Balangkas News and Current Affairs

Balangkas News and Current Affairs Maghahatid ng Maiinit na Balita at Totoong Isyu ng Bayan. Boses ng Malayang Pamamahayag

22/09/2025
DALUPIRI ELEMENTARY SCHOOL, GAGAWING INTEGRATED SCHOOL SA CALAYANAprubado na ng 12th Sangguniang Panlalawigan ang ordina...
26/08/2025

DALUPIRI ELEMENTARY SCHOOL, GAGAWING INTEGRATED SCHOOL SA CALAYAN

Aprubado na ng 12th Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na nagtatakda sa Dalupiri Elementary School sa isla ng Calayan bilang isang Integrated School.

Sa isinagawang 7th regular session ng SP nitong Martes, Agosto 26, 2025, pinangunahan ni Bise Gobernador Manuel Mamba ang pagtalakay at pag-apruba sa ordinansa matapos mailatag ang mga rekomendasyon mula sa committee hearing.

Ayon kay Board Member Jean Alphonse Ponce, Chairman ng Committee on Education and Culture and Arts, isinusulong din na maging legal na pagmamay-ari ng Department of Education (DepEd) ang lupang kinatatayuan ng paaralan upang masiguro ang operasyon nito.

Layon ng ordinansa na maiwasan ang pagluwas ng mga estudyante sa Claveria para makapagpatuloy ng pag-aaral, na nagdudulot ng dagdag gastos sa mga magulang.

Samantala, inaprubahan din ng SP ang isang resolusyon na nagbibigay awtoridad kay Gobernador Edgar β€œManong Egay” Aglipay na lumagda sa MOA kasama ang Grupo Medico De Dios Hospital Inc. para sa implementasyon ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Program (MAIFIP) sa probinsya.

𝘜𝘭𝘒𝘡 π˜‰π˜’π˜­π˜’π˜―π˜¨π˜¬π˜’π˜΄!

πŸ“Έ: π‚ππˆπŽ

NARTATEZ, BAGONG PINUNO NG PNP!Opisyal nang umupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si PLTGEN Jose ...
26/08/2025

NARTATEZ, BAGONG PINUNO NG PNP!

Opisyal nang umupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr. matapos ang Assumption of Command Ceremony sa Camp Crame kahapon, Agosto 26.

Pinangunahan ang seremonya ni DILG Secretary Jonvic Remulla, alinsunod sa kautusang mula sa Palasyo na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ayon kay Remulla, personal na desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pag-alis kay dating PNP Chief PGEN Nicolas Torre III.

Sa kanyang panunumpa, tiniyak ni Nartatez na palalakasin pa ang serbisyo ng PNP at ibabalik ang tiwala ng taumbayan.

Kabilang sa PMA Tanglaw-Diwa Class of 1992, matagal nang beterano sa serbisyo si Nartatezβ€”nagsilbing NCRPO Regional Director (2023–2024), Deputy Chief for Administration (2024–2025), at huling naging Area Police Commander sa Western Mindanao bago maupong Chief PNP.

𝘜𝘭𝘒𝘡 π˜‰π˜’π˜­π˜’π˜―π˜¨π˜¬π˜’π˜΄ !

PBBM: LGU APPROVAL, KAILANGAN BAGO ITAYO ANG MGA PROYEKTO NG DPWHIpinag-utos ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr...
26/08/2025

PBBM: LGU APPROVAL, KAILANGAN BAGO ITAYO ANG MGA PROYEKTO NG DPWH

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr. ang pagbabalik ng patakaran na nag-oobliga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumuha muna ng pahintulot mula sa mga Local Government Unit (LGU) bago ipatupad ang mga proyektong pang-imprastruktura.

Sa isinagawang inspeksyon ng Pangulo sa rock shed project sa Tuba, Benguet, binigyang-diin niya na maraming proyekto ang nasasayang at hindi tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan dahil sa kakulangan ng konsultasyon sa LGU at mga residente.

β€œKapag natapos na ang project, dati may acceptance ang LGU… pero tinanggal na iyon kaya wala na silang magawa kahit hindi maganda ang pagkagawa. Mabigat ang gagampanan na role ng ating local government,” ani Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo, ang pagbabalik ng Standard Operating Procedure (SOP) na nag-uugnay sa DPWH at LGUs ay makatutulong upang matiyak ang kalidad ng mga proyekto, maiwasan ang iregularidad, at masiguro na kapaki-pakinabang ang paggastos ng pondo ng gobyerno.

Samantala, sinuportahan ng ilang senador at mga alkalde ang direktibang ito. Ayon kay League of Cities of the Philippines (LCP) National President Mayor Francis Zamora, ang pagbabalik ng partisipasyon ng LGU sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto ay mahalagang hakbang upang mabawasan ang mga depektibo at hindi napakikinabangang imprastruktura.

β€œThis policy shift will pave the way for more efficient and effective project implementation, optimal utilization of resources, and ultimately, enhanced public service delivery,” pahayag ni Zamora.

𝘜𝘭𝘒𝘡 π˜‰π˜’π˜­π˜’π˜―π˜¨π˜¬π˜’π˜΄!

LPA SA LOOB NG PAR, MALIIT ANG TSANSANG MAGING BAGYO – PAGASACAGAYAN – Muling nagpaalala ang Philippine Atmospheric, Geo...
26/08/2025

LPA SA LOOB NG PAR, MALIIT ANG TSANSANG MAGING BAGYO – PAGASA

CAGAYAN – Muling nagpaalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko matapos matukoy ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ngunit tiniyak ng ahensiya na mababa lamang ang posibilidad nitong maging ganap na bagyo.

