Mama Mary

Call Directions

Mama Mary God is love.

🙏❤️🙏
16/09/2026

🙏❤️🙏

Amen
16/09/2026

Amen

Daily Gospel TagalogPaggunita kay San Cornelio, papa, at San Cipriano, obispo, mga martir1 Corinto 12, 31 – 13, 13Salmo ...
16/09/2026

Daily Gospel Tagalog

Paggunita kay San Cornelio, papa, at San Cipriano, obispo, mga martir

1 Corinto 12, 31 – 13, 13
Salmo 32, 2-3. 4-5. 12 at 22

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Lucas 7, 31-35

Memorial of Saints Cornelius, Pope, and Cyprian, Bishop, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 12, 31 – 13, 13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Buong taimtim ninyong nasain ang mga kaloob na lalong dakila. At ngayo’y ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti sa lahat.

Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin.

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan sa pagpapahayag ng salita ng Diyos; ngunit pagdating ng ganap, mawawala ang di ganap.

Noong ako’y bata pa, nagsasalita ako, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwan ko na ang mga asal-bata. Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin ngunit darating ang araw na makikita natin siya nang mukhaan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon; ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng pagkakilala sa akin ng Diyos.

Ang tatlong ito’y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 2-3. 4-5. 12 at 22

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
Mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O P**n, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 31-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro:

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw!
Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!

Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at naglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay: Ang pagkakilanlan sa ating mga Kristiyano ay dahil sa pag-ibig. Ito ang ipinamalas ng Panginoong Diyos nang naparito ang Panginoong Hesukristo na kanyang Anak upang magkaroon tayo ng kaligtasan at bagong buhay na patuloy na ipahayag ang kanyang dakilang pag-ibig. Sa Unang Pagbasa (1 Corinto 12:31—13:13), ito ang isa sa mga pinakapaborito nating mga pahayag mula sa Bibliya sapagkat ito’y tumutukoy sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay matiyaga at may magandang-loob at hindi ito’y naninira o nagpapahamak. Ito yung pag-ibig na ninanais ng Panginoong ipakita natin sa isa’t isa na tayo’y sumikap na maging mabuti sa ibang tao upang sila rin ay maging mabuti. Ang pag-ibig rin ay nagagalak sa katotohanan, at hindi sa kasamaan. Kung mahal natin ang isang tao kahit ang mga makasalanan, gagawin natin ang tama at matuwid upang sumunod din sila sa ganitong landas habambuhay. Kaya ang pag-ibig ay ang pinakamataas sa mga mabuting kahalagahan/virtues. Sabi ng Apostol na mananatili ang Tatlong “Theological virtues” kahit tayo’y lumipas sa mundong ito, at ang pinakadakila sa kanilang lahat ay ang pag-ibig. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 7:31-35), makikita natin ang isang pahayag ng Hesus tungkol sa henerasyon ng kanyang kapanahunan. Ito’y katulad daw ng mga batang nakikisayaw at tumutugtog ng plauta, at sinabi nila sa mga hindi sumasabay sa kanila na parang ayaw nilang makisabay sa takbo ng panahon. At idinugtong ni Hesus ang pagdating ng kanyang pinsan na si San Juan Bautista na parang ang tingin sa kanya ng mga Pariseo at eskriba na demonyo raw dahil nag-aayuno at hindi nag-iinom. Ngayon nabatid nila si Hesus nang makita nila siya’y nakikisalo at nakikikain kasama ang mga makasalanan, at siya’y itinuring na lasenggero at matakaw. Ngunit ang karunungang mula sa Panginoong Diyos ang nagpapatibay sa kanyang misyon at mga gawain. TIla nga bang dalawang magkatunggaling sitwasyon ang ipinakilala ni Hesus sa Ebanghelyo. May mga taong nakikisaya at ang ibang ayaw ay parang tinuturing na mainip na buhay. May mga taong tumitingin sa ibang nakikisalamuha sa mga kapwang tinataguriang “walang kwenta” o “walang silbi” na ang mga ito ay nagsasayang lang daw ng oras at ng mga mapagkunan na yaman. Hindi ba minsan kapag nakikiusap tayo sa mga taong niyuyurakan o kaya tinatawag na salot at binansagang makasalanan, marami ang magkokomento ng mga masasamang hinala laban sa atin? Ito’y natural sapagkat kadalasa’y mataas ang paningin ng tao sa kanyang sariling “karangalan”. Ngunit ang pahiwatig ni Kristo na ang ating misyon ng awa at malasakit ay matuwid ayon sa karunungan ng Diyos. Kung tayo’y sisiraan ng mga matalas na nagmamasdan sa atin dahil lang sa pagtulong natin sa mga nangangailangan ng pisikal at espirituwal na tulong, laging alalahanin natin na ang Diyos ang makakasabi mula sa ating mga konsensiya kung ang mga desisyon natin ay tama o mali. Mahal niya tayong lahat, kaya ang ninanais niya na gumawa tayo ng matuwid at mabuting bagay sa lahat ng aspeto ng buhay. Huwag tayong mawalan ng gana kung sasabihin ng iba na parang tayo’y nag-aaksaya ng oras sa paggawa ng kabutihan sa mga nangangailangan. Patuloy tayo sa pagtupad ng misyong itinkada sa atin ng Panginoon para sa pagpaparangal ng Mabuting Balita tungkol sa kanyang paghahari.

