Property Management Life

Property Management Life Unspoken Truth About Property Management Industry
Behind every smooth operation is a team solving problems you never see.

06/04/2026
Yung utak nauna nang nagbakasyon😅
01/04/2026

Yung utak nauna nang nagbakasyon😅

🫵🫵🫵
25/03/2026

🫵🫵🫵

Sorry na!
23/03/2026

Sorry na!

🐱🚗 Usapang “Animal Lover”… pero sana responsable dinAlam nyo, wala naman talagang problema kung mahilig kayo sa hayop. S...
18/03/2026

🐱🚗 Usapang “Animal Lover”… pero sana responsable din

Alam nyo, wala naman talagang problema kung mahilig kayo sa hayop. Sa totoo lang, saludo ako sa mga taong may malasakit sa mga pusang ligaw. ❤️

Pero may mga pagkakataon kasi na kailangan din nating ilagay sa tamang lugar ang kabutihan.

Napapansin natin, may ilan na nagpapakain ng mga pusa sa parking area. Sa una okay lang… pero habang tumatagal, dumadami sila. Nagiging tambayan na ang parking, at minsan… nagkakaroon na ng gasgas ang mga sasakyan.

Ang mahirap, kapag may nasira o may nagreklamo, biglang:
“Kawawa naman kasi sila…”
"Grabe naman kayo sa hayop"

Oo, kawawa sila.
Pero sana isipin din natin yung kapwa natin na naaabala o napapahamak.

Hindi pwedeng hanggang pakain lang tayo.
Kung talagang animal lover tayo, dapat handa din tayo sa responsibilidad:
👉 Kung kaya, ampunin. Dalhin na sa unit
👉 I-consider ang pagpapakapon para hindi dumami
👉 At siguraduhin na hindi sila nagiging cause ng damage o inconvenience

Sa side naman natin bilang property management, may obligasyon din tayo na panatilihing maayos at safe ang common areas. Ang parking ay para sa sasakyan—hindi para maging feeding area na pwedeng magdulot ng problema sa iba.

At sa totoo lang, kapag may damage na nangyari at may clear na cause, may pananagutan talaga—hindi pwedeng iwasan lang.

Sa dulo, simple lang naman:
Walang problema sa pagiging animal lover… basta hindi ito nagiging perwisyo sa ibang tao.

Balansihin lang natin—awa sa hayop, respeto sa kapwa.🙏

Pusang gala talaga!

Wag ganun madam Keisha!😁
12/03/2026

Wag ganun madam Keisha!😁

💧 Annual Cistern & Overhead Tank Cleaning 💧Isang tanong na madalas namin marinig:“Kailan ba dapat ginagawa ang paglilini...
10/03/2026

💧 Annual Cistern & Overhead Tank Cleaning 💧

Isang tanong na madalas namin marinig:

“Kailan ba dapat ginagawa ang paglilinis ng cistern at overhead tank?
👉 Bago ba mag-Holy Week?
👉 During Holy Week?
👉 O pagkatapos ng Holy Week?”

Sa amin, mas pinipili namin gawin ito bago o pagkatapos ng Holy Week. (Sa amin lang ha,di ko sinasabing tamang gawin ito para sa lahat)

Bakit? Simple lang ang dahilan.

Kapag Holy Week, halos sarado ang mga tindahan at suppliers.
Ang kinakatakot namin ay baka habang naglilinis ay may makita kaming:

🔧 kailangang palitan na valve na okay naman bago ang activity
🔧 sirang float switch- nalambitinan pala habang naglilinis
🔧 leaking pipe na di naman tumutulo nung una
🔧 o ibang parts na biglang bumigay

At kapag nangyari iyon habang sarado ang mga tindahan…
mas lalo lang hahaba ang abala sa water supply ng mga residente.

Kaya mas mainam na gawin ang paglilinis sa panahong may mabibilhan pa ng piyesa at may matatawag pang supplier kung kinakailangan.

Sa property management kasi, natutunan namin na:

👉 Kahit gaano ka ka-prepare, may mga unforeseen events pa rin.
👉 Kaya ang ginagawa namin… inaanticipate na rin namin pati ang mga unforeseen.
Para kahit papaano, forseen na rin sila. 😄

At syempre, saludo kami sa ating mga dakilang maninisid at mangunguskos sa loob ng tangke.
Hindi biro ang trabahong yan.

Kaya habang sila ay naglilinis…
MAGHANDA NG:
🍲 mainit na sabaw
☕ unli kape
🍛 tuloy-tuloy na pakain

para tuloy-tuloy din ang serbisyo para sa lahat.

Tara, ligo na! 💦
Pero wag kalimutan — ang malinis na tubig ay nagsisimula sa malinis na tangke.




