06/09/2022
MGA DAPAT TANDAAN KUNG GAGAWING SOURCE OF INCOME ANG ISANG CONDOMINIUM UNIT.
Masyado kasing malawak yang investment na term so to be specific, ang center ng topic ko today is para dun sa gusto syang gawing passive income. So simulan na natin ang ating topic!
1. Kumuha ng project na accessible ang area.
- In property investment or kahit saan man yan, Tindahan, Business or establishment, location is key. Kahit gaano kaganda ang product mo, kung hindi sya dinadaanan ng tao, wala din, may success man, sobrang minimal lang. Same goes when investing a condominium, kailangan PRIME talaga ang location nya and when I say prime ang ibig kong sabihin ay etong mga ito:
> MADALING PUNTAHAN,
> MADAMING KALAPIT NA ESTABLISHMENTS
> MADAMING FOOT TRAFFIC.
Madaming condominiums ngayon ang nakaposisyon sa PRIME location so it is up to you to choose kung ang kukunin mo bang condominium ay pasok dun sa hinahanap mong location at target tenants.
2. Alamin ang RENTAL RATES within the vicinity of your condominium investments.
- Since prime location nga ang condominium unit mo, mataas ang chance na hindi lang yun ang condo na nakatayo don sa area at hindi lang yun, madami din dyang mga boarding house for sure. Kaya when securing a condominium unit at plan mo sya paupahan, bago ka mag reserve, isa dapat ito sa dapat na iconsider mo. Magkano ba ang rental rates within the area at paano mo gagawing inviting at competitive yung rate na ibibigay mo?
3. Maximize you space to accommodate more tenants.
- If you do this step, madami kang pwedeng maging tenants and hindi magiging mabigat din sa kanila bayaran yung condo unit na uupahan nila. Eto ang kadalasang set up na nakikita ko sa mga condo sharing. Usually Studio unit ang kinukuha nila then mag lalagay lang ng dalawang double deck, may lutuan, aircon and ref. So if gagamitin natin yung example ko, meron ka na agad 4 tenants non sa unit mo! What if bigger unit ang kunin mo or dalawang magkatabing unit na icocombine mo? It's about maximizing the space na meron ka and also maximizing the potential income na pwede mong makuha.
4. Kailangan at least fully paid ang Downpayment ng Condo Unit mo.
- Eto naman, it can go two ways, pwedeng fully paid yung buong condo unit or fully paid yung downpayment ng unit mo. Advantage of fully paid ang downpayment, yung sisingilin mong rent sa mga tenant mo ang syang mag babayad ng condo unit mo kaya importante dito na pag aralan ang rental rates. So lumalabas, downpayment lang ang binayaran mo at the rest of the balance, tenants na mag babayad.
Advantage of Fully paid ang condo unit mo, Wala ka ng iintindihing payment sa bank and mas mabilis mong makukuha yung return ng kita mo kasi imagine, fully paid mo na ang price nya tapos yung rental fee na ibabayad sayo, diretso na agad sayo.
So ano ba dapat ang unit na kukunin ko kapag ganito ang gagawin ko? If gusto mo ng QUICKER return, kumuha ka ng ready for occupancy unit pero kung patient ka naman at gusto mong pumusisyon sa isang area, pwede ang pre selling unit.
--
Madami ka bang natutunan from my post for today? Share this post para mas marami pa ang matuto at mas marami pa ang matulungan kong condo investors!
For you real estate tips and inquiries, you can message us, we are happy to serve you guys! with 101% after-sales service. 😇🥰
👩🦰Dharlyn Evans
📃PROPERTY SPECIALIST - NSJB
📲 927 851 9289