Sentro ng Wika at Kultura - Mindanao State University, Marawi City

Sentro ng Wika at Kultura - Mindanao State University, Marawi City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sentro ng Wika at Kultura - Mindanao State University, Marawi City, Real Estate, 3rd Street , Mindanao State University, Marawi City.

Mga Tertulya ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), 2023-2026: Isang Paglalakbay ng Ugnayan, Kaalaman, at PaglilingkodTERTU...
28/07/2026

Mga Tertulya ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), 2023-2026: Isang Paglalakbay ng Ugnayan, Kaalaman, at Paglilingkod

TERTULYANG PAMPANITIKAN 2026
Tema: Panitikan Bilang Daluyan ng Katwiran sa Panahon ng Krisis Pangkalikasan
Abril 30, 2026, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Prof. Jahara Solaiman - English Department
Paksa: Ang Pagsulat Bilang Tugon sa Krisis Pangkalikasan
Dir. Asmarie Labao - Provincial Director, BARMM-MENRE, Lanao del Sur
Paksa: Pagpupursige ng MENRE sa Pagtanggol ng Likas-Yaman ng Lanao del Sur sa Panahon ng Krisis Pangkalikasan

TERTULYANG PANGWIKA 2025
Tema: Pananaliksik: Mga Teknik, Hamon, at Oportunidad
Agosto 28, 2025, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Prof. Alican Pandapatan - Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Paksa: Etikal na Prinsipyo sa Fieldwork ng Wika at Kultura
Prof. Zinab Barataman - Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Paksa: Linggwistikong Pananaliksik sa mga Wika ng Mindanao

SPOKEN WORD POETRY 2025
Tema: Kwentula ng Buhay at Paglalakbay
Abril 29, 2025, Venue: MSU CSSH Engler, Marawi City
Nagtampok ng 16 na performers.
Ang programa ay pinondohan ng MSU-MSIRC.

TERTULYANG PAMPANITIKAN 2025
Tema: Workshop sa Malikhaing Pagsulat
Abril 29, 2025, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Prof. Angelito G. Flores Jr. - Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Paksa: Paglikha ng Dayalogo at Tauhan
Prof. Diandra Ditma Macarambon - English Department
Paksa: The Mindanawon Voice: Importance of Writing Our Own Stories

TERTULYANG PANGWIKA 2024
Tema: Basá a Meranaw: Kaagapay ng Wikang Filipino para sa Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, at Pagkakaisa
Agosto 29, 2024, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Dr. Aslainee T. Macatanong - Chairperson, Communication Studies Department
Paksa: Basá a Meranaw: Salamin ng Katatagan sa Panahon ng Krisis
Dr. Bai Salam Ibrahim-Bacarat - CEO, Meranaw Hijab; Faculty, English Department
Paksa: Meranaw Hijab: Rinayong ko Kaphagumareg o Pagigimo a Meranaw
Dr. Aliah Pacalna Cali-Pascan
Paksa: Panaguntaman o manga Bae ko Kalilintad

TERTULYANG PAMPANITIKAN 2024
Tema: PinTula: Guhit Mo, Tula Ko para sa Kapayapaan
Abril 29, 2024, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Prof. Rocaira R. Gumal - English Department
Paksa: Bayok: Isa a Lalan o Kapakamaoayan o Gilikapakazisinabota agu Kalilintad sa Inged a Ranaw
Engr. Jalicarezza Rania Jamail - Visual Artist, DPWH Cotabato 3rd District Engineering Office
Paksa: Pagpipinta: Suwara o Pephaginged ko Kalilintad
Dir. Mohammad-Ali T. Hadji Usman - Director, Sining Pananadem
Paksa: Tulang Meranaw Patungong Awit: Okit a Kathagumpiya agu Kalilintad

