01/08/2026
https://www.facebook.com/share/p/1QE7J5LBcD/
๐ ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐ผ ๐ฆ๐ฒ๐น๐น ๐๐. ๐๐ฒ๐ฒ๐ฑ ๐ผ๐ณ ๐๐ฏ๐๐ผ๐น๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฒ
Marami pa rin sa atin ang pumipirma lang ng papeles nang hindi naiintindihan kung ano talaga ang laman. Madalas sa real estate, ang mga buyers nagbabayad ng buwanang hulog sa loob ng ilang taon, at inaakala nilang legal owner na sila ng property. Pero nagugulat na lang sila kapag nagkaroon na ng dispute.
โก ๐๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ก๐ฎ ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ
Kapag bumili ka ng lupa, bahay, o condo via installment terms, karaniwang makakatanggap ka ng document na may pamagat na "Contract to Sell." Maraming tao ang nag-aakala na ito na ang final transfer ng ownership. Nagbigay ka na kasi ng downpayment, nakuha mo na ang susi, at doon ka na nakatira. Pero legally, ang Contract to Sell ay hindi pa naglilipat ng ownership sa 'yo.
๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ก๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐-๐๐ผ-๐ฆ๐ฒ๐น๐น ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ฟ
Sa Contract to Sell, ang seller ay inaangkin pa rin ang ownership ng property. Ang transfer ng title ay nakadepende pa sa isang condition โ kadalasan ay ang pagbabayad ng kabuuhan ng purchase price. Isipin mo ito bilang isang legal na pangako: "Kapag natapos mo ang lahat ng payments mo, tsaka ko lang itatransfer ang ownership sa 'yo."
Kapag hindi ka nakapagbayad, hindi na kailangan ng seller ng buong ๐๐ช๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ค๐ง๐๐๐ก๐ค๐จ๐ช๐ง๐ proceeding para mabawi ang property, hindi gaya ng mortgage arrangement. Pero subject pa rin sa mga consumer protection laws tulad ng Maceda Law.
๐ ๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐: ๐๐ฒ๐ฒ๐ฑ ๐ข๐ณ ๐๐ฏ๐๐ผ๐น๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฒ
Kailan ka nga ba talaga magiging legal owner? Kapag na-execute na ang Deed of Absolute Sale.
Ang document na ito ay unconditional. Pipirmahan lang ito kapag paid in full na ang purchase price (o nabayaran via lump sum). Kapag napirmahan at nanotaryohan na, automatic nang lilipat ang ownership sa buyer. Ito ang eksaktong document na kailangan ng Registry of Deeds at Bureau of Internal Revenue para makapag-issue ng bagong Transfer Certificate of Title (TCT) o Condominium Certificate of Title (CCT) sa pangalan mo.
Sa madaling salita: Ang Contract to Sell ay kasunduan na magbebenta pa lang sa hinaharap kapag kumpleto na ang bayad, habang ang Deed of Absolute Sale ay ang mismong actual transfer na ng title.
๐ ๐ฆ๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐/๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ๐:
* Article 1458 and Article 1479, Civil Code (Republic Act No. 386)
* Republic Act No. 6552 (Realty Installment Buyer Protection Act / Maceda Law)
* Salazar v. Court of Appeals, G.R. No. 118203 (1996)
* Estipona v. Estate of Aquino, G.R. No. 207407 (2021)
๐ Follow Phil. Property Expert for more discussions like this.
Also join the Messenger channel to get notified of new posts: https://www.messenger.com/channel/PhilPropertyExpert