22/07/2026
𝐇𝐔𝐋𝐘𝐎 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐄𝐍𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍
Sa araw na ito, buong kagalakan nating ipinagdiriwang ang 𝑫𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒑𝒊𝒔𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒊 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂 𝑴𝒂𝒈𝒅𝒂𝒍𝒆𝒏𝒂, ang tapat na alagad ni Hesus at unang saksi sa Kanyang maluwalhating Muling Pagkabuhay.
Nawa'y maging inspirasyon sa ating lahat ang kanyang matatag na pananampalataya, taos-pusong pagsisisi, at walang sawang pagmamahal sa Panginoon. Tulad ni Santa Maria Magdalena, nawa'y patuloy nating hanapin si Kristo sa ating buhay at buong tapang na ipahayag ang Kanyang Mabuting Balita.
Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami!