15/07/2026
πππ, ππππππππ ππ πππ πππππ ππ πππππππ ππ ππππππππππππ πππ-πππ ππ ππππππ ππππ πππππππ ππ πππππ πππ-πππ-πππ ππππππππ; ππππππππ ππππππππππ, ππππππππ ππππππππ
Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at ang sangkot na drayber ng isang Toyota Land Cruiser matapos maiugnay sa isang viral hit-and-run incident.
Sa naturang video, makikita ang sangkot na Toyota Land Cruiser na iniuugnay sa hit-and-run incident sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City. Makikita rin sa video na natatakpan ng sticker ng House of Representatives (HOR) ang conduction sticker ng naturang sasakyan.
Dahil dito, agad inatasan ang rehistradong may-ari at ang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa itinakdang pagdinig upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong Tampering of Authorized Motor Vehicle License Plates and/or Third Plate Plate Sticker, Reckless Driving, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod sa iba pang paglabag na maaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigation.
Kasabay nito, isinailalim sa alarm status ang naturang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Isinailalim din sa 90-araw na preventive suspension ang driverβs license ng sangkot na drayber at inatasan siyang isuko ito sa IID.
βWalang sinuman ang higit sa batas. Hindi magiging batayan ang anumang katungkulan, posisyon, o impluwensya upang makaiwas sa pananagutan. Patuloy nating ipatutupad ang batas nang patas at walang kinikilingan para sa kaligtasan ng bawat gumagamit ng lansangan,β pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.
Muling iginiit ng LTO na patuloy nitong paiigtingin ang patas at walang kinikilingang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon upang mapanagot ang mga lumalabag at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga lansangan.