12/06/2026
BULACAN AIRPORT RUNWAY CONSTRUCTION, NASA TAKDANG ISKEDYUL β SMC π£
Ayon kay Ramon S. Ang, Chairman at CEO ng San Miguel Corporation (SMC), nasa tamang iskedyul ang konstruksyon ng unang runway ng New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan.
Sinabi ni Ang na target na makumpleto ang unang runway bago magtapos ang taong 2028, at may posibilidad pa umanong matapos ito nang mas maaga kaysa sa nakatakdang timetable kung magpapatuloy ang maayos na progreso ng proyekto.
Ang NMIA ay isa sa pinakamalalaking infrastructure projects sa bansa at inaasahang makatutulong sa pagde-decongest ng kasalukuyang mga paliparan, lalo na ng Ninoy Aquino International Airport, habang pinapalakas ang kapasidad ng Pilipinas sa international at domestic air travel.
Kapag natapos, inaasahang magiging pangunahing gateway ng bansa ang paliparan at magbibigay ng malaking ambag sa turismo, kalakalan, at paglikha ng trabaho sa Bulacan at mga karatig-lalawigan.