila ng homeowners association sa pamamagitan ng:
❌ Pagbabawal sa pagpasok ng food deliveries, packages, appliances, LPG, at construction materials sa kanilang bahay.
❌ Hindi puwedeng pumasok ang Grab, taxi, o tricycle para sunduin sila sa bahay.
❌ Hindi puwedeng pumasok ang kanilang mga bisita sa subdivision.
❌ May dagdag bayad ang delivery trucks na pupunta sa kanilang property.
❌ Binawasan ang garbage collection nila.
❌ Hindi na sila isinama sa ilang maintenance services.
Ano ang sabi ng Supreme Court?
May karapatan ang homeowners association na magparusa sa mga hindi nagbabayad ng dues, pero may limitasyon ang kapangyarihan nila.
Pwede nilang:
✅ Bawasan o ihinto ang ilang community services at facilities na binabayaran ng association.
Pero hindi nila pwedeng:
❌ Harangan ang paggamit ng subdivision roads.
❌ Pigilan ang pagpasok at paglabas ng homeowner gamit ang mga kalsada.
❌ Gumawa ng mga patakaran na parang ikinukulong o ini-isolate ang homeowner sa loob ng subdivision.
Bakit?
Ayon sa batas (Republic Act No. 9904 o Magna Carta of Homeowners and Homeowners' Associations), may dalawang magkahiwalay na karapatan ang homeowner:
1. Karapatan sa community services at facilities(security, garbage collection, maintenance, atbp.)
2. Karapatan sa paggamit ng common areas (tulad ng mga kalsada at daanan)
Kapag delinquent o may utang ka:
* Maaaring maapektuhan ang ilang services.
* Pero hindi nawawala ang karapatan mong gumamit ng mga common areas tulad ng mga kalsada.
Sa madaling salita:
🏠 May utang ka man sa HOA, hindi ka pwedeng ikulong sa sarili mong bahay.
🚗 Hindi pwedeng pagbawalan ang Grab, taxi, delivery riders, bisita, o mga sasakyang kailangan mong gamitin kung ang dahilan lang ay hindi ka nakabayad ng association dues.
💰 Pwede kang singilin at patawan ng legal na sanctions, pero hindi pwedeng hadlangan ang basic right mong dumaan at gumamit ng subdivision roads.