15/05/2026
Sa homiliya ni Father kaninang umaga, binanggit niya ang sinabi ni Sen. Robin Padilla na mahihina raw ang mga kabataan ngayon.
Pero ayon kay Father, nasa pagpapalaki ng mga magulang kung bakit nagiging mahina ang kabataan.
Kapag inalis mo sa mga anak mo ang hirap, sakripisyo, at pagbubuhat ng sarili nilang krus, maaari mo silang mapalaking mahina.
Dagdag pa niya, masyado nang nakatutok sa gadgets ang mga kabataan ngayon, at dahil kulang sa gabay at oras mula sa mga magulang, lalo nitong napapalala ang kahinaan ng kabataan.