Sa ulat ni Engr. Romeo Ganal ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, dakong madaling araw ng Martes, Agosto 26, 2025, ang naturang LPA ay namataan malapit sa baybayin ng Paracale, Camarines Norte. Ayon sa opisyal, bagama’t hindi ito nakikitang lalakas pa, maaari pa rin itong magdulot ng mga epekto gaya ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Dahil dito, asahan ngayong araw ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan at karatig-probinsya, lalo na sa mga mababang lugar na madaling bahain. Pinayuhan din ng PAGASA ang mga residente na manatiling alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, partikular sa mga lugar na bulubundukin at malapit sa ilog.

Bukod dito, nananatiling aktibo ang habagat o southwest monsoon na patuloy na nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon. Dahil dito, nagdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan na maaaring magtagal hanggang sa susunod na mga araw.

Samantala, wala namang nakataas na Gale Warning sa mga baybayin ng Cagayan kaya’t ligtas pa ring pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat. Gayunpaman, nagbabala si Ganal na dapat pa ring mag-ingat dahil sa banayad hanggang katamtamang pag-alon na posibleng maranasan sa mga karagatang sakop ng hilagang Luzon.

Dagdag pa ng opisyal, inaasahan na pagsapit ng bukas ay mas magiging maaliwalas ang panahon, maliban sa mga lokal na thunderstorm na maaaring umusbong partikular sa hapon at gabi. Ang mga thunderstorm na ito ay kadalasang may kasamang pagkulog, pagkidlat, at biglaang malakas na ulan.

Patuloy na hinihikayat ng PAGASA ang publiko na subaybayan ang mga susunod na weather advisory at maging handa sa anumang pagbabago ng lagay ng panahon.

𝘜𝘭𝘒𝘡 π˜‰π˜’π˜­π˜’π˜―π˜¨π˜¬π˜’π˜΄!!!

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG BANSA πŸ‡΅πŸ‡­Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, inaalala at pinararangalan natin ang kanil...
25/08/2025

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG BANSA πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong Araw ng mga Pambansang Bayani, inaalala at pinararangalan natin ang kanilang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa Inang Bayan. 🌟
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga ginawa upang patuloy tayong magkaisa at magsikap para sa mas maliwanag na kinabukasan ng Pilipinas.

Mabuhay ang ating mga Bayani! βœŠπŸ‡΅πŸ‡­

Exciting Opportunity for Aspiring Leaders! Join the Philippine Army! πŸ‡΅πŸ‡­Are you ready to take the first step toward an ex...
21/08/2025

Exciting Opportunity for Aspiring Leaders! Join the Philippine Army! πŸ‡΅πŸ‡­

Are you ready to take the first step toward an extraordinary career in service to our nation? The Philippine Army invites you to participate in the upcoming Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) for the Officer Candidate Course (OCC) and Candidate Soldier Course (CSC)! This is your chance to become part of something bigger and make a meaningful impact.

When: Oct 18-19 AFPSAT for OCC
20 AQE and SWE

Oct 21 AFPSAT for CSC

Venue: Cagayan State University (Andrew Campus)
Caritan Sur, Tuguegarao City

Qualifications for (OCC) Officer Candidate Course:
1. Baccalaureate Degree Holder
2. Natural-born Filipino citizen
3. Single with no parental obligation
4. At least 5 feet tall (both male & female)
5. Physical & mentally fit
6. At least 21year old but not a day older than 27 years old upon oath-taking
7. No pending case in any court
Qualifications for (CSC) Candidate Soldier Course:
1. K12/Senior High Graduate or 72 Units in College
2. Natural-born Filipino citizen
3. Single with no parental obligation
4. At least 5 feet tall (both male & female)
5. Physical & mentally fit
6. At least 18 year old but not a day older than 26 years old upon oath-taking
7. No pending case in any court

Requirements: ORIGINAL
-Diploma/Certificates
-Transcript of Records (TOR)/ Form 137/138
-PSA-Issued Birth Certificate
-Gov't issued valid ID

πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ "The Filipino is worth dying for."Today, we honor the life, courage, and sacrifice of Benigno "Ninoy" Aquino Jr. who...
21/08/2025

πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨ "The Filipino is worth dying for."
Today, we honor the life, courage, and sacrifice of Benigno "Ninoy" Aquino Jr. whose unwavering fight for democracy continues to inspire generations of Filipinos.

May his legacy remind us to value freedom, uphold justice, and love our nation with the same passion he did. πŸ’›

𝐁𝐀𝐒𝐓𝐀 π‚π€π†π€π˜π€ππŽ, ππ€π–πˆπƒπŽIsang malaking karangalan para sa lalawigan ng Cagayan ang pagkakapasok ng tubong Solana, Cagayan ...
20/08/2025

𝐁𝐀𝐒𝐓𝐀 π‚π€π†π€π˜π€ππŽ, ππ€π–πˆπƒπŽ

Isang malaking karangalan para sa lalawigan ng Cagayan ang pagkakapasok ng tubong Solana, Cagayan na si Laurence Aglay Castillo sa Top 7 ng katatapos lamang na August 2025 Medical Technologist Licensure Exam.

Nakakuha si Castillo ng 91.90% na marka, dahilan upang mapabilang siya sa tatlong nagkamit ng ika-pitong pwesto sa buong bansa.

Si Castillo ay nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Laboratory Science sa Cagayan State University (CSU) – Andrews Campus, na patunay sa kalidad ng edukasyon at galing ng mga Cagayano sa larangan ng medisina at agham.

Isang inspirasyon si Castillo sa kapwa kabataan na nagsusumikap na makamit ang kanilang mga pangarap.

𝘜𝘭𝘒𝘡 π˜‰π˜’π˜­π˜’π˜―π˜¨π˜¬π˜’π˜΄!

Address

Malolos
3513

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balangkas News and Current Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Balangkas News and Current Affairs:

Share