02/05/2026
Nagtataka kaba kung bakit di ka pa rin umaasenso? Masipag ka naman, madiskarte at may pangarap ngunit bakit paikot-ikot lang.
Ito ang mga dapat mong seryosohing gawin na ilan sa sikreto para umasenso ka na this year.
1. Unahin ang Diyos bago ang lahat. Siya ang source natin. Kayabangan ang di manalangin at sumamba sa kanya.
2. Forgive unconditionally sa mga taong nakasakit sayo at humingi ka rin ng tawad sa mga taong nasaktan mo.
3. I-affirm mo ang mga gusto mo sa buhay. Ivisualize mo ito as if na nangyayari na ito sa kasalukuyan.
4. Maniwala sa sarili dahil ikaw ang kakampi nito. Hindi ibang tao ang magdadala ng yaman kundi ikaw at ikaw lang.
5. Maging mapagpasalamat. At kung di maganda ang nangyayari ay hanapin mo pa rin ang mga dapat ipagpasalamat. Laging nakakaangat ka sa iba yan ang tandaan mo.
6. Bayaran ang mga pinagkaka-utangan. Magtiis hanggat mabayaran mo silang lahat. Walang lalagpasan. Di ka aasenso kapag may bagahe ka.
7. Tumanggap ng pangaral at saway. Pagmamahal ito at huwag masamain. Buksan ang isipan huwag sarado.
8. Sumama sa mga positibong tao, mga mapagpasalamat, mga grind ng grind, mga mabubuti at mga matataas ang mga pangarap. Sila yung malapit sa Grasya ng Diyos.
9. Magset ka ng goal at hanggat di mo nakukuha ito ay huwag kang hihinto.
10. Mag-share ng blessings, kapag kumita ay maramdaman ka kahit papaano ng mga taong nakapaligid sayo.
-JYRE DOMINIC C. OBLIGACION, REB π«Άπ«°π