“Ang Garbage Chute po ay hindi portal ng buong bahay.”May ilang mga residente talaga na parang naniniwala na kapag ihinu...
09/03/2026

“Ang Garbage Chute po ay hindi portal ng buong bahay.”

May ilang mga residente talaga na parang naniniwala na kapag ihinulog sa garbage chute, magically mawawala na lahat ng basura. 😅

Mga eksenang madalas mangyari:

📦 Malaking kahon — ipipilit sa chute
🍲 Food waste na may sabaw pa — ihuhulog sa chute
🍾 Basag na bote o salamin — ihahagis sa chute
📦 Buong karton — pipilitin hanggang ma-stuck

Ang ending?

🚫 Barado ang garbage chute
🚫 Nagkakalat ang basura sa chute room
🚫 Extra trabaho sa housekeeping at maintenance

Pero higit sa lahat, delikado para sa kanila.

Sila ang magtatanggal ng bara.
Sila ang hahawak ng basurang may basag na salamin, matutulis na lata, at kung anu-anong surprise items.

Isang maling hawak lang — pwede silang masugatan habang ginagawa lang nila ang trabaho nila.

Kaya simpleng paalala lang po:

✔ Huwag maghulog ng malalaking kahon o karton sa garbage chute
✔ Kung malaki ang basura, dalhin diretso sa garbage collection area
✔ Kung hindi kayang buhatin, humingi ng tulong sa admin o housekeeping
✔ Iwasan ang paghahagis ng basag na salamin sa chute

Tandaan natin:

👉 Hindi lahat ng basura ay para sa garbage chute.

Minsan ang tamang pagtatapon ng basura ay hindi lang tungkol sa kalinisan… kundi respeto sa mga taong naglilinis ng kalat ng iba.

Sa condo living, hindi lang convenience ang importante — kundi consideration.

Because behind every clean building…
may housekeeping at maintenance na tahimik na nag-aayos ng mga problemang hindi naman sana problema kung naging maingat lang tayo.

Sa mga kabataan ngayon:We were once children too, but the opportunities and comforts you have today were not always the ...
06/03/2026

Sa mga kabataan ngayon:

We were once children too, but the opportunities and comforts you have today were not always the same during our time. That is not your fault, and you had nothing to do with those differences. But what you can do now is learn to appreciate what you have. Be grateful for the things around you—your family, your education, and the simple blessings you enjoy, because not every child is given the same chance. Gratitude will teach you to value what you have and grow into a better person.

“Practice ng Practice… pero sana may pahinga rin.”Dear Department of Performance Tasks,Baka naman puwedeng bawasan ng ko...
05/03/2026

“Practice ng Practice… pero sana may pahinga rin.”

Dear Department of Performance Tasks,

Baka naman puwedeng bawasan ng konti ang sunod-sunod na performance tasks na sayaw, kanta, role play, at kung anu-ano pang performance. 😅

Napapansin kasi ng maraming magulang, mas madalas na nasa labas ng bahay ang mga bata para mag-practice kaysa nasa bahay para mag-review o magpahinga.

Ang ending:

Pag uwi nila pagod na pagod
Yung assignment hindi na magawa
Yung review para sa exam napupuyat na
At minsan, nasasanay na rin gumala dahil sa dami ng practice sessions.

Hindi naman siguro plano ng paaralan na gawing artista lahat ng estudyante namin. 😄
Hindi naman siguro requirement sa kumpanya ngayon ang:

Dancing Engineer
Singing Accountant
Actor Architect

Yes, mahalaga ang confidence, creativity, at teamwork na natututunan sa performance tasks. Pero sana may tamang balance din sa academics, pahinga, at oras sa bahay kasama ang pamilya.

At higit sa lahat, may safety concern din ang mga magulang.
Kapag madalas nasa labas ang mga bata para magpractice, hindi maiiwasan na:

gabihin sa pag-uwi
mapagod sa kakabiyahe
o mapunta sa mga lugar na hindi na nababantayan ng magulang.

Minsan, hindi dami ng activities ang sukatan ng magandang edukasyon — kundi balanse ng pagkatuto, pahinga, at kaligtasan ng mga bata.

Kaya sa mga kinauukulan,
Tulungan natin ang mga bata na maging magaling sa pag-aaral,
responsableng tao,
at ligtas na kabataan — hindi lang magaling mag-perform.

Para sa mga magulang naman:
Gabayan pa rin natin ang mga anak natin.
Practice is good, pero pahinga, safety, at oras sa pamilya — mas mahalaga.

Because at the end of the day,
ang tunay na performance ng bata ay hindi sa stage… kundi sa buhay. 🎓

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Property Management Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share