Daily Gospel TagalogPaggunita sa Mahal na Birheng Maria na NagdadalamhatiHebreo 5, 7-9Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16....
14/09/2026

Daily Gospel Tagalog

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

Hebreo 5, 7-9
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20

P**ng D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Juan 19, 25-27
o kaya Lucas 2, 33-35

ng lahat kaya nagdusa
ang ating Manunubos.

Agaw-buhay na namalas
ng Ina ang nililingap
ng mahal n’yang si Hesus.

Ina naming iniibig,
karamay kami sa hapis
sa pagpanaw ni Hesus.

Puso nami’y dumaramay
sa taglay mong kalungkutan
sa aming Manunubos.

*Mahal naming Inang Birhen,
kami ay iyong akaying
damayan ang ‘yong Anak.

Sa sugat ni Hesukristo
gawin mo kaming kasalo
nang may pagsintang wagas.

Habang kami’y nabubuhay
gawin mo kaming karamay
sa tiniis ni Kristo.

Kami ay iyong isama
sa hirap at pagdurusa
kasama sa Kalbaryo.

Mahal na Birheng huwaran,
sa galak at kalungkutan
susunod kami sa’yo.

Sa tiisin at tagumpay,
sa krus at kaligayahan
ng P**ng Hesukristo.

Sa sugat ng Manunubos,
sa pagkapako n’ya sa krus
karamay n’ya kami.

Ang hirap sa sanlibutan
sa langit may kasiyahan
kapag si Kristo’y katabi.

Sa krus ni Hesus kasalo
kaya sa langit panalo
ang karamay n’yang tapat.

Sa pagpanaw sa daigdig
ipisan kami sa langit
upang laging magalak.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Ina ng Diyos,
sa tabi ng krus ni Hesus
ikaw ay martir na lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 2, 33-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PAGNINILAY: Matapos ang Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus (Setyembre 14), ipinagdiriwang natin ngayon ang Paggunita sa Mahal na Birhen na Nagdadalamhati. Ang Kapistahan ay unang itinatag ng Orden ng Servants of Mary noong taong 1238 at pinalaganap sa buong Simbahan ni Papa Pio VIII noong taong 1814. Ang debosyon sa Mahal na Birhen ng mga Hapis ay isang imahen ng Mahal na Ina na nagdadalamhati. Makikita natin na may pitong hapis na ating inaalala sa debosyong ito. Kaya siya’y “pito” sapagkat ang bilang na ito ay sumisimbolo sa pagkaperpekto. Bagamat nagdurusa si Maria sa mga pangyayayring hindi kanais-nais sa kanyang buhay, nakita niya ang ganap na katuparan ng plano ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Kaya nga habang siya’y nakatayo sa paanan ng Krus kasama si San Juan Apostol, ipinagbilin ni Hesus na ituring niya si Juan ang kanyang anak, at ang anak ay ituring niya si Maria bilang kanyang ina. Subalit higit pa sa mga taong malapit sa Panginoon ay ang pagbigay niya sa Mahal na Birhen bilang ating Ina. Si Maria bagamat nagdurusa ay naging matapat sa plano ng Panginoong Diyos nang may pananampalataya, kababang-loob, at pagtalima.

Unang nagpropesiya si Simeon na ang kanyang puso ay tatagusan ng patalim upang ang kaisipan ng maraming tao ay mabunyag. Dito’y makikita ang pagtanggap ng Mahal na Ina sa plano ng Panginoon sa kanyang puso bagamat may mga pagkakataong hindi niya naunawaan ang ilang pangyayari. Nang matagpuan nina Maria at Jose si Hesus sa Templo, hindi nila maunawaan na sinabi niyang kinakailangan niyang manahan sa bahay ng kanyang Ama. Ngunit pinahalagahan ni Maria ang bagay na iyon at pinagnilayan sa kanyang puso. At mismong sa Pasyon nang makita niyang binubuhat ng kanyang Anak ang mabigat na Krus, siya’y lumapit at minasdan siya nang may pagdadalamhati. Sa paanan mismo ng Krus ay diyan inihabilin siya sa atin bilang ating Ina, at tayo’y mga anak niya.

Kaya nga ang paalala sa atin na sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa natin, patuloy na gumagabay sa atin ang Panginoon hindi dahil makakatakas tayo sa mga ganitong problema, kundi upang patatagin pa ang ating pananampalataya sa kanya. At katulad ng ating Mahal na Inang si Maria, nawa’y buksan natin ang ating mga puso sa kalooban ng Diyos Ama at tumalima rito.

Address

Malabon

Telephone

+639178169590

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mama Mary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share