Pambansang Real Estate Broker - Jyre Dominic C. Obligacion

Call Directions Website Contact the business

Pambansang Real Estate Broker - Jyre Dominic C. Obligacion Jyre Dominic C. Obligacion is a Licensed Real Estate Broker. He coaches people on how to become successful in life.

He helped many people here in abroad to get their own home that's why he was called Pambansang Real Estate Broker.

Hindi gobyerno, hindi kumpanya, hindi magulang, hindi kapatid, at lalong hindi ibang tao ang magiging dahilan para hindi...
16/11/2026

Hindi gobyerno, hindi kumpanya, hindi magulang, hindi kapatid, at lalong hindi ibang tao ang magiging dahilan para hindi ka umasenso sa buhay.

Tandaan mo, walang ibang may hawak ng kinabukasan mo kundi ikaw.

May kanya-kanya tayong pinagdadaanan, may mga pagkakataong hindi patas ang buhay, at may mga bagay na wala tayong kontrol.

Pero kung paano ka babangon, kikilos, magsisikap, at magdedesisyon ay responsibilidad mo.

Huwag mong isisi sa mundo ang mga bagay na nasa sarili mong mga kamay para baguhin.

Your progress is your responsibility. Your future is your choice.

Mga dapat mong malaman...Alam mo ba na sa tuwing nagbabayad ka ng utang, hindi lang ang pinagkakautangan mo ang pinapabo...
15/11/2026

Mga dapat mong malaman...

Alam mo ba na sa tuwing nagbabayad ka ng utang, hindi lang ang pinagkakautangan mo ang pinapaboran mo kundi higit sa lahat, ang sarili mo?

Dahil bawat utang na nababayaran mo ay isang hakbang palayo sa pagkakagapos sa kahirapan. Unti-unti mong binabawasan ang bigat ng responsibilidad at binubuksan ang oportunidad na magkaroon ng mas maayos na buhay.

Walang masama sa pangungutang sa bangko o sa paghuhulog ng ari-arian. Bahagi iyan ng financial journey ng maraming tao.

Pero tandaan mo: Iba ang utang sa institusyon at iba ang utang sa taong nagtiwala sa iyo.

Kung may taong nagpahiram sa iyo noong panahong ikaw ay nangangailangan, suklian mo ang tiwalang iyon ng katapatan, responsibilidad, at magandang kalooban.

Huwag mong hintaying sumama ang loob niya bago mo maalalang may obligasyon ka.

Hindi kabawasan sa pagkatao ang mangutang. Pero malaking sukatan ng karakter ang marunong tumupad sa pangako at magbayad ng utang.

PAY YOUR DEBTS. PROTECT YOUR INTEGRITY. RESPECT THE PEOPLE WHO HELPED YOU.

Dahil ang tunay na pag-asenso ay hindi lamang nasusukat sa dami ng perang kinikita mo kundi pati sa mga obligasyong kaya mong panindigan at tuparin.

Ang kahirapan ay puwede mong ikabagsak o ikatayo. Depende sa'yo kung paano mo ito dadalhin!
14/11/2026

Ang kahirapan ay puwede mong ikabagsak o ikatayo. Depende sa'yo kung paano mo ito dadalhin!

Ang mga itinuro sa akin ng kahirapan:1. Huwag magsayang ng pagkain dahil may mga panahong hindi mo alam kung saan kukuha...
10/11/2026

Ang mga itinuro sa akin ng kahirapan:

1. Huwag magsayang ng pagkain dahil may mga panahong hindi mo alam kung saan kukuha ng susunod na kakainin.
2. Huwag umasa sa iba. Matutong tumayo sa sarili mong mga paa.
3. Mahirap maging mahirap. Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataong makaahon.
4. Ang pangungutang para pambayad sa utang ay hindi solusyon. Isa lamang itong paulit-ulit na problema.
5. Matutong magtiis, magsakripisyo at maghintay ng tamang panahon.
6. Pahalagahan kung anuman ang mayroon ka, gaano man ito kaliit.
7. Nariyan ang Diyos upang gabayan ka, pero ikaw ang kailangang kumilos at gumawa ng paraan.

Dahil ang kahirapan ay hindi lamang nagturo sa akin kung paano mabuhay. Tinuruan din ako kung paano pahalagahan ang bawat biyaya, magsikap para sa kinabukasan, at huwag kalimutan kung saan ako nagsimula.

"Hindi ko ikinahihiya ang pinanggalingan ko. Dahil ang kahirapang pinagdaanan ko ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako titigil sa pagsisikap na magkaroon ng mas magandang buhay para sa aking pamilya."

Maraming tao ang gustong maging successful. Pero eto ang dapat nating tandaan: Success is not just about what you say yo...
08/11/2026

Maraming tao ang gustong maging successful. Pero eto ang dapat nating tandaan: Success is not just about what you say you want. It's about what you are willing to change, develop, and endure to achieve it.

Maraming bagay ang kailangan mong baguhin sa sarili mo. You need to grow mentally, emotionally, and even spiritually.

Kailangang maging matatag ang iyong isip at puso. Dahil habang hinahabol mo ang tagumpay, hindi mawawala ang pressure, criticism, rejection, disappointment, at mga pagsubok na susubok sa iyong pagkatao.

Kaya naman, hindi lahat ay umaabot sa kanilang pangarap. Marami ang magaling magsimula, pero iilan lamang ang may lakas ng loob na magpatuloy kapag nagsimula nang maging mahirap ang lahat.

