27/01/2023
REAL TALK MUNA TAYO👄
1. Realtalk, walang tituladong lupa na mabibili within metro manila or within the city na below 4k or 5k per monthly downpayment o monthly amortization.
2. Kung gusto mo ng mura, try mo maghanap sa Bulacan, Rizal, Pampanga, Cavite, Batangas at Tarlac. Tandaan mas malapit sa city, mas mahal.
3. Kung wala kang pang cash out na malaki o di kaya ang malaking monthly downpayment then consider mo ang pre selling project
4. Milyon po ang halaga ng property, kaya sana kapag hiningan kayo ng requirements ibigay natin agad para ma check kung pasok ang salary sa bahay na gusto mong kunin
5. Ayaw ng pre selling kasi matagal pero ayaw din naman ng RFO kasi mahal. Sa kakahanap mo ng mura taon taon inabot ka na ng 3 years wala ka pa ding nakita. Marami kang time sa paghahanap ng mura pero wala kang tiyaga mag antay sa preselling. Kung yung sinayang mong 3 years sa paghahanap pa rin ng mura ay nireserve mo na sa preselling, malamang naturn over na sana sau ang unit mo! Tapos malalaman mo nalang naunahan ka na pala ni kumare na magkaroon ng sariling bahay at ikaw nganga pa din. Hindi developer ang mag aadjust sayo, kundi ikaw mismo! Taon taon tumataas ang market value at presyo nito. Yes going up, kumuha ka man ngayon o hindi tataas at taas ito.
Ito ay paalala lamang, REAL TALK AT HINDI SALES TALK 😊🫰