TERTULYANG PANGWIKA 2023
Tema: Wika at Kulturang Meranaw: Babed ko Kalilintad agu Kathagumpiya o Inged a Ranaw
Agosto 22, 2023, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Dr. Linang Cabugatan - Director, Agakhan Museum
Paksa: Kambilangataw: Imbabed ko Kalilintad o Kathagompiya
Dr. Sorhaila Latip-Yusoph - Director, Meranaw Cultural Heritage Center
Paksa: Bitiyara Kalilintad: Okit a Kapakaozor o Kamapiyaan sa Inged a Ranaw
Baealabi Shora Sabdulla - Station Manager, DXSO Radyo Pilipinas
Paksa: Mashuara ko Kalilintad, Lalan ko Kathagompiya

TERTULYANG PAMPANITIKAN 2023
Tema: Pagbubuo, Pagtatatag, at Pagpepreserba ng Wika, Kultura, at Panitikang Meranaw
Abril 27, 2023, Venue: Meranaw Cultural Heritage Center (MCHC)
Mga Tagapagsalita
Dr. Johara Alangca-Azis - English Department
Paksa: Pagsulat ng mga Tula Bilang Pagpapahalaga sa Wikang Meranaw
Dr. Tirmizy E. Abdullah - History Department
Paksa: Pagpepreserba ng Kulturang Meranaw: Isa a Kapelayalayag
Dr. Sorhaila Latip-Yusoph - Director, Meranaw Cultural Heritage Center
Paksa: Pag-aaral sa Wika Gamit ang Corpus Approach

At abangan ang TERTULYANG PANGWIKA 2026 na magaganap sa Agosto 27, 2026 na may temang “Wikang Filipino at AI: Magkasangkap sa Mapanuring Pananaliksik at Makabuluhang Kaalaman”.
Mga Tagapagsalita
Prof. Noronsalam Bandrang, Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Paksa: Wikang Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik: Karanasan, Hamon, at Mabubuting Gawi sa mga Pamantasan sa Pilipinas
G. Muhammad Mubin M. Macadadaya, College of Information and Computing Sciences,
Paksa: Artificial Intelligence Bilang Kasangkapan sa Mapanuring Pananaliksik: Mga Oportunidad, Hamon, at Etikal na Paggamit

Sa mahigit tatlong taon, hindi lamang nakapagsagawa ng mga seminar ang SWK. Sa pamamagitan ng mga Tertulya at iba pang programa, nakabuo ito ng mga bagong ugnayan, napalawak ang network, at nailapit ang Sentro ng Wika at Kultura sa iba't ibang disiplina at institusyon. Mula sa panitikan, sining, inhinyeriya, museo, media, pangangalaga sa kalikasan, information technology, hanggang sa pananaliksik sa wika, ipinakita ng opisina na ang wikang Filipino ay hindi nakakulong sa silid-aralan. Ito ay nagsisilbing tulay upang makabuo ng makabuluhang partnership na nagpapalakas sa akademya, pananaliksik, at paglilingkod sa pamayanan.
Nakapagsagawa rin ng Spoken Word Poetry na pinondohan ng MSU-MSIRC sa pamumuno ni Dr. Mahid Mangontarum. Ang naturang proyekto ay kinagiliwan ng marami at nagbukas ng mas malawak na espasyo para sa malikhaing pagpapahayag ng mga mag-aaral.
Bukod dito, naisulong din ng SWK, sa pangunguna ni Dr. Almayrah Tiburon, ang pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino upang kilalanin ang isinagawang estandardisasyon ng Ortograpiyang Meranaw ng komiteng pinamunuan ni Dr. Johara Alangca-Azis. Sa pagbisita ng KWF sa MSU-Marawi, pormal na naihandog ang Kapasiyahan para sa Pagpapatibay ng Ortograpiyang Meranaw (Sinanadan ko Kazorat sa Basá Meranaw) - isang mahalagang hakbang sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng wikang Meranaw.
Sa lahat ng mga naging katuwang, tagapagsalita, institusyon, ahensiya, at indibidwal na walang sawang sumuporta sa mga programa ng Sentro ng Wika at Kultura, taos-puso pong pasasalamat. Ang bawat Tertulya ay naging matagumpay hindi lamang dahil sa mga tagapagsalita, kundi dahil sa sama-samang paniniwala na ang wika at kultura ay nananatiling mahalagang sandigan ng ating pagkakakilanlan at pag-unlad.
Patuloy na magsisilbing bukas na espasyo ang SWK para sa kolaborasyon, pagkatuto, at pagbabahagi ng kaalaman. Patuloy itong makikipag-ugnayan sa mga iskolar, mananaliksik, artista, g**o, eksperto, at iba pang katuwang mula sa iba't ibang larangan upang maihatid sa pamayanan ang mga makabuluhan, napapanahon, at de-kalidad na talakayang magpapalawak sa ating pag-unawa sa wika, panitikan, kultura, at iba pang usaping mahalaga sa lipunan.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Nawa'y sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng wika, panitikan, at kulturang Pilipino at Meranaw para sa susunod pang mga salinlahi.

