18/06/2019
Paano magkaroon ng sariling bahay?
1. Kailangan muna natin malaman kung ano at magkano ang source of income para malaman nyo agad kung kayo ay pwedeng ma-approve sa isang financing institution.
Kung ang income ay minimum wage na 12,000 monthly, maaari kayong makapag-loan worth 450,000 na bahay o halagang 3,000-4,000 monthly amortization. Kung 20,000 ang income ang pwedeng monthly amortization ay 5,000-6,000.
Basta po 30% ng Total Income nyo ang pwede nyong maging monthly amortization. Usually ang term ay maximum na 25-30 years. Kung gustong mas maiksi like 5-10 years, tataas din ang monthly amortization pero kung hindi pasok ung income hindi rin ma-aapprove ung housing loan. Basta ang i-aapprove nila ay kung saan nag-match ung income nyo for the amortization.
Kung employed ka need mo lang ipakita ang payslip, certificate of employment. Kung nag-bi business ung Income Tax Return o ITR. Kung OFWs or seaman ung job contract at certificate of employment.
Kung wala sa ano mang nabanggit, para sa mga kababayan natin nag-sa-sideline or online job na walang binabayarang tax, maaari kayo makapag-avail Cash payment o Deferred Cash. Example 500,000/24 months = 20,833.33
2. Kailangan natin malaman kung anong financing institution ang gagamitin para makapag-housing loan. Para sa murang pabahay na may mababang monthly ito ay posible para sa mga Pag-IBIG members dahil ang maximum years to pay ay 30 years. Kung hindi Pag-IBIG member pwede kayo mag pa member sa pagibig, magbayad lang ng lumpsum payment 24 months contribution. O kaya pwedeng makapag-loan thru bank o in-house financing. Hindi lahat ng developer ay may bank financing at in house financing. Kapag ang presyo na bahay ay 700,000 pababa strictly required na maka-avail ay mga Pag-IBIG member. Kapag ang presyo ng bahay ay lagpas 1 Million pataas thru bank financing ang mas advisable.
3. Kailangan nating malaman kung ano ang marital status at citizenship. Kapag foreigner wala pong karapatan sila na makabili o mag-ari ng bahay at lupa, unless may asawa silang Pilipino. Para sa mga complicated status at foreigner ang suggested namin na financing ay thru in house financing, dahil mahigpit ang bank at Pag-IBIG sa mga ganitong status.
4. Ano nga ba ang RENT-TO-OWN? Ito po ay FOR SALE at may financing pa rin po. Bank, Pagibig or Inhouse. Hindi po magrerent lang at pag tumagal sa buyer na po ang bahay. Kaya lang po tinawag na rent-to-own ay dahil para lang kayo naupa dahil babayaran nyo ng ilang taon at pag tumagal sa buyer na po ang bahay.
5. Ano ang LIPAT AGAD? Basta mabayaran ang required na cashout/equity/downpayment pwede nyo na lipatan ang bahay after 2-6 months.
6. Ano ang PRESELLING? Ang preselling ay pagbebenta ng bahay na may licensed to sell na kahit hindi pa tapos or under construction pa ung subdivision. Usually ang turnover ng preselling ay 1-3 years depende sa developer. Ang mga projects selling na low cost housing ay usually nasa PRESELLING STAGE.
For assistance in acquiring your house:
Pls contact: Lito Red Bolaños
Branch Manager
Invest & Own Realty Corporation
Globe: +639165962515
Smart : +639198909188