23/09/2023
PAGGAMIT NG KATAWAGANG [ USTÁDH ]
Ang katawagang 'Ustadh' na ito ay pwedeng gamitin o itawag sa taong 'Tagapagturo/teacher' sa mga Madrasah sa Atin o kahit sinong nagtuturo ng Relihiyong Islam.
Ang katagang "USTADH" ay may nagsasabi na ito'y galing sa Arabic Word, ang iba naman ay ito daw ay "Farisi" (Persian word) na ang kahulugan ay Tagapagturo (معلم أو ماهر). At ito ang tamang opinyon.
👉 Alin man sa dalawa ay pwedeng gamitin ang "USTADH" dahil ang paggamit sa katawagang 'Ustadh' ay depende o ibinabatay sa anong nakasanayan at nakaugaliang pinapangahulugan ng isang lugar sa pag-gamit nito.
✅ Sa atin, ang katawagang 'Ustadh' ay ang tinutukoy natin dito ay 'Mu-allim/معلم' o tagapagturo sa mga Madrasah, kaya ito'y maaaring gamitin.
👉 May sinabi ang ating ilang Iskolar na pamantayan:
كلام العامة يحمل على قواعد العامة، لا على قواعد اللغة العربية
• May mga salita na sinasabi ng mga pangkaraniwang tao (عوام) na kung tutuusin ay salungat sa Arabic Grammar, pero hindi nangangahulugan na hindi pwede gamitin, dahil anumang kataga na sinasabi ng mga tao na wala namang nalalabag sa usaping Aqeedah ay pwede gamitin at ito'y IBABATAY sa kung anong pinapangahulugan ng mga tao sa kataga na ito.
👉 Halimbawa:
Mabrook / مبروك . ( alf Mabruuuuk)
Ang katagang ito ay naging talamak at laganap sa mga Arabo na kung tutuusin ay salungat sa Arabic grammar (ayon sa ilang Iskolar) subalit kanilang ginagamit ito na ang kanilang tinutukoy o Pinapangahulugan ay Barakah/بركة at hindi ang Pagyuko ng Kamelyo, Kaya ito'y pwedeng gamitin.
Note: Tama na mas mainam gamitin ay ang 'Mubarak' pero pwede ding gamitin ang 'Mabrook' at 'wag sitahin ang gumagamit nito sa maling Paraan.
Sa madaling salita, 'wag masyado maghigpit o maging Big deal sa pagsabi ng iba ng 'MABROUK'/ALF MABRUUK kapag may binabati (congratulations) sa mga Okasyon dahil ang tinutukoy o pinapangahulugan ng mga tao dito ay ang panalanging manatili ang Barakah sa tao o sa isang bagay na tulad ng kahulugan ng Mubarak.
أي لفظ أدى معنى الدعاء بالبركة ، مما تعارفه الناس حصل المقصود ، ولا إنكار في ذلك ، حتى وإن كان لفظا ملحونا من حيث الصنعة اللغوية ، ما دام المعنى في ذلك واضحا لمن يستعمله .
• Ganun din ang "USTADH" na maaaring gamitin ito dahil ang ating pinapangahulugan dito ay 'TAGAPAGTURO', at 'wag na nating lagyan pa ng mga kundisyon at qualification o ikumpara sa Academic Terms ng mga University.
الأمر فيه واسع. 😊
✍ Abu Haneen Ibn Abdullah
Ano nga ba ang kahulugan ng salitang USTADH ❔
(Hindi IPINAGBABAWAL gamitin, subalit iwasan ang Pagmamalabis)
Kelan nga ba ito marapat gamitin at para kanino?! Nakasanayan na na ng mga Muslim sa south east asia ang katagang 'Ustadh' itinatawag bilang pag-galang sa mga nakakaalam o tagapagturo sa madrasah o di kaya kapag Daiyyah na siya.. Habang sa Mga arab countries naman madalas itong ina-address sa mga may katungkulan sa Unibersidad tulad ng mga Propesor o di kaya ay mga iba pang katungkulan..
Ang katagang Ustadh (أستاذ)ay ginagamit sa wikang arabe na kabilang sa tinatawag na mufrad mudhakkar o pang-isahang panlalaki, na ang maramihan nito ay ASATIDHAH (أساتذة)، ASATEEDH (أساتيذ) at USTADHOON (أستاذون). Samantala sa pambabae naman ay USTADHAH (أستاذة) at USTADHAT (أستاذات) naman kung maramihan..
Ayaon kay Al Hafidh Abul Khattab bin Daheehah sa kaniyang aklat na Al Matrab: 'ang salitang Ustadh ay hindi salitang arabe at hindi rin matatagpuan sa mga tula ng mga Quraish noon bago pa dumating ang islam. Bagkus ay ginagamit ito na teminolohiya ng mga pangkaraniwang mamamayang arabo bilang paggalang sa isang marunong o ekspyerto sa kaniyang larangan..
Binanggit din ni Abul Baqa sa kaniyang aklat na kung saan ipinaliwanag niya ang Deewan ni Abu Tayyib: ...'ito ay hindi salitang arabe bagkus ito ay hango sa wika ng mga Taga iraq (persian language), ginagamit ito na kataga para sa mga maaalam (faqeeh) o di kaya sa tagapagturo o di kaya sa tagabasa ng qur'an.
--bilang panghuli, napakaganda ng terminolohiyang ito at nakakatuwa na ginagamit ito ng karamihan sa mga Kapatid nating Muslim sa buong mundo lalo na sa southeast asia partikularmente sa pilipinas..
Subalit ang karamihan naman ay hindi na ito ginagamit bilang paggalang bagkus sumobra ang iilan sa paggamit nito sa puntong kahit pa ang hindi karapatdapat tawagin ng katagang ito ay tinatawag ng karamihan sa salitang ito hanggang sa maniwala ang karamihan na dapat kumuha ng kaalaman sa naturang tao sapagkat siya ay USTADH O A-LEM diumano.. Dalawang terminolohiya na madalas nagiging sanhi ng pagkamangha sa sarili sa taong tinatawag nito, at madalas naman ay ikakapahamak ng mga nagsasaliksik ng kaalaman dahil dito..
Hindi ipinagbabawal na gamitin ang mga katagang nabanggit subalit iwasan ang pagmamalabis o guluww na tinatawag..
At kung ang 'layunin' natin para iaddress siya bilang ustadh ay dahil ekspyerto siya sa larangang kaniyang tinatahak ay walang masama rito subalit iwasan ang labis na pagpuri sapagkat ang pagmamalabis ang siyang nagwasak sa mga naunang bayan kaysa sa ating Ummah..
Ustadh
✍️Abdurahman Caderao