Buwan ng Wikang Pambansa 2026Tema: Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon
10/07/2026

Buwan ng Wikang Pambansa 2026
Tema: Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon

Karangalang magbigay ng lektura sa paksang "MGA BINHI NG KUWENTO: Ang Kapangyarihan ng Masining na Pagkukuwento sa Paghu...
18/06/2026

Karangalang magbigay ng lektura sa paksang "MGA BINHI NG KUWENTO: Ang Kapangyarihan ng Masining na Pagkukuwento sa Paghubog ng Mambabasa" na naganap sa Mauyag Papandayan National High School, Hunyo 16, 2026. Bahagi ito sa extension project ng Departamento ng Filipino At Iba Pang Wika na "Endao Ekstensyon: Lektura sa Digital na Pedagohiya para sa Makabagong Pagtuturo sa Wika at Panitikan", Hunyo 14-16, 2026. Pagpapasalamat sa team para sa proyektong ito sa pangunguna ni Prof. Alican Pandapatan, sa dekana na si Dr. Monaimah Manabilang, sa bise alkalde at alkalde ng Bayang, sa mga prinsipal ng Mauyag Papandayan National High School, Bayang National High School, at Datu Mohammad Ali Cahar Memorial National High School, at sa lahat ng faculty and staff sa nasabing mga paaralan.
Walang lugar na masyadong malayo para sa edukasyon, at walang komunidad na masyadong liblib para marating ng wika, panitikan, at kultura. Para sa Sentro ng Wika at Kultura - Mindanao State University, Marawi City, kapag misyon ang edukasyon, hindi hadlang ang layo. Sa bawat paaralang nararating, may mga binhi ng kuwentong muling naipapalaganap, at sa bawat paglalakbay, napapatunayan na ang tunay na serbisyo ay nasusukat hindi sa layo ng biyahe kundi sa mga buhay na naaabot at nabibigyang-inspirasyon.
Sa pamamagitan ng SWK, nakapagbahagi na rin tayo ng mga lektura sa iba't ibang komunidad at institusyon: sa Graduate Studies ng MSU-CSSH tungkol sa "Opportunies in National and International Linkages", naipresenta rin ang disertasyong "Balakhasan: Imahe ng Babaeng Meranaw sa Panahon ng Krisis", at "Research Publication: Finding One's Niche for Various Research Opportunies"; sa MSU Senior High School tungkol sa “Understanding Writer's Block: Causes, Challenges, and Mindset Shift”; sa Graduate Studies ng Departamento ng Filipino tungkol sa “Paglalathala bilang Pamana: Pananaliksik at ang Patuloy na Pagpapakahulugan sa Panitikang Pilipino”, at sa kanilang unang Endao, at sa iba pang programa ng departamento; sa Cotabato tungkol sa “Panulat ng Babaeng Moro bilang Pagtatampok at Pagbubuo” bilang bahagi ng programa ng Bangsamoro Library Archives; sa DFIW ng MSU-IIT sa kanilang "Pagpapatag sa Araling Mindanaw: Ang Pananaliksik sa Wika, Kultura, at Panitikan ng Pilipinas; sa Bacolod-Kalawi Youth Development Council tungkol sa "Because I Am a Woman, I Can!" sa kanilang 'Daughter of Hawa Islamic Feminism Seminar'; sa Marawi Capitol tungkol sa Spoken Word Poetry bilang bahagi ng programa ni Hon. Jeff Adiong; sa 5th Annual National Conference ng LangKIT ng MSU - Main; nakapag-extension services sa Malabang, sa 88th National Book Week Celebration ng MSU - Main Library, at marami pang iba. Hindi napapagod ang SWK na maghatid ng kaalaman saanman ito kinakailangan, sapagkat naniniwala kaming ang wika, panitikan, at kultura ay dapat umaabot hindi lamang sa mga sentro, kundi maging sa mga pamayanang higit na nangangailangan nito.


