02/08/2026
PWEDE NA ANG ELECTRONIC NOTARIZATION 📄
Maaari nang magpanotaryo ng mga dokumento na nasa PDF o PDF/A format sa pamamagitan ng electronic notarization, ayon sa Supreme Court (SC).
Inilunsad ng SC ang eNotarization para sa pagpapanotaryo ng mga electronic documents. Layon nitong gawing mas accessible at efficient ang legal services sa mga Pilipino.
Sa ilalim ng electronic notarization, haharap ang signatories sa isang electronic notary public. Maaari itong gawin nang personal, sa pamamagitan ng videoconferencing, o kombinasyon ng dalawa.
READ: https://news.tv5.com.ph/breaking/read/how-to-avail-of-supreme-courts-new-e-notarization-service