12/08/2024
Pre-Selling vs. RFO: Alin ang Mas Bagay sa’yo?
May balak ka bang bumili ng condo o house and lot pero di makapag-decide kung pre-selling o ready-for-occupancy (RFO) ang kukunin?
Baka natatanong mo rin sa sarili, "Bakit nga ba hanggang ngayon nangungupahan pa rin ako kung pwede naman rent-to-own?"
Marami tayong dahilan, pero minsan mahirap intindihin at unawain kung alin ang mas maganda para sa’yo.
Kaya eto ang ilang bagay na dapat mong isipin:
Gusto mo ng RFO pero gusto mo rin ng flexible na hulugan sa down payment? Ang sagot: Pre-Selling.
Gusto mo ng RFO kaso ayaw mong maglabas ng malaking cash agad?
Ang sagot: Pre-Selling.
Gusto mo ng RFO pero gusto mo rin yung pinakamataas na floor o magandang lote na may view? Pagdating sa RFO, limitado na ang pagpipilian mo. Mas makakapili ka ng magandang pwesto sa Pre-Selling.
Gusto mo ng RFO pero hanggang ngayon di ka pa nagpapareserve?
Kung nagpareserve ka na dati, sana nasimulan mo na ang buhay na gusto mo.
Kung gusto mong makuha ang dream home mo, simulan mo na ngayon habang mababa pa ang presyo.
Huwag nang magpatumpik-tumpik—kilos na para sa kinabukasan mo!