13/06/2021
View from our new investment! Finally!!! Turn over na today. Update namin soon kung kailan pwede ng i-rent. Thank you po, Lord! ❤
Kapag may kinikita ako sa mga negosyo ko, nirere-invest ko para mas mapalago ko pa. Kagaya ng condo na 'to, nabili ko sya preselling pa lang kaya nakaya ko yung monthly payment. Di nga lang alam ng asawa ko na bumili ako nung una, nahuli na lang ako nung nag email sa kanya yung developer ng Congratulations for buying a new condo! Nalagay ko kase sa form yung email add ng asawa ko. Malay ko ba na i-email din sya! Hahaha! Sabi na lang ng asawa ko, may nag email sa akin, bumili raw ako ng condo, di naman. Sabay tingin sa akin, di ka naman bumili ng condo no? Napangiting huli na lang ako, haha! Pinagalitan talaga ako ng asawa ko kase baka di ko raw mabayaran at masayang pera ko. Fast forward, ayan ngayon, siya nag aasikaso ng condo, at gusto nyang bilhin sa akin ang condo dahil ang ganda ng location, very accessible sa lahat. Tabi pa ng mga malls, as in lalakarain lang.
Yes, pera ko po ginamit sa pagbabayad ng condo. Kaya palagi kong hinihikayat ang lahat ng mga kababaihan na mas maganda na may mga sarili tayong pera, may sarili bank account, sariling ipon. Wag nyong sabihin na madali lang kase sayo Neri kase may pera ka. Nagsimula lang po ako sa 3k na puhunan sa pagtutuyo. Tara, sumali ka sa Team Wais Worldwide, tuturuan kita kung paano magkaroon ng sariling pera. Kayang kaya mo yan! Ang dami na nga sa Team Wais na nakakapag invest ng mga properties! Kaya wag mawalan ng pag-asa, tara na!