10/05/2026
“Ang mahal pala kapag housing loan…”
Isa ‘yan sa pinaka-common na realization ng mga first-time homebuyers 😅
Kapag kinompute mo kasi yung monthly payment over 20 to 30 years, parang nakaka-overwhelm talaga.
Mapapaisip ka ng: “Sulit pa ba?” “Parang habang-buhay akong magbabayad.” “O baka hindi ko kayanin.”
Pero eto yung mas importanteng maintindihan 👇
Ang housing loan ay paraan para makuha mo agad yung bahay kahit hindi mo pa hawak yung buong milyon in cash.
In short, tinutulungan ka ng bangko o Pag-IBIG na mabili yung property ngayon, habang hinuhulugan mo siya over time.
At hindi rin ibig sabihin na kapag 30 years ang loan term mo, 30 years ka na agad magbabayad.
Maraming homeowners ang kumukuha ng longer term para:
✔️ mas magaang ang monthly payment
✔️ mas flexible ang budget
✔️ mas may extra cash flow monthly
Then kapag may dumating na: ✨ bonus
✨ sideline income
✨ commissions
✨ incentives
✨ extra savings
Naglalagay sila ng advance payment sa principal balance.
Dahil dito: ✅ napapaiksi yung loan term
✅ nababawasan yung interest
✅ mas nakakatipid sila overall
Kaya bago ka ma-discourage sa total amount ng housing loan…
Isipin mo rin:
Kung walang financing, ilan ba talaga ang kayang bumili ng bahay in straight cash?
Para sa maraming Pilipino, housing loan ang naging daan para magkaroon ng sariling bahay habang unti-unting inaayos ang future nila 🏡
At reality check lang:
Habang tumatagal ang paghihintay, mas tumataas din ang presyo ng bahay at lupa.
Yung kaya mong kunin ngayon, posibleng mas mahal na after a year.
Minsan, hindi interest ang pinakamahal na binabayaran kundi yung opportunity na pinalagpas mo.