07/05/2026

Kapag patuloy na pinapaliit ang espasyo ng Filipino, Panitikan, at Humanidades, hindi lang mga asignatura ang nawawala kundi unti-unti ring numinipis ang kaluluwa ng bayan. Ang edukasyong walang kamalayang pangkultura ay maaaring lumikha ng manggagawa, ngunit hindi ganap na mamamayan.

Matagumpay na naisakatuparan ang Tertulyang Pampanitikan na naglatag sa panitikan bilang daluyan ng katwiran sa gitna ng...
06/05/2026

Matagumpay na naisakatuparan ang Tertulyang Pampanitikan na naglatag sa panitikan bilang daluyan ng katwiran sa gitna ng krisis pangkalikasan. Hindi lamang ito pagtitipon kundi pagkakaisa sa kamalayan, sapagkat ang panitikan ay hindi lamang diskurso; ito’y pagmulat, pagninilay, at pagtindig.
Taos-pusong pasasalamat sa CSSH Dean, Dr. Monaimah Manabilang; Assistant Dean, Dr. Hammim Casan; Direktor ng MCHC, Dir. Ayesha Merdeca Alonto; sa mga tagapagsalita - Dir. Asmarie Labao at Prof. Jahara Solaiman na naging tinig ng panitikan at aktuwal na pakikibaka; sa Departamento ng Filipino sa pangunguna ni Dr. Anida Mustapha; sa komite sa kanilang walang sawang paglalaan ng panahon at trabaho; sa Ranao Photogenics Studio; at sa lahat ng mag-aaral at panauhin. Hanggang sa muli.

Matagumpay na naisakatuparan ang Tertulyang Pampanitikan na naglatag sa panitikan bilang daluyan ng katwiran sa gitna ng...
30/04/2026

Matagumpay na naisakatuparan ang Tertulyang Pampanitikan na naglatag sa panitikan bilang daluyan ng katwiran sa gitna ng krisis pangkalikasan. Hindi lamang ito pagtitipon kundi pagkakaisa sa kamalayan, sapagkat ang panitikan ay hindi lamang diskurso; ito’y pagmulat, pagninilay, at pagtindig.

Taos-pusong pasasalamat sa CSSH Dean, Dr. Monaimah Manabilang; Assistant Dean, Dr. Hammim Casan; Direktor ng MCHC, Dir. Ayesha Merdeca Alonto; sa mga tagapagsalita - Dir. Asmarie Labao at Prof. Jahara Solaiman na naging tinig ng panitikan at aktuwal na pakikibaka; sa Departamento ng Filipino sa pangunguna ni Dr. Anida Mustapha; sa komite sa kanilang walang sawang paglalaan ng panahon at trabaho; sa Ranao Photogenics Studio; at sa lahat ng mag-aaral at panauhin. Hanggang sa muli.

Ngayon na po ito, punta po tayo.
30/04/2026

Ngayon na po ito, punta po tayo.

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Sa panahong unti-unting nauubos ang ating kalikasan, ang panitikan ay hindi lamang dapat basahin kundi dapat maging paninindigan.

