KKFI-Christian Health and Wellness Cooperative

KKFI-Christian Health and Wellness Cooperative The KKFI-Christian Health and Wellness Cooperative is composed of TESDA-accredited massage therapists with a mission to provide therapy to people in need.

16/08/2018

Ang Sarap ng Magturo sa mga Bata
Ni Ruffame Todoc

Marami ang nagsasabi na kursong edukasyon ang kunin ko sa kolehiyo dahil bagay umano sa akin ang magturo.
“Ayoko!” ang parati kong tugon. “Mahirap ‘yun” Alam kong hindi biro ang magturo lalo na sa nursery. Ngunit tila ba tinutulak ako ng sarili kong tadhana palapit sa pagtuturo.

Dumating ang buwan ng Abril, panahon ng “LikhAral,” ang bersyon ng “vacation church school” ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI). Gaganap na naman ako bilang isa sa mga “main teacher” ng “nursery class.”

Naobliga akong magturo sa mga batang may edad mula apat hanggang anim na taong gulang. Sobrang hirap bantayan at turuan ang mga may edad na ganito. Mahaba-habang pasensiya ang kailangan.

Totoong sobrang hirap pero sobrang sarap sa pakiramdam din pala! Ayos lang mapuyat sa kagagawa ng mga leksyon at iba pang gagamitin sa pagtuturo mapasaya lang ang mga tinuturuan.

Nakakalibang palang magturo kaya’t hindi ko namalayang napalapit na ako nang husto sa mga bata. Kahit mahirap gumising sa umaga dahil sa pagod, sakit ng ulo at kulang pa sa tulog, ngunit kapag naisip ko ang mga bata na naghihintay sa akin ay nakakaramdam ako ng kakaibang lakas at motibasyon upang buma-ngon.

Sig**o nga ay nagiging inspirasyon sa akin ang mga bata. Maisip ko lang ang mga ngiting isinasalubong nila sa akin at ang pag-uunahan nilang mahawakan ang aking mga kamay ay sapat na upang tiisin ko ang malamig na buhos ng tubig sa umaga sa paliligo upang makarating agad sa lugar kung nasaan sila.

Akala ko noong una ay mahihirapan kaming mga magtuturo dahil dalawa lamang ang tutoong teacher na kasama namin. Subalit madali naming natutunang tumayo sa sari-ling paa at gumawa ng paraan upang makuha ang loob ng mga bata.
Napagtanto ko rin na kaya ko rin palang maging g**o, na kaya ko ring magturo. Higit sa lahat, natuklasan kong masaya ako kasama ng mga bata.

Marami nang nagtulak sa akin na maging g**o, ngunit dedma lamang ako. Pero may isang tao ang nagpaantig sa aking kalooban, si Eddrose, 6, na isa sa mga estudyante ko sa LikhAral. Heto ang aming pag-uusap noong “graduation day” ng LikhAral:

Eddrose: “Ate Fame, bukas ba ay magtuturo pa rin kayo?”

Ako: “Hindi na. Sa susunod na taon ulit. Kaya dapat ay lagi kang good girl, ha?”

Eddrose: “Sana ikaw na lang ang teacher ko sa school.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Nahalata kong malungkot siya kaya niyakap ko siya. Pagkatapos ng seremonya ay isa-isang lumapit sa akin ang iba kong estudyante. Nagtatanong sila kung kailan ako babalik. Gusto ko sanang sabihin na bukas na bukas rin ay babalik ako upang turuan sila. Pero alam kong hindi tutoo ‘yun kaya’t sinabi ko sa kanila ang tutoo.

Dahil sa LikhAral, naramdaman ko ang sarap magturo sa mga bata. Hindi ako mahihiyang isang araw ay sasabihin ko sa aking mga kaibigan na: “Binabawi ko na ang sinabi ko noon. Gusto ko palang magturo.”

31/07/2018

The Gilead Center of the Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. is available for retreats, camps and meetings. It is located at #74 Barangay Tibag, Pulilan, Bulacan.

Please contact Rowena "Weng" Gaffud, Gilead Administrator for inquiries and reservations at 09174658725.

27/06/2018

Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) in partnership with Techvoc Skills Inc. (TSI) offer the following courses with free materials and no tuition fee.

Tile setting NCII - 11 days
Plumbing NCII - 26 days
Hilot Wellness NCII - 15 days

Requirements:
- High school graduate
- Form 137
Age 18-35 years old (Hilot Wellness)
Age 20-55 year old (Plumbing & Tile Setting)

ENROLL NOW!!!

Para sa mga gustong magpahilot, ito na po ang menu para sa Spa Ritual and Tea! (I-like at i-share para malaman ng mga ka...
11/07/2017

Para sa mga gustong magpahilot, ito na po ang menu para sa Spa Ritual and Tea! (I-like at i-share para malaman ng mga kaibigan ang mga serbisyo ng massage center)

every household must know this.
15/05/2016

every household must know this.

15/11/2015

Nakakatuwa naman itong page na ito. Please pakibahagi pag may nag post ng isang programa halimbawa na interesado kayo.

09/11/2015

Address

937 P. Paredes Street , Sampaloc
Manila
1008

Telephone

+639277380074

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KKFI-Christian Health and Wellness Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share