12/11/2026
🏡 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔 - 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗬𝗔𝗡!
𝗠𝗔𝗬 𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗟𝗢𝗟𝗔. 𝗣𝗨𝗪𝗘𝗗𝗘 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗣𝗢?
Ang sagot: OO, maaaring ibenta ng mga apo ang kanilang inherited rights, pero hindi automatic na maaari nilang ibenta ang buong property.
Sa Philippine law, may karapatan ang mga legal heirs na magmana ng property ng kanilang namatay na magulang o ascendants. Pero kailangang malaman muna kung sino talaga ang heirs at kung paano hinahati ang kanilang hereditary shares.
𝟭. 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗽𝗼?
Under Article 777 of the Civil Code, ang hereditary rights ay naipapasa sa heirs mula sa oras ng pagkamatay ng decedent. Ibig sabihin, hindi kailangang hintayin na mapalitan muna ang pangalan sa titulo bago magkaroon ng hereditary rights ang mga legal heirs.
Samantala, pinapayagan ng batas ang descendants na kumatawan sa kanilang namatay na magulang sa inheritance ng kanilang lolo o lola.
Halimbawa:
• May tatlong anak ang lolo.
• Namatay ang isa sa mga anak bago namatay ang lolo.
• Ang mga anak ng namatay na anak (mga apo) ay maaaring kumatawan sa kanilang magulang sa inheritance. Ang tawag dito ay right of representation.
Under Article 974, ang paghahati ay per stirpes. Ibig sabihin, ang mga apo ay maghahati-hati sa share na dapat ay mapupunta sa kanilang namatay na magulang. Hindi sila basta-basta magkakaroon ng magkakahiwalay na equal shares sa buong property.
𝟮. 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗹𝗼 𝗼 𝗹𝗼𝗹𝗮?
Iba naman ang sitwasyon kapag buhay pa ang anak noong namatay ang lolo o lola. Under Article 777, naipasa na sa anak ang kanyang hereditary rights noong namatay ang lolo o lola. Kung namatay rin ang anak pagkatapos nito, ang kanyang sariling heirs ang maaaring magmana ng share na iyon. Kaya napakahalaga ng death dates sa pag-compute ng hereditary shares.
𝟯. 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗲𝗻𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿𝘁𝘆 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝗻𝗮𝗶𝗹𝗶𝗹𝗶𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼?
Under Article 1078 of the Civil Code, kung dalawa o higit pa ang heirs, ang estate ay kanilang pag-aari nang magkakasama bago ang partition.
Under Article 493, bawat co-owner ay maaaring magbenta ng kanyang undivided or pro-indiviso share.
Pero tandaan: Ang isang heir ay hindi maaaring basta magbenta ng buong property o mag-angkin ng isang specific portion na hindi pa naman naia-allocate sa kanya nang walang kaukulang authority o consent ng ibang co-owners. Ang maaari niyang ibenta ay ang kanyang sariling undivided share, subject to the final partition.
𝟰. 𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗘𝘅𝘁𝗿𝗮𝗷𝘂𝗱𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗲𝘁𝘁𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝘀𝘁𝗮𝘁𝗲?
Kung walang will, walang debts, at lahat ng heirs ay nasa tamang legal capacity, maaaring gamitin ang Extrajudicial Settlement of Estate under Rule 74, Section 1 of the Rules of Court.
Kung may minor heirs, kailangan ang proper legal representation at authorization where required. Kung hindi magkasundo ang heirs, maaaring kailanganin ang judicial settlement o partition.
𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗡𝗧 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡: Kailan namatay ang anak?
Napakahalaga nito sa sitwasyong ibinigay.
Scenario 1: Naunang namatay ang anak bago ang lolo o lola.
• Maaaring magkaroon ng right of representation ang mga apo.
• They inherit the share their deceased parent would have received.
Scenario 2: Namatay ang anak pagkatapos ng lolo o lola.
• Naipasa na sa anak ang kanyang hereditary rights sa pagkamatay ng lolo o lola.
• Kapag namatay ang anak, ang kanyang sariling heirs naman ang maaaring magmana ng share na iyon.
𝘼𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙞𝙗𝙚𝙣𝙩𝙖?
✔️Kunin ang latest certified true copy ng title.
✔️Kunin ang death certificates ng lolo, lola, at mga anak na namatay.
✔️Tukuyin ang lahat ng legal heirs.
✔️Alamin kung may will, surviving spouse, debts, o ibang claims.
✔️Asikasuhin ang estate settlement at applicable taxes.
✔️I-register ang settlement at sale documents sa Registry of Deeds.
HUWAG MAGMADALING MAGBENTA NG MINANANG LUPA KUNG HINDI PA MALINAW KUNG SINO ANG MGA LEGAL HEIRS. Dapat munang ma-establish ang iyong legal hereditary share.
DISCLAIMER: This post is for general information only and does not constitute legal advice. For specific legal concerns or interpretation of laws, please consult a licensed lawyer. HousePinoy provides real estate documentation assistance, not legal services.