Halina sa Tertulyang Pampanitikan 2026 na may temang “Panitikan bilang Daluyan ng Katwiran sa Panahon ng Krisis Pangkalikasan.”

📅 Abril 30, 2026, 8:00 n. u.
📍 MSU–MCHC, Marawi

Makibahagi. Makinig. Makialam.

Kitakits po bukas!
29/04/2026

Kitakits po bukas!

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Sa panahong unti-unting nauubos ang ating kalikasan, ang panitikan ay hindi lamang dapat basahin kundi dapat maging paninindigan.

Halina sa Tertulyang Pampanitikan 2026 na may temang “Panitikan bilang Daluyan ng Katwiran sa Panahon ng Krisis Pangkalikasan.”

📅 Abril 30, 2026, 8:00 n. u.
📍 MSU–MCHC, Marawi

Makibahagi. Makinig. Makialam.

Biyaya ang maipakilala hindi bilang sentro, kundi bilang daluyan ng mga kwentong nagmumula sa aking bayan; kung ako man ...
29/04/2026

Biyaya ang maipakilala hindi bilang sentro, kundi bilang daluyan ng mga kwentong nagmumula sa aking bayan; kung ako man ay makita, nawa’y mas makita ang tinig ng kulturang patuloy nating binubuhay. Ang lahat ng papuri ay sa Allah!

Meet Dr. Almayrah Abbas Tiburon—one of the most powerful literary voices bringing Meranaw stories to life in Philippine and global literature.

A National Book Awards finalist, Kampeon ng Wika awardee, and one of Spot.ph's "10 Noteworthy Filipina Writers," Dr. Tiburon writes from the heart of Marawi City, turning the lived experiences of her people into unforgettable poetry, fiction, and essays.

Her books—Terminal, Terminal 2, Thotholan: Mga Alamat at Pabulang Meranaw, Salamin at Iba Pang Panglaw, and Mga Danas—explore Meranaw identity, women's resilience, war, displacement, and motherhood with a depth that refuses to let dominant narratives erase Bangsamoro realities.

She's not just a writer. As Director of MSU-Sentro ng Wika at Kultura and faculty at MSU-Marawi's Department of Filipino and Other Languages, she's actively shaping the next generation of Bangsamoro storytellers and cultural workers.

Her work has appeared in major Philippine anthologies (CCP, UP Press, Gantala Press, Liwayway) and international journals (Asymptote, YUMO-Japan). She's also edited critical collections like Lawanen 2: Mga Alaala ng Pagkubkob, preserving memories of the Marawi siege with dignity and cultural responsibility.

Dr. Tiburon bridges oral tradition and written literature, ensuring that Meranaw voices aren't just heard—they're documented, celebrated, and passed on to future generations.

This is what cultural preservation looks like when it's done with excellence, integrity, and love for one's people.

Read her full profile: https://wiki.maranaw.com/index.php/Almayrah_Abbas_Tiburon

Kung hindi ngayon, kailan pa?Sa panahong unti-unting nauubos ang ating kalikasan, ang panitikan ay hindi lamang dapat ba...
23/04/2026

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Sa panahong unti-unting nauubos ang ating kalikasan, ang panitikan ay hindi lamang dapat basahin kundi dapat maging paninindigan.

Halina sa Tertulyang Pampanitikan 2026 na may temang “Panitikan bilang Daluyan ng Katwiran sa Panahon ng Krisis Pangkalikasan.”

📅 Abril 30, 2026, 8:00 n. u.
📍 MSU–MCHC, Marawi

Makibahagi. Makinig. Makialam.

Address

3rd Street , Mindanao State University
Marawi City
9700

Opening Hours

Monday 8:30am - 4pm
Tuesday 8:30am - 4pm
Wednesday 8:30am - 4pm
Thursday 8:30am - 4pm
Friday 8:30am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sentro ng Wika at Kultura - Mindanao State University, Marawi City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category