Kaya ang payo ko sa mga taong gustong umasenso sa buhay:

Patibayin mo ang iyong sarili. Palawakin mo ang iyong pang-unawa. Maging bukas sa pagkatuto. Matutong tumanggap ng pagkakamali at kritisismo. At higit sa lahat, huwag mong hayaang talunin ka ng pressure.

Dahil ang tunay na success ay hindi lamang nasusukat sa kung gaano ka kataas umabot, kundi sa kung gaano ka katatag habang inaabot mo ito.

Build yourself first, and success will follow.

SOBRANG NAPAKAHALAGA NA MAGKAROON KA NG SARILI MONG PROPERTY.Marami sa ating mga Pilipino ang hindi lubos na nauunawaan ...
04/11/2026

SOBRANG NAPAKAHALAGA NA MAGKAROON KA NG SARILI MONG PROPERTY.

Marami sa ating mga Pilipino ang hindi lubos na nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling bahay, lupa o investment property. Kaya ang ending, tumatanda tayo na halos walang naipundar at walang asset na maipapamana sa susunod na henerasyon.

Paano nangyayari iyon?

Dahil minsan, mali ang ating pinakikinggan. Mas pinaniniwalaan natin ang mga taong takot mangutang kaysa sa mga taong marunong gumamit ng utang para makapag-build ng wealth.

Hindi natin ginagawang priority ang pagkuha ng property. Inuuna natin ang mga bagay na mabilis mawala ang halaga, ang lifestyle na hindi naman nagiging asset, at ang mga luho na nagbibigay lamang ng panandaliang kasiyahan.

At higit sa lahat, takot tayong mag-loan.

Pero tandaan natin: Hindi lahat ng utang ay masama. Ang mahalaga ay alam mo kung bakit ka nangungutang at kung paano mo ito babayaran.

May malaking pagkakaiba ang umutang para sa luho at umutang para magkaroon ng isang asset.

Ang kotse, gadgets at iba pang luho ay maaaring bumaba ang halaga habang tumatagal. Pero ang isang magandang property, kapag tama ang lokasyon, presyo at investment decision, ay maaaring tumaas ang halaga at maging mapagkukunan ng rental income.

Isipin mo ito:

Habang nagbabayad ka ng monthly amortization, unti-unti mong binubuo ang sarili mong equity. Sa halip na habambuhay kang magbayad ng renta nang walang pagmamay-ari sa tinitirhan mo, maaari kang magkaroon ng property na balang araw ay magiging ganap mong pag-aari.

Hindi ibig sabihin nito na kailangan mong bumili nang hindi pinag-iisipan. Kailangan mong pag-aralan ang iyong income, kakayahang magbayad, interest rate, location at long-term commitment.

Ang property ay hindi lamang para sa mayayaman. Para rin ito sa mga taong may pangarap, disiplina at tamang financial planning.

Huwag mong hintaying tumanda ka bago mo maisip na sana pala noon ka pa nagsimulang mag-invest.

Dahil ang pinakamagandang panahon para magsimulang mag-ipon at mag-invest ay noong bata ka pa. Ang pangalawang pinakamagandang panahon ay NGAYON.

Huwag mong hayaang ang takot ang maging dahilan kung bakit wala kang maipundar.

BUILD ASSETS, NOT JUST EXPENSES.

Dahil ang tunay na yaman ay hindi lamang kung magkano ang kinikita mo ngayon, kundi kung ano ang pag-aari mo at kung ano ang maiiwan mo sa pamilya mo sa hinaharap.

Kapag masaya ka ay masaya din ang paligid mo. Kapag malungkot ka ay malungkot din ito.Kaya piliin natin ang maging masay...
31/10/2026

Kapag masaya ka ay masaya din ang paligid mo. Kapag malungkot ka ay malungkot din ito.

Kaya piliin natin ang maging masaya sapagkat maiksi lang ang panahon natin dito sa mundo.

Ang sarap maging masaya!

Kung ayaw mong pagsikapan ang sarili mong magandang kinabukasan, gawin mo na lang para sa mga taong mahal mo.Para sa mag...
30/10/2026

Kung ayaw mong pagsikapan ang sarili mong magandang kinabukasan, gawin mo na lang para sa mga taong mahal mo.

Para sa magulang mo, na gusto mong mabigyan ng magandang buhay.

Para sa mga kapatid mo, na gusto mong matulungan.

Para sa asawa mo, na nangangarap ding magkaroon ng magandang kinabukasan.

At higit sa lahat, para sa mga anak mo, na umaasa sa'yo.

Minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Kailangan din nating kumilos, magsikap at magsakripisyo.

Dahil sigurado akong gusto rin nilang maranasan ang buhay na maayos, komportable at masaya.

Kung hindi mo kayang gawin para sa sarili mo, gawin mo para sa kanila. ❤️

Ikaw lang!
29/10/2026

Ikaw lang!

Every morning is a blessing. 🙏❤️You are already richer than someone who didn’t wake up today.Many people didn’t get anot...
27/10/2026

Every morning is a blessing. 🙏❤️

You are already richer than someone who didn’t wake up today.

Many people didn’t get another chance to see the sunrise, but here you are, given another day to live, surrounded by your loved ones.

Be grateful. Our time here on Earth is short, so cherish every moment, love deeply, and don’t worry too much about things beyond your control.

Life doesn’t have to be perfect for you to be happy.

Take a deep breath, appreciate what you have, and trust that things will work out in time.

You are alive. Your loved ones are here. And today is another gift. ❤️

Address

Manila
1013

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pambansang Real Estate Broker - Jyre Dominic C. Obligacion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pambansang Real Estate Broker - Jyre Dominic C. Obligacion:

Shortcuts

Share

Category